BAD #39

68K 1.9K 178
                                    

ALLISEA/CALI'S POV

" Nasa Palawan si Carlos Martinez III El nido to be exact " ani ni Cralence.

Tumango naman ako sa kanya at itinutok sa pader ang hawak kong baril, nililinis ko kase ito ngayon. Ibinaba ko iyon at umupo sa swivel Chair nitong maliit na opisina sa bahay ni Clarence. Kaming dalawa lang ang nandito dahil kasama nila Steve ang tatlo kong makulit na anak.

" What's the plan ? " Tanong niya habang at umupo sa harap ko sabay dampot nang isa sa mga baril na nakalatag ngayon sa lamesa. Tinignan niya iyon na para bang inuusisa.

Tinapik ko ang kamay niya nang akmang ikakasa niya yung hawak niyang baril.
" May bala yan " Ani ko kaya ibinaba niya ang hawak at muli akong tinignan. Baka iputok niya nang hindi sinasadya, mahirap na dahil nandyan lang sa baba ang mga bata.

" Yan lang ba ang nakuha mong infos ? " Tanong ko sa kanya at pinaikot ikot ang inuupuan ko, ang sarap kaya ahehe.

" Ahuh. Anong akala mo ? na madali nating malalaman ang lahat lahat ng tungkol sa kanya ? bigatin siya Cali and higly secured "

As I thought so. 

" How about dun sa assasination kay Mr.Evans ? Is Steve telling a truth ? " Tanong kong muli.

Call me whatever pero hindi maalis sa aking magduda, kahit alam kong good terms na kami ni Steve, mas mabuti pa ring mag-ingat.

" Yes, a certain Takumi Harashiwa is what Steve was talking about. According to my research that I conducted all by myself, Steve is indeed telling the truth " Paliwanag niya.

Napabuntong hininga ako, buti na lang dahil Steve is really close to me now at masasaktan ako nang sobra kung nagsisinungaling man siya. Thak god because his telling the truth, I trust Steve yes. But not to the extend na isasalalay ko ang lahat sa trust na iyon, madali lang iyong sirain.

" I think that Incident is not connected to Martinez, what do you think ? " Tanong ko naman sa kanya.

Parang wala naman talaga kase, pinagisipan ko iyon nang mabuti. Siguro ay talagang maraming kaaway lang ang lalaking iyon kaya pinatay.

" Yes, yan din naman ang iniisip ko. Ayon din kase sa mga nalaman ko, sakim si Takumi siguro ay maraming nagalit at gusto na siyang patahimikin panghabambuhay "

" Hmm Siguro nga " Sagot ko din naman.

It's been two days since we arrived here at the philippines, hindi pa kami lumalabas ng mga anak ko sa bahay na ito kahit isang beses, pano ba naman naiinitan daw sila. Nasanay kase sila sa malamig na klima kahit nagsusummer naman sa states.

" So ano ngang plano ? " Bakas ang inip ni Cralence sa pagkakasabi niya nyan.

Excited naman neto, psh.'

" Pupunta tayo sa palawan, tayong tatlo lang ni Steve para magmanman at isakatuparan ang nais nating mangyare, let's make things less complicated. Pasimple tayong papasok sa mansion niya, kahit gaano kataas ang security niya, may 0.00001 % pa rin na butas iyon at kahit ganun kaliit ang tyansa, papasukin pa rin natin " Paliwanag ko.

" Ano  ? pano si Clarence ? " Exagerated na tanong niya. OA talaga, kambal na kambal talaga sila ni Clarence.

" Siya ang magbabantay sa triplets kasama ni Yaya, ikaw yung naiwan nung nakaraan diba ? siya naman ngayon " Sagot ko sa tanong niya at tumayo.

Isa isa kong inilagay sa briefcase ang mga baril na nasa mesa, habang nakatanga lang siya sa harap ko. 

" Tsk Fine. Ano pa yung details para sa plano ? " Tanong nanaman niya.

She's a Badass TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon