Hospital

6 0 0
                                    

Nagmamadaling pumasok sa loob ng pribadong kwarto ng isang kilalang hospital sa lungsod ng Makati ang isang babaeng nasa bente kwatrong anyos ang edad, nakasuot ng sira-sirang pantalon na nagpapakita ng magandang kurba ng katawan at nakapoloshirt na denim na humahakab sa kanyang makurbang hinaharap at nakarubber shoes na Vans. Halos mahulog ang bibit niyang mga papel na panay sketch ng mga drawings. Mahaba ang ashbrown niya na buhok na laging naka ponytail. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan na alaga sa ehersisyo, matangkad siya sa sukat na 5'10 sa pangkaraniwang babae, may maputi at makinis na balat, may dimples ang mala birhen at maamong mukha. Magandang mga mata na kulay mapusyaw na asul ngunit may lambong na lungkot sa mga ito.

"Good evening Dad" sabay halik sa ama na nakahiga sa hospital bed. Ilang buwan ng comatose ang kanyang ama. Inatake sa puso ang kanyang ama tatlong buwan na ang nakakalipas. "Kumusta ang aking pinakamamahal na Dad at pinakagwapo sa buong mundo" paglalambing niya sa amang nakaratay sabay hawak sa kanang kamay nito. "Galing po ako sa sa publishing house nanguha ng paycheck kaya may pang allowance na ako. Huwag kang mag alala diyan Dad at kayang kaya ko naman kahit wala kang project. Malaki naman na ako ang hiling ko lang sana ay magising ka na at nang makapasyal na ulit tayo. Namimiss ko na ang bonding natin kada weekend. Yung kahit saan tayo mapuntang lugar na bago sa atin ay masaya tayo, yung kahit ano ang makita natin na pagkain sa daanan ay natutuwa na tayo. Mga simpleng bagay kalakip ay masayang alaala ng mga oras na magkasama tayo." naiiyak na sambit ng dalaga sa nakakaawang itsura ng ama.

Nang biglang gumalaw ang kamay ng ama na hawak niya. "Dad alam ko naririnig niyo ako, mahal na mahal ko kayo tandaan niyo yan. Gagawin ko ang lahat para mapasaya kayo at aalagaan ko kayo. Kaya sana magkasama pa tayo ng matagal" nakikiusap sa ama ang dalaga. Nagmulat ng mata ang ama niya "Villa" ang bulong nito sa nanghihinang boses. "Ano po iyon Dad? Villa?" tanong ng dalaga sa ama. "Dad huwag ka munang gagalaw ha baka mapano ka tatawagin ko lang si Dok" sabay takbo ng dalaga sa may Nurse's Station.

"Nurse nasaan si Dok? nagising na kasi ang Daddy ko!" naeexcite na sigaw niya sa nurse. "Okay po tatawagin ko lang si Dok" sabi naman nito sabay punta sa clinic ng doktor na in charge sa ama ng dalaga. "Babalik muna ako sa Daddy ko ha" takbo niya pabalik sa hospital room.

"Andiyan ka na pala Ms. Anya" bati niya sa private nurse na in charge sa ama niya. "Oo kadarating ko lang galing school eh ikaw ba kadarating mo lang ba?" tanong ng nurse sa kanya. Si Nurse Anya ay nag aaral ng masteral o master's degree. "Hindi kanina pa ako dito nagising na kasi si Dad kanina kaya pinatawag ko agad si Dok." sabi naman niya sa nurse. "Talaga nagising na si Mr. Marko? hindi ko naman napansin kaninang pagdating ko" sabi niya sa dalaga. "Ganun ba eh kanina gumalaw yung kamay niya na hawak ko tapos dumilat yung mga mata niya at nagsalita siya ng "Villa" mahina nga lang na boses. Iyon lang tapos tumakbo na agad ako para hanapin si Dok." kwento ng dalaga sa nurse.

"Good evening! nagising na daw ang pasyente?" sabay pasok ng may edad na doktor na maaliwalas ang mukha. "Dok according sa anak ng pasyente ay may movement sa kamay nito, dumilat ang mga mata at nagsalita ng "Villa" ngunit wala naman ng ibang sinabi." mahabang paliwanag ng nurse. "Pero pagdating ko Dok tulog naman ang pasyente at walang movement" dagdag nito. "Maaaring nagkaroon nga ng movement ang pasyente ngunit ang makapagsalita ito ay imposible. Nagising na sana siya sa ngayon kung nakapagsalita siya." ayon sa doktor na tinitiningnan ang mata ng pasyente at vital signs nito. "Normal naman ang lahat at nasa coma pa rin ang pasyente ang paggalaw ng mga kamay ay normal lang. Magandang senyales ito na naririnig ka ng iyong ama kaya kausapin mo lang siya palagi para maramdaman niyang may nagmamahal sa kanya at gugustuhin niya pa ring bumalik." paliwanag ng doktor sa dalaga. "Opo dok, lagi ko naman siyang kinakausap at hinahawakan ang mga kamay upang maramdaman niya na lagi lang akong nasa tabi niya at hinding hindi ko siya iiwanan." naluluhang paliwanag niya. "Okay sige mag iikot na rin ako sa mga pasyente ko. Kapag nagising na siya ng tuluyan ay tawagin niyo agad ako ha" mahinahong sabi at paalam ng doktor.

"Akala ko pa naman nagising na talaga ang Daddy ko" nalulungkot na sabi ng dalaga sabay upo sa gilid ng bed ng ama. "Huwag ka ng malungkot Jasmine magigising din ang Daddy mo. Magtiwala ka lang sa Diyos at manalig ka na hindi niya pababayaan ang ama mo." pang aalo ng nurse sa kanya. "Salamat Ms. Anya" naghihikab na saad niya sa nurse. "Iidlip muna ako ha, pwede ka namang magbasa muna diyan ng notes mo at hindi ka pa naman kailangan ni Dad." sabi ng dalaga sa nurse sabay dukdok ng ulo sa gilid ng higaan ng ama.

PulsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon