Ang Villa ay nakatayo sa napakalawak na lupain na may napakalinis na karagatan na matatagpuan sa Probinsiya ng Cebu sa Norteng Bahagi nito. May tatlong Mansiyon ang Villa at ang isa na pag aari ni Sean ang pinakamalaki. Dito rin nila ginaganap ang mga okasyon at pagtitipon. Mayroon din itong mga maliliit na cottages para sa mga trabahante at mayroon ding malalaki para sa mga pamilyang nakatira dito. Ang man-made lagoon ang pinaka highlights ng Villa. Napakaganda ng pagkakagawa nito na animo ay natural na gawa ng kalikasan. Napakaraming mga ibon ang nagliliparan sa may lagoon maging sa dalampasigan na minsan ay napakaingay na animo ay tumitiling mga babae. Napapalibutan din ang Villa ng mga humahalimuyak na mga bulaklak tulad ng rosas na may iba't-ibang kulay, orchids, tulips at ang pinakamarami ay Jasmine. Meron din itong mga business establishments na pag aari ng pamilya Ty. Anupa't hindi mo na nanaisin ang lumabas ng Villa sapagkat nakapaganda nito at kumpleto naman sa mga pangangailangan. May sariling private plane at yate ang pamilya Ty. Kaya nakapadali lang ng transportasyon kung nanaisin mong magpunta sa Maynila o sa kahit saan pang bahagi ng Pilipinas. Marami ding sasakyan sa garahe ang pamilya Ty. May koleksiyon si Sean ng mga klasikong sasakyan na mga vintage, iyon kasi ang libangan niya kasama ang paglalakbay sa kanyang nakapagandang Yate na may pangalang Jasmine. Meron din siyang mga bagong sasakyan na naka display lang sa garahe. Kahit gaano pa kayaman o kaasenso si Sean ay mapapansin mo pa rin ang matinding kalungkutan sa kanyang mga mata. Ngunit hindi maitatago ang kagwapuhan nito na may lahing kastila. Matangkad ito sa karaniwang lalaki, kulay brown ang buhok na may asul na mga mata. Magkahawing sila ng pinsang si Marko ngunit mas matikas siyang lalaki dito at mas malakas ang karisma sa mga babae. Mahina ang dating ng kanyang pinsang si Marko ngunit alam niya na maswerte ito at pinakasalan ni Eva. Yun ang lamang sa kanya ng pinsan. Ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang sought after Bachelor sa Cebu at maging sa mundo ng negosyo. Maraming magagandang babae ang nagkakandarapa na mapansin niya ngunit alam niyang iisa lang ang gusto ng kanyang puso. Alam din niyang ang kayamanan niya lang ang hangad ng mga babaeng nagpaparamdam sa kanya.
Makikita ang isang lalaki na nakatanaw sa labas ng bintana ng isang magarbong opisina na may disenyong puti at itim na pinagsama. Maaamoy mo rin sa pagpasok ang sariwang bulaklak ng Jasmine na nakalagay sa mga vases. Mayroong malaking larawan ng babaeng nakatalikod na charcoal painting na nakalagay sa sentro ng kwarto na ang kwadra ay yari sa ginto. Hindi nakalagay kung sino ang babae ngunit sa pagkakaguhit makikita na ito ay isang dalagang may maalindog na pangangatawan. Nasa malalim na pag iisip ang naturang lalaki ng may kumatok at pumasok sa kanyang pribadong opisina.
"Good morning Tito Sean." bungad ni Adam sa nakatalikod na si Sean. "May dala akong magandang balita. Pumayag nang pumunta dito si Jasmine dala ang abo ni Tito Marko para dito na rin isaboy." maluwag ang ngiting bungad ni Adam sa kaibigang matalik ng ama niya na ngayon ay kasosyo na sa negosyo. "Talaga? mabuti at pumayag naman siya" nagagalak na sambit ni Sean sabay upo sa mamamahaling sofa at sumenyas na umupo din si Adam. "Opo Tito Sean, noong una po ay bantulot siyang tanggapin ang inyong imbitasyon pero nang sinabi ko na makikilala niya ang mga natira niyang kapamilya lalo ka na at saka yung abo ng ama niya na isasaboy dito sa dagat ay pumayag naman na siya." mahabang paliwanag ng binata. "Kasama mo na siya ngayon? Saan mo siya pinatuloy?" natutuwang tanong ni Sean na hindi maitago ang saya at excitement. "Sorry Tito Sean isang linggo pa bago siya pumunta dito. Ako na lang ang susundo sa kanya." malungkot na pahayag ng binata. Nalungkot din si Sean na tumayo at bumalik sa pagtanaw sa karagatan. "Makikita mo na rin siya Tito Sean kaya huwag ka ng malungkot" sabi ni Adam. "Natutuwa ako na kinakabahan Adam, alam mo naman ang dahilan. Saka masakit sa akin na wala na si Marko na itinuring kung kapatid. Magpinsan kami na naging matalik na magkaibigan at kapatid ang turingan. Hindi man lang kami nagkausap para nakahingi sana ako ng kapatawaran." Naluluhang sabi ni Sean na hindi pinakita kay Adam. Hindi siya dapat kakitaan ng pagiging mahina ngunit hindi niya rin pwedeng pigilan ang damdamin. Inayos niya ang sarili at hinarap ang binata. "Adam sa iyong mga kamay ko ilalagay ang responsibilidad na asikasuhin si Jasmine. Gamitin ang private plane para sunduin siya. Ikaw na ang bahala sa kanya." bilin ni Sean sa binata. Nagulat naman ang binata sa pahayag ng naging ama-amahan na rin. "Bakit po Tito Sean hindi ka ba magpapakita sa kanya?" tanong nito. "Gustuhin ko man pero hindi pa ngayon ang panahon. Maaring magpakita ako o maaring hindi." malungkot na saad nito.
"Kung iyan po ang nais niyo Tito Sean masusunod po, ako na ang bahala kay Jasmine." saad naman ni Adam. "Sige po babalik na ako sa office ko. Bago po kami umalis sa Maynila sasabihan na kita agad." sabi nito habang palabas ng kwarto na biglang bumukas at pumasok si Vina. "Oh hi Macho" bati nito kay Adam sabay himas sa matipunong braso nito. Nahiya naman si Adam sa ginawa sa kanya ni Vina. "Hello Vina kumusta na?" bati naman niya sa dalagang makikita ang matinding paghanga at paghahangad sa kanya. "Well maganda pa rin at alam mo na still single and available plus always ready to mingle" sabay hagikgik nito na malanding pang aakit nito kay Adam sabay dikit ng malaking diddib nito sa braso ng binata. Pinagpawisan naman ang binata ng maliliit na butil pero nilayo ang sarili sa magandang dalaga na halata ang pang aakit sa kanya. Ngunit hindi na niya ito papatulan pa. Nadala lang siya dati ng kalasingan at tukso nang minsan ay may mangyari sa kanila ilang taon na ang lumipas. Ngunit simula noon ay hindi na siya lumapit o dumikit man lang sa dalaga. Hindi naman siya pinilit panagutin ng dalaga sapagkat liberated naman ito at kung sino-sino ang nakaka one night stand. "Lagi ka na lang umiiwas sa akin Adam, ha. Kailan ba tayo lalabas ng tayong dalawa lang?" nagtatampong tanong nito. "Hindi ko pa alam Vina masyado kasi akong busy." sagot niya sa dalaga. "Oo nga narinig ko na busy ka sa Jasmine na yun." sabay simangot at irap. "Nagdadalamhati pa rin kasi yung tao sa pagkamatay ni Tito Marko kailangan niya ng karamay. Saka pupunta naman siya dito sa isang linggo kaya marami na siyang karamay lalo na si Yaya Maria" kwento naman nito sa dalaga na nasa late thirties na pero maganda at sexy pa rin. Iba nga lang ang ugali kaya hindi nagustuhan ni Adam.
"Ay ganun tatapak pala ulit ang batang iyon dito sa Villa" may inis na pahayag naman ni Vina na ikinagulat ni Adam maging si Sean na nakikinig lang sa kanila. "Vina ano naman ang problema kung tumungtong dito sa Villa si Jasmine?" malumanay na tanong ni Sean sa dalaga. "Oo nga naman Vina ano naman ang problema eh may share naman si Jasmine sa Villa at sa Sailing Yacht." inis na tanong ni Adam sa dalaga. Bigla namang nagbago ang tono ng pananalita ni Vina ng makita niya na nadismaya sa kanya si Adam maging si Sean. "Oh ano din naman ang masama sa sinabi ko?" balik tanong naman nito sa dalawa. "Nagulat lang naman ako ang akala ko kasi ay hindi na magpapakita ang anak ni Eva dito sa Villa." pangangatwiran naman nito. "Bakit mo naman naisip na hindi na gugustuhin pa ng anak ni Eva na si Jasmine ang tumapak dito sa Villa?" kuryos na tanong ni Sean na ngayon ay nakaupo na sa executive chair nito. "Sean kung ako kasi si Jasmine masakit sa akin ang maalala na dito namatay ang nanay ko. Na nalunod dahil sa kalasingan." may pang iinsultong sabi nito. "Vina please shut your mouth sobra na yang sinasabi mo. Igalang mo naman ang alaala ni Eva!" mariing pahayag ni Sean kay Vina na hindi nakakibo. "Oo nga naman Vina huwag mo naman sanang insultuhin pa si Eva" dagdag naman ni Adam. "Okay fine ano pa nga ba ang magagawa ko lagi namang si Eva ang pinaka paborito niyo dito sa Villa noon pa man magpahanggang ngayon na wala na siya." nasasaktan na balik naman ni Vina na nakatingin kay Sean. "Lagi na lang si Eva ang magaling, ang malanding si Eva!" sabay takbo sa pintuan palabas ng opisina ni Sean.
Hindi naman nakaimik ang dalawang nagkatinginan na lang. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na si Adam na babalik na sa opisina nito. Nanghihina naman na nagbuntung hininga si Sean sabay lapit sa nakakwadrong larawan ng babaeng nakatalikod. "Sobrang namimiss na kita Mahal ko." sabay haplos nang may pangungulila sa babae sa kwadro. Tinangay ang kanyang pangungulila ng hangin na dumapyo sa kanya palabas ng bintana papunta sa karagatan.
BINABASA MO ANG
Pulso
Mystery / ThrillerPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...