Anino

3 0 0
                                    

Nagising ang magandang dalaga sa pakiramdam na may nakatingin sa kanya bigla siyang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na hindi maipaliwanag. Inaantok na tiningnan ang pintuan ng kwarto. "Wala namang taong nakatayo" bulong niya. "Nanaginip lang yata ako" sabay balik sa upuan. Tiningnan ang ama na tulog pa rin sa higaan. "Dad sana naman magising ka na please" daing ng dalaga. Pumasok ang nurse na si Anya. "Akala ko umuwi ka na? di ba tapos na ang duty mo kay Dad?" tanong niya sa nurse. "Okay lang naman ako mag extend ng oras na magbantay ngayon kasi nagrerepaso din ako ng mga notes ko. Maya-maya mag out na ako." sabi ni Anya. "Okay sige pupunta muna ako sa canteen ha at biglang kumalam ang sikmura ko ikaw na muna ang bahala kay Dad" pakiusap ng dalaga. "Ikaw naman no problem naaawa nga ako sa iyo at hindi na normal ang buhay niyong mag ama. Dito na kayo sa hospital nakatira." sabi ng nurse. "Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Dad at dalawa na lang kaming magkapamilya." sabi ng dalaga habang palabas ng kwarto.

Habang naglalakad sa pasilyo ng hospital na wala nang gaanong tao kasi madaling araw na bigla siyang nakaramdam ng takot. "Ano ba naman ito, ilang buwan na akong halos nakatira dito sa ospital na ito ah ngayon pa ako makakaramdam ng takot" naiinis sa sariling bulong ng dalaga. "Sana naman kahit kape meron pa" hiling ng dalaga. Pagdating sa canteen nakita niya ang karatulang "Close for an hour". "Ano ba yan kung kailan ako nagugutom nagsarado naman sila." naiinis na naman na wika niya. Kapag minamalas ka nga naman oh!" sabay alis niya.

Naalala niya na may vending machine nga pala sa dulo ng ospital ngunit medyo malayo nga lang. "No choice kundi ang pumunta doon. Kung kailan naman nakalimutan ko ang bumili kanina ng stocks sa ref dahil sa kamamadali ko na makabalik dito sa ospital. Saka pa ako makakaramdam ng gutom" nagsasalita sa sarili habang naglalakad papunta sa dulong bahagi ng ospital. "Hay salamat at mukhang gumagana naman itong vending machine ." sabay dukot sa bulsa ng buong singkwenta pesos na medyo lukot na ang itsura. Pinasok niya ang pera sa vending machine ngunit ayaw itong tanggapin. "Talaga nga naman! kapag minamalas ka oh! pano ba ito?" tanong niya sa sarili. Ilang ulit niyang sinubukang ipasok ang perang papel ngunit ayaw pa rin itong tanggapin. "Nagugutom at nauuhaw na ako please naman gumana ka na!" sabay katok sa vending machine. Akmang sisipain niya na ito ng biglang may humawak sa kanang braso niya na nakahawak pa rin sa vending machine. "Ay Kabayong tumalon! ano ba yan! Diyos ko naman!" sigaw niya habang lumayo sa vending machine. Nakita niya ang lalaking matangkad na nakamahabang coat na itim, nakasuot ng kulay itim na amerikana at may tie na pula. Mamahalin ang suot nito na plantsadong plantsado pati ang buhok na wala ding gusot na kulay brown. Mamahalin ang rolex na relos at isang makapal na singsing lamang ang suot nito. Pinasok ng lalaki ang perang papel sa loob ng machine. "Miss what do you want?" tanong nito sa kanya. Natulala naman ang magandang dalaga sa lalaking kaharap niya na animo anghel at napakabango.

"Salamat sa pag alok mo Mister pero may pera naman ako at hindi ako naman ako nauuhaw." pasuplada niyang sagot sa lalaki. "It seems like you are so thirsty kasi naiinis ka na kaya kinatok mo itong vending machine nang ayaw tanggapin ang pera mo at akmang sisipain pa" sabi ng estranghero sa kanya. "Oh nakita mo pala iyon?" nahihiyang sabi niya. "I will give you a free drink para naman mawala yang kunot sa noo mo kasi medyo nag iiba na ang itsura mo" natatawang sabi ng lalaki sa kanya. "Mister sinabi ko nga sa iyo na may pera naman ako...itong vending machine ang may kasalanan eh!" naiinis na sabi niya. Pinindot na lang ng lalaki ang nescafe mocha flavor para ibigay sa kanya. Inabot ng lalaki ang lata ng kape sa kanya. "Tanggapin mo na yan at uminom ka na. Itsura mo kasi parang adik sa kape" natatawang pahayag ng lalaki sa kanya. "By the way, I'm Adam" sabay lahad ng kamay sa kanya. Tinanggap niya na rin ang kape at kamay ng lalaki. "Nice to meet you Adam, ako nga pala si Jasmine. Salamat sa kape eto nga pala yung binabayad ko kanina." Sabay abot ng perang papel sa lalaki na kinukuha ang isa pang kape sa vending machine. "No, Its okay you don't have to do that. Libre ko na yan sa iyo kasi nauuhaw din naman ako eh sarado yung canteen. Sabi ng guard meron daw vending machine dito so I went here. Sakto naman na nakita kung kinatok mo itong vending machine habang kinakausap mo" natatawang pahayag ng lalaki kay Jasmine.

Nahiya naman sa sarili niya ang dalaga. Palihim na inamoy ang sarili at inayos ang magulong buhok. "May pasyente ka rin ba dito? hindi ko naman masabi na doktor ka kasi wala sa itsura mo" sabi ni Jasmine sa binata. Ang nasa isip niya ay businessman ang lalaki sa gara ng suot at lakas ng dating. Very manly at maporma ha saka ang bango niya...sa isip niya. Lalong hindi naman ito isang artista at hindi niya kilala. Sana pinagkaguluhan na ito ng mga Nurse's na mahilig sa gwapo.

"Oh, wala talaga sa hitsura ko ang maging doktor?" nakangiting tanong ng lalaki sa kanya. "Mabuti na lang pala at ako ay isang abogado hindi doktor kasi hindi pala kapani paniwala kapag sinabi ko na doktor ako" natatawa na ang lalaki sa kanya. "Grabe pala ito ano, ang lakas ng hangin sa katawan" bulong niya. "Pardon? are you saying something?" tanong naman ng lalaki sa kanya. "Oh I'm sorry wala yun ang sabi ko abogado ka pala mali pala ang hula ko" palusot niya.

"Nice to meet you Adam, thank you ulit sa kape. Kailangan ko ng bumalik sa kwarto ng Dad ko eh pasensiya na" paalam ni Jasmine sa lalaki. "No problem babalik na rin ako sa Nurse's Station wala kasing tao kanina. May hinahanap kasi ako na pasyente" sabi naman ni Adam sa kanya. "Okay sana mahanap mo na ang pasyente mo" sabi ni Jasmine habang papalayo at tinaas pa ang kapeng dala.

Habang naglalakad pabalik sa kwarto ng ama ay bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib kasama ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan. Natakot siya kaya tumakbo ng mabilis. Malayo pa lang nakita niya na nagkakagulo na sa kwarto ng mahal na ama. "Anong nangyayari?! sigaw na tanong niya sa mga nasa loob. Lumapit sa kanya si Anya "Jasmine I am so sorry" sabay yakap sa kanya. "Bigla na lang tumaas ang bp ng daddy mo kaya nagbuzzer agad ako kay dok, pumunta naman siya ng mabilis at sinubukan nilang irevive ang ama mo pero wala na eh. Hindi na niya nakayanan." naiiyak na sabi sa kanya ni Anya.

Nanlulumong napasalampak sa sahig si Jasmine nabitawan ang hawak na lata ng kape na tumapon ang laman sa sahig habang nagpagulong gulong sa pasilyo. Nakatulala siya at hinang hina ang pakiramdam. Umupo naman si Anya sa tabi niya. "Jasmine lakasan mo ang loob mo, kailangan nang ayusin ang ama mo." hinawakan niya sa balikat ang dalaga. "Alam ko naman na darating ang oras na ito Anya matagal ko ng inihanda ang sarili ko sa pagdating nito pero bakit napakasakit pa rin? Akala ko hindi na ako masasaktan kasi araw-araw na akong nasasaktan sa kalagayan ni Dad. Napakaselfish ko na tao na gusto pa rin siyang gumising at maging normal ang lahat sa aming mag ama pero hindi ko naisip na nahihirapan na siya sa mga tubo at makinang nakalagay sa katawan niya. Nahihirapan na siyang huminga pero pinipilit niya para sa akin kasi alam niya na umaasa ako na isang araw ay magigising pa rin siya. Nahihirapan ako na ganun ang kalagayan niya pero mas nahihirapan siya, ramdam ko." madiing sabi ni Jasmine mas higit sa sarili kesa kay Anya. Humagulgol siya ng iyak na animo bata na walang pakialam sa paligid niya. Sumigaw siya ng napakalakas na "Dad mahal na mahal kita patawarin mo ako at wala ako sa tabi mo sa huling sandali ng buhay mo! Letse kasi itong gutom ko inuna ko pa!" humahagulgol na panay iyak at padyak niya na animo batang kinunan ng laruan. Hinayaan naman siya ni Anya at mga kasamahan nito sa hospital na mailabas ang galit at sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon.

PulsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon