Dalampasigan

76 2 2
                                    

JASMINE

Ang bulaklak ng Jasmine ay maiuugnay sa pag-ibig, ito ay sumisimbolo sa kagandahan at sensuwalidad. Sa ibang kultura, nagrerepresenta ito ng pagpapahalaga at  swerte. Sa relihiyosong seremonyas ito ay nagrerepresenta ng kadalisayan.

Madilim ang kapaligiran ngunit sa kalangitan ay napapalibutan ito ng maliliit na liwanag mula sa bituin na nagniningning. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa pisngi ng naglalakad na babae sa dalampasigan. Makikitang paekis ekis ang kanyang paglakad at mabuway. Ngunit maaaninag pa rin ang angking kagandahan  at magandang hubog ng katawan kahit na madilim ang kapaligiran. Ang alon ay parang musika sa kanyang pandinig at ang amoy ng dagat ay nagpapakalma sa nag aalab niyang damdamin. 

"Akala niyo maiisahan niyo ako, eh mga gunggong pala kayo!" sigaw niya sa dalampasigan. "Masyado kayong mapagmalinis at mapagmataas, pare-pareho lang naman tayong may mga bahong itinatago, pwe!" usal niya habang palapit sa tubig. Umupo si Eva sa dalampasigan habang hawak ang kumikirot na ulo. "Sobrang sakit naman, mukhang napasobra ang nainom ko na brandy ah" sabay lingon sa pinanggalingan. Nagkakasiyahan pa rin ang mga tao sa Party sa may lagoon, maingay ang musika sa pandinig niya, inis siya  sa mga plastik na tao na nasa alta sosyedad at mga pulitikong buwaya. Lalo na ang mga taong siyang dahilan ng nararamdaman niyang poot. "Bukas magsisimula ang pagbabagong buhay naming mag-anak, kakalimutan ko ang lahat ng nasa Villa na ito." sa isip ni Eva. 

May naramdaman siyang yabag na papalapit sa kanya. Nakaramdam siya ng kasiyahan sapagkat alam niya kung kanino ang yabag na iyon. Lumingon si Eva at nakita niya ang papalapit na mala aninong tao na nagpunta sa tagiliran niya. Walang salitang hinalikan siya ng lalaki at sila ay natumba sa dalampasigan. Nagmamadaling hinubad niya ang t-shirt ng lalaki na may matipunong pangangatawan, nag aalab ang damdamin na nanabik sa lalaking kanyang nakakasama tuwing may pagkakataon. Nakahubad na ang mga damit nila at nagmamadaling nais ilabas ang init sa katawan. "Oh, ang sarap mo talagang magmahal, giliw ko! tumitirik ang mga matang sigaw ni Eva. "Alam na alam mo kung saan ang kiliti ko at siyang magdadala sa akin sa kalangitan" usal ni Eva habang hindi makahinga sa sensasyong dumadaloy sa kanyang kaibuturan. "Oh Eva ang sarap mo talaga, hindi ka nakakasawa" ang bulong naman ng lalaking kaulayaw niya. "Sana huwag ka ng umalis..mababaliw ako pag nawala ka. Dumito na lang kayo upang araw-araw tayong magkaulayaw" nagsusumamong bulong ng lalaki sa tenga ni Eva habang nagtampisaw sila sa marubdob na panandaliang kaligayahan sa piling ng isa't-isa. Walang pakialam sa paligid at lalong walang pakialam sa kasalanang kanilang ginagawa.

 Nagbihis na si Eva at umupo sa buhangin. "Halika giliw ko gusto kung madama ang init ng iyong katawan sa huling sandali. Hindi pwedeng ipagpaliban ang pag alis namin sa Villa. Kailangan ko ng bigyan ng atensiyon ang aking asawa  at  anak. Malaki na ang pagkukulang ko sa kanila." mahinang paliwanag ni Eva sa lalaki. "Naintindihan ko Eva pero yung ginawa mong pagbabanta kanina sa lahat ng nasa Villa na ibubunyag mo ang mga lihim nila hindi ka ba natatakot doon?" tanong ng lalaki. "Bakit naman ako matatakot? sinabi ko lang naman ang totoo. Saka ano naman ang gagawin nila sa akin eh aalis na kami bukas at hinding hindi na babalik sa Villa na ito" galit na pahayag ni Eva. "Alam ko naman na galit sila akin at sinasabi nila na isa akong puta. Pare-pareho lang naman kaming may mga lihim na baho akala mo kung sino sila eh pareho lang naman kaming mga sampid sa mayamang pamilya ng asawa ko. Masyadong mataas ang ere niyang si Lucy at yang si Vina." inis sa sabi niya.  


PulsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon