Hatinggabi na ngunit patuloy pa rin ang kasiyahan sa Villa. Nag eenjoy naman ang magkakaibigan lalo na at bumaha ng napakaraming pagkain. Lechon ng Carcar ang pinaka nasarapan ang tatlo lalo na si Grace na paborito iyon maging ang mga iba't-ibang klase ng seafoods na ngayon lang nila natikman. Busog na busog sila at wala ng paglagyan sa matatamis na kakanin na specialty ng Cebu. Ang sabi ni Adam marami pa daw yun para bukas o kapag gusto nila maari namang magpaluto sa mga chef na nasa Villa. Kaya huwag daw silang mag alala dahil lahat ng gusto nilang kainin o pasyalan habang nagbabakasyon sila sa Villa ay matutupad. Tuwang tuwa ang magkakaibigan. Si Jasmine naman ay masaya para sa bestfriend niya at naparanas niya ang matagal na nitong pangarap, ang makasakay ng eroplano at makapagbakasyon sa ibang lugar kasama ang partner nito. Si Adam ay panay asikaso sa kanila lalo na kay Jasmine na napansin ng lahat lalo na si Vina na laging nakairap at masama ang tingin kay Jasmine. Si Lucy naman ay panay tanong sa katabing PA kung maayos pa rin ba ang itsura niya, masyado kasi siyang concious noong buhay pa si Eva sa itsura niya. Ngayon na dumating si Jasmine naisip niya panibagong kumpitensiya na naman sa kagandahan niya. Ang dalawang lalaki naman na nag iinuman ay seryoso ang usapan na sila lang ang nakakarinig, walang pakialam sa ingay ng live band at mga tao sa paligid na nagkakasiyahan.
Nang biglang tumahimik ang banda at nag anunsiyo na maari daw kumanta ang mga bisita. Naunang tumayo si Grace at lumapit sa entablado. Napailing naman si Joy dahil alam niya na ang gagawin nito. Si Jasmine naman ay pumalakpak agad at nagsabi ng "Go grace pakita mo ang talent mo. Bestfriend ko yan!" natutuwang pahayag nito. Kumanta ng dalawang kanta si Grace kasama ang pagpapakwela nito. Nang matapos ay biglang tinawag ang bestfriend niya na si Jasmine. "Ang susunod po na kakanta ay walang iba kung hindi ang star ng kasiyahan na ito, Si Jasmine" habang pababa ay kinakawayan ang lahat na animo artista. Si Joy naman ay proud sa partner niya pero nahiya din ng biglang parang kilala na lahat ni Grace ang lahat ng tao at nagtable hopping pa para bumati na animo pulitiko ang dating.
Si Jasmine naman ay nahihiyang tumayo papunta sa entablado. Sinamahan siya ni Adam at ni Nika para magkaroon ng lakas ng loob. Sinabi ni Adam na pagbigyan na lang ang lahat para sa gabing iyon. Hawak ni Jasmine ang mikropono at nilibot niya ang tingin sa mga taong nakatingin sa kanya. Makikita ang paghanga sa iba ngunit sa table nila Lucy ay napansin niyang masama ang tingin sa kanya at mga nakaismid. Nakita niya ang isang matangkad na lalaki sa may hagdanan na halos kaedad ng Dad niya, kasing katawan at kakulay ng buhok nito. Ngunit bigla itong umalis nang magtama ang kanilang mga mata. Nakaramdam siya ng kaba sa sandaling pagtatama ng kanilang mga mata na hindi niya alam kung bakit.
"Go Jas kaya mo yan, ipakita mo ang talent mo, andito lang kami" sigaw ni Grace na biglang nagpaalala sa kanya na nasa harapan siya ng maraming tao. "Magandang gabi po sa lahat, pagpasensiyahan niyo na po ang boses ko at pagbibigyan ko lang po ang bestfriend ko para hindi mapahiya. Saka para din sa kaibigan kung si Nika na siyang nag asikaso nitong Welcome Party para sa akin at kay Adam na laging nandiyan para tumulong simula ng mamatay ang Dad ko...Salamat sa inyong lahat sa pagbibigay ng oras para sa pagtitipon na ito" mahabang saad ni Jasmine. "Ka oa naman ng babaeng yan di pa kumanta kung kakanta eh" inis na sabi ni Vina sabay ismid. "Baka naman boses palaka yan kaya pinapatagal pa ang pagkanta ha ha" sabi naman ni Lucy sabay hagikhik ng pasosyal. "Malamang" sabay na sabat naman nila Miko at Diego at nagtawanan silang apat.
Pumailanlang ang mala anghel at matamis na boses ni Jasmine na siyang nagpatahimik sa lahat. Maging si Sean na papasok na sana sa kanyang pribadong opisina ay napahinto. Napakatamis ng boses ni Jasmine at talagang maeengganyo kang pakinggan ang pag awit nito ng buong puso. Mararamdaman sa pag awit nito ang matinding pagmamahal at pangungulila sa kanyang namayapang ama, kasama ng mahinang pag indak kasabay ng musika na nagpapakita ng mahubog nitong katawan. "Dance with My Father" ang napiling kanta ng dalaga na may tinatagong magandang boses. Nang matapos ang madamdaming pag awit niya ay nagpalakpakan ang mga bisita at nag sabing more. Si Grace at Joy naman ay tuwang tuwa para sa kaibigan kaya panay sigaw din ng more. Si Adam ay natulala sa pagkanta ni Jasmine naalala niya si Eva na napakaganda din ng boses at laging kumakanta kapag may pagtitipon sa Villa. Samantalang sila Lucy ay nagulat na magkaboses pala si Eva at ang anak nito sa pagkanta. Maging sa istura nila pareho ang mag ina, nag uumapaw ang sex appeal kaya marami ang nahahalina. Kumuyom naman ang palad ng isang tao na sobra ang galit kay Eva. Naisip niya na kahit pala pinatay na niya si Eva ay mabubuhay pa rin ito sa katauhan ng kanyang anak. Galit na galit na nilisan niya ng walang paalam ang kasiyahan at nagmuni sa dilim ng kalangitan.
BINABASA MO ANG
Pulso
Mystery / ThrillerPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...