Ang anino na kanina pa matiyagang nagmamasid sa dalawang nagtatampisaw sa kalasanan ay walang pakialam kung pinuputakte na ng mga lamok. Maaaninag ang matinding poot sa kanyang anyo. Nangangalit ang kanyang mga bagang sa matinding pagkasuklam sa malanding si Eva. Simula ng tumapak sa Villa ang babaeng si Eva ay inakit na ang karamihan sa kalalakihan sa Villa. Ang tangang asawa naman nito ay walang kamalay-malay na matagal ng iniiputan ang ulo ng malanding babae na si Eva. Si Eva na diyosa ng lahat at diyosa ng kalandian.
"Parang uulan ah" pahayag ni Eva sa katabing lalaki. "Oo nga malamig na rin ang hangin dito sa dalampasigan. Eva baka gusto mo ng bumalik sa loob?" tanong ng lalaki. Umiling si Eva. "Mamaya na lang magpapahinga muna ako dito. Mga kalahating oras babalik na rin ako sa kwarto namin baka tulog na si Jasmine saka walang kasama yun kasi ang Daddy niya sobrang busy sa mga kausap na bagong kliyente." sabi ni Eva. "Okay sige babalik na ako sa loob at baka mapansin ang pagkawala nating pareho." Hinalikan sa noo si Eva bago ito tumayo at naglakad na pabalik sa naturang kasiyahan ang lalaki.
Naiwan sa kadiliman si Eva na nahihilo pa rin at sobrang sakit ng ulo. Ilang minuto ang lumipas nang may marinig siyang yabag na papalapit sa kanya. "Ikaw talaga hindi mo ako matiis ano? bumalik ka pa para maka isang round ulit." humahagikgik na sabi ni Eva sa paparating na anino. "Gaga kang babae ka napakalandi mo talaga! wala kang pinipiling lugar basta mailabas mo yang kati ng katawan mo!" sigaw ng anino kay Eva na ikinagulat niya. Hindi pala ang kaulayaw niya ang dumating at ngayon ay tumatakbong papalapit sa kanya. Hinablot ng anino ang mahabang buhok ni Eva. "Aray ang sakit ah! ano bang kasalanan ko sa iyo? Bitiwan mo ako" naiiyak na si Eva sa sakit. Kinaladkad siya ng anino sa buhanginan papunta sa dagat. Pumapalag si Eva at nanlalaban ngunit siya ay nanghihina na. "Wala ka ng magagawa pa Eva! yung ininom mo na brandy nilagyan ko ng pampamanhid ang tagal nga umpekto sa iyo. Pero ngayon nakikita ko na ang epekto ha ha ha!" tumatawang sigaw ng anino na kumakaladkad sa kanya. Mas mabuting mawala ka na ngayon kesa hintayin ko pa ang pag alis niyo bukas. Pag umalis ka pwede ka pang bumalik pero sa gagawin ko sa iyo sigurado ako na hindi ka na makakabalik kahit gustuhin mo pa. Para hindi ka na makapaghasik ng kalandian mo dito sa Villa na halos lahat ng lalaki ay nilalandi mo." mariing pahayag ng anino sa tenga ni Eva na nagpatindig ng kanyang balahibo.
"Tulong! tulungan niyo ako parang awa niyo na!" sigaw ni Eva nagbabakasakaling may makarinig. Ayaw niya pang mamatay marami pa siyang dapat gawin sa mundo, kailangan niya pang humingi ng tawad sa asawa at sa anak niya. Walang mag aalaga sa mag ama niya, kawawa si Jasmine na lalaki nang walang ina. Sa nanlalabong paningin ni Eva nakita niya ang poot sa mata ng anino habang nasa background ang mga ilaw sa Villa at tugtog ng kasiyahan dito. Naramdaman niya na kahit anong pagmamakaawa pa ang kanyang gawin hindi na mgbabago ang isip nito na patayin siya. Umiiyak si Eva habang bumubulong "Diyos ko patawarin niyo ako sa mga kasalanan ko, kayo na po ang bahala sa mag ama ko lalo na kay Jasmine. Nawa'y magkaroon ng hustisya ang mangyayaring ito sa akin." naramdaman niya na ang lamig ng tubig. Lalong namanhid ang buong katawan niya habang hinihila siya sa malayelong lamig ng tubig. Dinala siya sa pinaka malalim na parte ng dagat saka siya nilubog ng anino. Hindi binitawan ang ulo niya hanggang siya ay pumapalag. Humahalakhak ang anino na animo ay nasaniban ng pitong demonyo ang lakas. Hanggang sa wala ng maramdamang buhay ang anino sa katawang lupa ni Eva.
Pagkalipas ng ilang minuto makikita ang isang anino na umaahon sa dagat na basang basa ngunit may halong mala demonyong ngisi sa mukha. "Sa wakas nawala na rin ang bruhang naghahasik ng kalandian sa Villa. Matatahimik na kami ngayon" bulong ng anino habang tinatahak ang daan pabalik sa mailaw at maingay na party sa Villa.
Nagising si Yaya Maria sa ingay na narinig niya. "Parang may sumisigaw na naman sa dalampasigan. Tuwing gabi na lang iyang mga ibon na maiingay panay sigaw na akala mo may kinakatay na tao." Naiiling na sabi ni Yaya Maria. Bigla niyang naalala si Eva na nagpaalam sa kanya kaninang umaga na aalis na kinabukasan. Nagpapasalamat siya at nakumbinsi niya din ang babae na umalis na ng Villa. Naramdaman niya kasi na may nakaambang panganib sa babae dahil sa madalas nitong pagkawala sa gabi na alam niyang may lihim na kinakatagpong iba. Kinausap niya si Eva na tigilan na ang ginagawa at ayusin ang pamilya. Naawa siya kay Marko na isa din sa inalagaan niya. Napakabait ng batang iyon at sobra ang pagmamahal kay Eva. Naawa din siya ka Jasmine na lumalaki na kulang sa kalinga ng ina. Biglang humangin ng malakas at may pumasok na malamig na hangin na dumapyo sa likod ng matanda. "Ang lamig naman ng hangin na iyon, susmaryosep! Bigla akong kinilabutan. Napa antanda ng krus si yaya Maria. "Ay kaya pala nakabukas ang bintana sa pagkakatanda ko ay sinarado ko ito kanina ah. Tsk tsk nagiging makakalimutan na yata talaga ako" naiiling na sambit ng matanda habang sinasarado ang bukas na bintana. " Makatulog na nga at maaga akong sasamang maghatid sa Yate kila Eva at Jasmine. Mamimiss ko ng sobra ang mag ina na iyon." humiga na si Yaya Maria sabay dasal hawak ang rosaryo.
BINABASA MO ANG
Pulso
Mystery / ThrillerPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...