Nakasakay na ang lahat sa private plane. Nagulat sila Jasmine, Grace at Joy na maganda at moderno ang loob ng eroplano. Parang nasa business class ng mga sikat na airlines ang loob nito. Magkatabi sila Grace at Joy malapit sa Restroom kasi pala ihi si Grace. Si Jasmine naman ay katabi ang urn ng Dad niya at si Hunter ay nasa kabila naman. Pinili niya ang malapit sa bar. Si Adam ay malapit sa may piloto naupo katabi ang dalawa pang flight stewardess na siyang magsisilbi sa kanila. Ipinakilala silang lahat ni Adam maging sa dalawang piloto.
"Feel at home girls. Kapag may kailangan kayo tawagin lang sila Sasa At Yuly ha." sabay turo sa gawi ng dalawang stewardess na abala sa paghahanda sa paglipad. "Pwede kayong manood diyan ha. May mga bagong movies na yan and also kapag nagutom maraming food choices sa bar ha." sabi ni Adam sa kanila.
"Wow ang yaman niyo pala Jasmine hindi ka na mareach. Ang ganda ng eroplano parang hotel may unan at kumot pa" parang batang sabi ni Grace habang nagmamasid sa loob ng eroplano. "Uy bes hindi ako mayaman ha at hindi sa akin itong plane" paglilinaw naman ni Jasmine. "Oo na bes, ano kayang makakain dito?" sabay lapit sa bar. "Babe halika muna dito pili tayo ng makakain nagutom ako sa biyahe" tawag nito kay Joy na nakaupo na at inaayos ang pwesto niya. "Ikaw na lang babe hindi pa naman ako gutom" sabay upo na at nirecline ang chair niya pahiga. "Okay fine ako lang naman ang laging gutom pwes magutom ka diyan" nainis na wika ni Grace. "Ano kayang masarap kainin dito" panay tingin sa menu na hindi familiar sa kanya. "Ay pang sosyal naman pala ito. Hindi ko maintindihan tubig na nga lang." sabay kuha ng tubig sa ref. "Ay may juice naman pala at may chocolates." kinuha nito ang may kalakihang toblerone. "Bes gusto mo?" sabay abot ng juice in can dito. "Salamat bes ano nga pala ang makakain dun?" tanong ni Jasmine na biglang nagutom. "Ay bes madami pero di ko magets eh ikaw na lang kumain" sabay upo na nito at sinimulan ng kainin ang tsokolate. "Teka hindi ka ba mamimigay niyan?" natatakam na tanong ni Jasmine. "Oh sorry kuha ka na lang dun bes kasi kulang pa sa akin ito" natatawang tumayo na lang si Jasmine.
"Handa na ba kayo?" ready for take off na ang plane. "Jasmine maupo ka na at mamaya dadalhan na lang kayo ng snacks" sabi ni Adam. Nabulunan naman si Grace na panay subo ng tsokolate. "Ano ba yan babe hinay lang ang pagkain niyan para ka naman nagutuman." sabi ni Joy sabay haplos sa likod nito. "Babe ang sarap eh saka marami pa kasi sa ref" sabi nito na ngumunguya pa. "Babe naman panay itim na yang ngipin mo saka may balak ka pang ubusin ang mga tsokolate ganun ba?" medyo nahihiyang bulong nito. "Grabe ka naman hindi ko yun kayang ubusin ha. Baka mamaya pag baba iuuwi ko na lang" seryosong sabi nito. Natampal ni Joy ang noo dahil nahihiya talaga siya.
Narinig naman ni Adam ang usapan ng magpartner. "Girls maraming stocks yun cottage na tutuluyan niyo at kung may gusto kayo na wala doon pwedeng iutos kay Manang Lucia. Sabihan niyo lang siya sa lahat ng mga kailangan niyo" sabi ni Adam sa kanila. "O narinig mo yun? excited na sabi ni Grace sa partner niya. "Ayan ka na naman umiiral ang katakawan mo. Pwede bang huwag mong ipahalata." seryoso na saad ni Joy. "Okay fine simplehan ko na lang pala" pang aasar nito sa partner. "Magready ka na for take off ilalagay ko na yun belt sa iyo" sabi ni Joy kay Grace.
Nagsalita ang piloto na magtatake off na ang eroplano kaya tumahimik naman ang lahat. Si Hunter ay tahimik lang na nagmamasid. Si Grace at Joy ay magkahawak ang mga kamay habang si Jasmine ay nagdadasal yakap ang urn ng ama. Si Adam naman ay pumikit upang matulog. Nang nasa himpapawid na ang eroplano umikot na ang dalawang stewardess para bigyan sila ng snacks o kung ano pang kailangan nila. Kumain ng masarap si Grace habang si Joy ay light snack lang tulad ng kay Jasmine at Adam. Si Hunter ay hindi mapakali sa upuan pero takot naman bumaba.
Makalipas ang isang oras nagsabi ang piloto na ready for landing na sila. Sa may bundok ng Villa ang lapagan ng private plane at chopper na pag aari ng pamilya Ty. Matatanaw ang nakakabighaning kagandahan ng Cebu lalo na ang pupuntahan nilang lugar. Maputi ang buhangin at malinaw ang asul na dagat. Excited na ang dalawang lovers samantalang si Jasmine ay magkahalo ang nararamdaman, takot at tuwa. Natatakot siya dahil baka kung ano ang malaman niya sa Villa. Natutuwa din siya na may natitira pa siyang kapamilya at ang masasayang alaala ng kamusmusan niya kasama ang kanyang Mom at Dad.
BINABASA MO ANG
Pulso
Mystère / ThrillerPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...