Abo

3 0 0
                                    

Huling lamay ng ama ni Jasmine sa Loyola Memorial Chapels. Doon na din ang cremation at libing nito. Ginamit niya ang memorial plan nito na sinabi ni Adam at hindi niya akalain na mayaman ang pinanggalingang pamilya ng ama. Walang nakukwento ang kanyang ama tungkol sa pamilya nito lalo na sa Villa. Hindi siya pinalaki nito sa magarbong pamumuhay. Maging ito ay nagtiis sa simpleng pamumuhay kasama siya. Nagbanat ito ng mga buto saka tinuruan din siyang magsikap at maging masipag na hindi umaasa kahit kanino.

Malungkot siyang nakatunghay sa amang payapa na ang itsura sa loob ng mamahaling kabaong na kulay ginto. Ang kanyang bestfriend na si Grace ay katabi ang partner nito na si Joy sa unahang upuan at maga din ang mga mata. Si Nurse Anya ay busy sa mga bisita na nakikipaglamay na karamihan ay mga taga hospital. Mga kaklase niya noon sa kolehiyo at mga taga publishing house kung saan siya gumagawa ng mga sketches at drawings para sa mga librong pinapublished nito. Mga kapitbahay nila sa subdivsion na dati nilang tinirahan noong bata siya hanggang high school. Iniisip niya kung may darating bang kamag anak ang Dad niya ng makilala naman niya. Ang sabi ni Adam bago ito umalis ay may pinsan ang Dad niya na Sean ang pangalan at ito daw ay sobrang close niya noong bata pa siya sa Villa. May anak si Sean na lalaki at may apo na rin.

Lumapit sa kanya si Adam nang hindi niya namamalayan. "Jasmine kumusta ka na?" umpisang tanong nito sa dalagang nagdadalamhati. "Okay naman ako Adam nilalabas ko na lang sa pag iyak ang sakit at lungkot ng pagkawala ni Dad. Bilin niya kasi na kayanin ko ang lahat ng pagsubok lalo na yung pagkawala niya." malungkot na saad ni Jasmine sa binata. "Kadarating ko lang from airport dumiretso na ako dito. Pasensiya ka na Jasmine hindi makakarating sila Tito Sean at pamilya nito. Pinapaabot niya ang pakikiramay at pagdadalamhati sa iyo." kaswal na sabi ni Adam kay Jasmine. "Ganun ba akala ko pa naman may makikilalala na akong kamag anak sa side ni Dad. Sa side kasi ni Mom wala akong nakilala eh. Hindi naman kasi nagkukwento si Dad sa buhay niya o sa mga kamag anak niya." lalong nalungkot ang mukha ng dalaga. "I know pero may inaasikaso kasi sila Tito Sean sa Villa kaya ako na lang ang nagrepresenta sa kanya. Siyanga pala may imbitasyon kang pumunta sa Villa." masiglang sabi naman ni Adam sa dalaga. Nagulat naman si Jasmine "Aba bakit ako may imbitasyon sa Villa? anong meron? nagtatakang tanong naman niya. "Matagal ka ng gustong makita ni Tito Sean. Noon pa niya kayo hinihintay na bumalik o dumalaw man lang sa Villa pero si Tito Marko parang kinalimutan na niya ang Villa maging ang mga tao doon. Si Yaya Maria sobrang mahina na dahil sa katandaan kaya pinapaalaga ni Tito Sean sa maayos na caregiver. Umiyak siya ng malaman niya na pumanaw na si Tito Marko kasi inalagaan din ni Yaya Maria ang Dad mo maging ikaw noong andun ka pa sa Villa kung matatandaan mo. Saka yun tinirhan niyo dati sa Villa hindi pinatirahan sa iba ni Tito Sean. Yung mga gamit niyo na naiwan andun pa rin lalo na mga gamit ng Mom mo. Baka gusto mong makita ang mga lumang gamit niyo". mahabang paliwanag ni Adam sa dalaga.

"Ibig sabihin ganun kami kaimportante kay Tito Sean pero kahit minsan ay hindi naikwento ni Dad?" nagtatakang tanong niya kay Adam. "Actually ganon kayo kaimportante kasi kapamilya niya kayo at may shares ang Dad mo hanggang ngayon sa business namin. Hindi nga lang kinukuha ng Dad mo ang pera sa bangko. Malamang nagtiis siya sa kung ano lang ang kikitain niya. Nakita ko naman sa lifestyle niyo. Napakayaman niyo Jasmine pero si Tito Marko namatay ng hindi nagpasarap sa buhay. Nakakalungkot lang na pati ikaw ay nadamay sa hirap." sabi naman ni Adam habang umiiling. "Hindi naman materyalistiko si Dad, simple lang ang gusto niya sa buhay ang maging masaya kami kahit sa maliit na bagay lang" pagtatanggol naman ng dalaga sa ama niya. "Ayaw niya sigurong umasa ako sa yaman niya kasi mas gusto niya akong matutong magsumikap sa sarili kung paraan tulad niya" pahayag ng dalaga na may pagmamalaki sa tono. "I did not meant to offend you Jasmine. Ang sa akin lang ay hindi sana kayo nakaranas ng hirap kung kinukuha niya lang ang kita niya sa korporasyon. Malamang napagamot pa siya ng maayos at nadala sa ibang bansa" malungkot na saad ng binata sa dalaga. "Naenjoy niya pa sana ang sarap ng buhay at maaaring makasama mo pa siya ng matagal." dagdag ng binata na may halong panghihinayang sa tono ng pananalita.

Naisip naman ni Jasmine ang sinabi ng binata sa kanya. Kung kinukuha pala ng Dad niya yung shares nito sa kumpanya ay hindi sila makakaranas ng hirap. Hindi rin siguro nagkasakit ang Dad niya mas lalong hindi nastress saka baka napagamot niya pa sa amerika. Nakapag enjoy pa sana ang Dad niya bago man lang namatay. Pero sa isip ni Jasmine baka may matinding rason o dahilan ang ama kung bakit hindi na sila bumalik sa Villa o kinuha man lang ang shares nito sa kumpanya. Malamang yung pagkamatay ng Mom niya sa Villa kaya hindi na bumalik ang Dad niya doon. Ang sabi sa kanya ng Dad niya nalunod ang Mom niya kasi gabi na ng maligo ito at walang nakapansin lahat kasi ay busy sa Party ng gabing iyon. Ang ama niya naman ay busy sa mga bago nilang kliyente. Nasa mukha ng kanyang ama ang pagsisisi at panghihinayang sa pagkawala ng Mom niya.

"Naging masaya naman ang buhay naming mag ama kahit simple lang Adam. Hindi naman masusukat sa dami ng pera o materyal na bagay ang happiness ng isang tao. Ang sabi naman lagi ni Dad sa akin kahit simple lang ang buhay namin basta magkasama kami at hindi ako mawawala sa kanya." kwento naman ni Jasmine sa binatang nakatunghay sa kabaong ng ama. "Yan din ang laging sinasabi sa akin ni Tito Marko kapag magkasama kami. Kaya alam ko na kaya niya naman lahat kahit hindi mamuhay ng mayaman. Naawa lang ako sa iyo kasi ikaw ang naghirap sa pagpapagamot sa kanya. Huwag kang mag alala Jasmine mababago na ang buhay mo. Siyangapala binayaran ko na lahat ng utang sa ospital para wala ka ng problemahin." sabi naman ni Adam sa dalaga. "Maraming salamat sa tulong mo Adam" pasalamat ng dalaga sa binata. "Walang anuman Jasmine, galing lahat yan kay Tito Sean. Siyangapala pagkatapos ng cremation diretso na tayo sa Villa ha para doon ka na tumira at doon din isasaboy ang abo ni Tito Marko." sabi ni Adam kay Jasmine.

"Pero Adam marami pa akong aayusin sa inuupahan namin saka pano yung mga gamit namin ni Dad? Yung aso ko pwede ba doon sa Villa?" tanong niya sa binata. "May aso ka pala?" nagulat na tanong niya sa dalaga. "Bakit ka naman nagulat aber?" nakapameywang na tanong ng dalaga sa binata. "Wala kasi sa itsura mo ang mahilig sa aso he he" pabirong sagot naman ng binata. "Ay ganun ba..hindi ka mahilig sa aso no?" balik naman nito kay Adam. "Mahilig ako sa mga hayup actually may alaga akong aso kaso namatay na eh." malungkot na saad ng binata. "I'm sorry" naawa naman si Jasmine sa binata. "Pwede naman sa Villa ang aso mo Jasmine walang problema." sabi ng binata sa dalaga. "Sige bigyan mo ako ng isang linggo para maayos ang lahat. Magpapaalam pa ako sa publishing house na papadala ko na lang online yung iba na projects at ihahand carry ko na lang yung malalaki. Saka para makapiling ko pa ng matagal yung abo ni Dad." masiglang pahayag ng dalaga na biglang nagkaron ng enerhiya dala ng excitement na makabalik sa Villa at makilala ang mga natira pa niyang kapamilya lalo na ang Tito Sean niya.

PulsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon