Napagod na si Jasmine kakaiyak at masakit na ang katawan niya kakapadyak na kasama ang pagwawala. Naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya para na rin siyang nahiya kaya tumigil na siya sa pagwawala. Yumuko na lang siya nang biglang may nakita siyang sapatos na itim na napakakintab sa harapan niya. "Miss, excuse me" nagulat siya sa tinig ng nagsalita para kasing pamilyar. Nag angat siya ng paningin habang nakasalampak sa sahig at nakasandal sa dingding sa pasilyo ng kwarto ng Dad niya. "Oh ikaw pala yan bakit?" tanong niya sa lalaki kanina sa vending machine sabay pahid ng luha at sipon ng likod ng kamay niya. Nahihiya siya sa itsura na parang tanga at parang bata kaya yumuko na naman siya. "Nakita mo na ba yung hinahanap mo?" tanong niya. "Oo nakita ko na siya nakakalungkot lang kasi nahuli ako ng pagdating...Wala na pala siya." may bahid ng lungkot ang tinig ng binata. "I am sorry Jasmine sa pagkawala ni Tito Marko hindi man lang kami nakapag usap" parang maiiyak na saad ng binata sa kanya. "Magkakilala pala kayo ng Dad ko taga Villa ka ba?" tanong ni Jasmine . "Oo taga Villa ako doon ako lumaki bata ka pa noon kaya hindi mo ako matandaan. Ako yung laging kumakarga sa iyo pag nasa dalampasigan ka kasi ayaw kang kalaro ng pinsan mo na lalaki. Nang maging close na kayo ni Nica hindi ka na masyadong nagpupunta sa dalampasigan panay barbie na lang kayo sa loob ng mansiyon." mahabang paliwanag ni Adam sa dalaga. "Ay oo nga naalala na kita nag iba kasi ang itsura mo eh pasensiya ka na. Sobrang gwapo mo na kasi ngayon saka ang lakas ng dating mo sa porma mo" sabi naman ng dalaga. Nakaramdam naman ng tuwa si Adam sa pahayag ng dalaga na gwapo siya at malakas ang dating. "Ikaw talaga Jasmine nakuha mo pang mambola sa nakakaawang itsura mo diyan. Maga ang mga mata at tumutulo ang uhog este sipon pala" pabirong sabi ng nakangiting binata sabay abot ng puting panyo niya kay Jasmine. "Salamat" sabi niya sabay pahid ng luha at sipon at suminga pa. "Yung panyo mo babalik ko na lang kapag nalabahan ko na ha." medyo nakikilig na sabi ng dalaga na nanonoot pa ang amoy ng pabangong cool water sa ilong niya. "Grabe ka naman pala maglagay ng pabango ano sobrang humahalimuyak" sabay tayo ng dalaga. "Ang gusto ni Dad ay tanggapin ko ang pagkawala niya ng maayos at yung hindi ako magdadalamhati ng matagal. Kailangan daw na lakasan ko ang loob ko kapag nawala na siya. Kaya pinalaki niya ako ng matatag at kayang tumayo sa sariling mga paa. Kaya pala niya ako sinanay ng ganito dahil iiwanan niya ako." naiiyak na naman ang dalaga.
Aalalayan sana ni Adam ang dalaga ngunit nauna na itong maglakad papunta sa kwarto ng Dad nito. "Ayusin na natin si Tito Marko ako na ang bahala sa lahat ng gastusin samahan mo na lang siya sa Funeral Parlor." saad ng binata kay Jasmine. "Okay sige ayusin ko na si Dad ang huling habilin niya ay icremate siya saka itapon ang mga abo niya sa dagat." naalala niya ang usapan nila ng ama ilang taon na ang lumipas. Sumagi lang ang usapan na iyon sa kanilang kwentuhan ng ama nang panahon na iyon. "Magandang ideya yan Jasmine sa Villa na lang itapon ang abo niya doon sa dagat. Naalala mo ba noong tinuruan ko kayong lumangoy ni Nica?" tanong niya sa dalaga. "Oo mahilig ako sa dagat naalala ko pero ng mamatay ang Mom ko hindi na ako naligo sa dagat sa pool na lang" malungkot na pahayag ni Jasmine. Bigla namang naalala ni Adam ang mama ni Jasmine na si Eva. Magkamukhang magkamukha ang dalawa sa malapitan pwera lang ang taas ng mga ito. Matangkad si Jasmine at medyo maputi samantalang si Eva ay petite na kayumanggi. Kapag titigan makikitang iisa lang ang mukha nila pwera sa mga mata ni Jasmine na mapusyaw na kulay bughaw ang kay Eva ay almond eyes. Naalala niya kung gaano kalambing at kaganda si Eva sabay pilig ng kanyang ulo.
Habang naglalakad si Jasmine pabalik sa kwarto ng namayapang ama sumagi sa kanyang alaala yung panahon na pinag uusapan nila ng kanyang ama ang kamatayan. "Anak kapag ako ay nawala sa mundong ito maging masaya ka ha kasi makakasama ko na ang mom mo. Saka maging matapang ka na harapin na mag isa ka na lang mamumuhay pero kasama mo pa rin kami ng mom mo in Spirit kasi hindi ka namin pababayaan hanggat hindi ka lumalagay sa tahimik. Saka si Hunter hinding hindi ka niya papabayaan alam mo yan." seryosong sabi ng Dad niya sa kanya habang nakaupo sila sa paborito nilang bench sa park na malapit sa kanila. "Ano ka ba naman Dad magkakasama pa tayo hanggang sa magkaapo ka at aalagaan ka namin. Hindi pwedeng mauna kang mawala kesa sa makita ang mga apo mo" natatawang sabi ni Jasmine sa ama sabay yakap at halik. "Pero Dad kapag nawala ka mahirap eh hindi ako sanay pero sabi mo nga kailangan kung maging matapang at matatag na harapin ang buhay." sabi niya sa ama. "Pangako yan anak ha, kapag ako ay nawala ay hindi ka manghihina, iiyak ka pero after that ipagpapatuloy mo ang buhay" sabay yakap sa anak. "Opo Dad pangako po yan. Teka bakit nga ba yan ang topic natin please change topic na po tayo Dad ha" sabay hila sa ama papunta sa malapit na Ice cream shop.
Naluluha na naman si Jasmine pero naisip niya yung pangako niya sa Dad niya na magpapakatatag siya kapag dumating ang panahon na ito. Kaya nga kailangan niyang harapin ang katotohanan na wala na ang Dad niya at harapin ang buhay kahit ito ay hindi na niya makakasama. Alam naman niyang in spirit hinding hindi siya iiwanan nito.
BINABASA MO ANG
Pulso
Mystery / ThrillerPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...