Ang tinutukoy niya ay ang hipag na si Lucy na asawa ni Miko na pinsan ng asawa niyang si Marko. Si Lucy ang tumatayong punong abala tuwing may mahalagang okasyon o kaganapan sa Villa. Mahilig ito sa magagarbong bagay at gamit maging sa mga taong nasa alta sosyedad. Palagi itong nasa clinic ni Dra. Bello , may sarili etong masahista at personal assistant na laging kasama saan man magpunta. Malaki ang inggit ng babaeng ito kay Eva sapagkat kahit hindi magpaganda o pumunta sa parlor si Eva ay hindi pa rin nagbabago ang angking kagandahan at alindog nito.
Si Eva ay maihahalintulad sa bulaklak na Jasmine. May angking matamis na bango saan man magpunta at halos lahat ng kalalakihan ay nahahalina. Maamo ang mukha niyang mala birhen, mahaba ang natural na pagkabrown na buhok, balingkinitan ang katawang animo wala pang anak at makinis ang morenang balat niya. Petite siya ngunit naguumapaw ang kanyang sex appeal.
Samantalang si Vina ay ang personal assistant ni Sean ang pinsan ng asawa niya na siyang Presidente at CEO ng Sailing Yacht na pag aari ng pamilya Ty. Ang tycoon sa industriya ng paggawa ng mga mamahaling yate sa bansa na pinapadala din sa International Market. Si Vina ay may sariling opisina sa loob ng Villa na siya na rin niyang apartment. Bata pa si Vina ay nasa Villa na at pinaaral ni Sean ng kursong Business Management sa Amerika. Maganda si Vina at sosyal, hindi niya alam kung saan nagmula ang pamilya nito. Isang orphan ang kwento sa kanya sa Villa. Kung ano ang kinaganda ng panlabas na anyo ni Vina siya namang ikinasama nang pag uugali sa kanya maging sa anak niya na si Jasmine. Napipilitan lang mag alaga sa anak niya si Vina kapag kaharap si Sean ngunit nagsusumbong ang bata sa kanya na pinandidilatan siya nito ng mga mata at minsan ay kinukurot pa ni Vina.
Si Miko ay nararamdaman niya ang kakaibang pagnanasa sa kanya maging ang inggit at galit nito sa kanilang mag ina. Sa kadahilanang silang mag anak ang pinatira ni Sean sa pinakamagandang Cottage sa loob ng Villa. Si Sebastian naman ay ang nag iisang anak nila Miko at Lucy na nasa kolehiyo na. Umamin ang binata na may gusto kay Eva na siya nitong kinasaya. Ang sabi ni Eva sa binata kapag nakatapos na ito ng pag aaral ay maraming makikilalang mas maganda at sexy pa sa kanya.
Ang kapitbahay nilang pulis na si Diego ay maayos naman ang pakikisama sa kanila ngunit may kakaibang takot siyang nararamdaman dito na hindi niya maipaliwanag. Biyudo na ito at may dalawang anak na isang babae at isang lalaki. Kasing edad ng anak niya na si Jasmine ang batang babae nito na si Nica at ang panganay na lalaki ay si Nico kasing edad naman ni Sebastian at nasa kolehiyo na rin.
Si Sean ay nagtayo ng kumpanya na Sailing Yacht na gumagawa ng mga ibat- ibang klase ng yate na may magagandang disenyo. Tatlo silang nagmamay ari nito. Ang Ama ng asawa niya na si Michael na sumakabilang buhay na kaya si Marko na ang pumalit sa pwesto at si Mason na Ama ni Adam na kasing edad din nila Sebastian at Nico.
Si Marko ay magaling gumuhit at gumawa ng disenyo ng mga yate, si Mason naman ang taga market ng kumpanya at si Sean ang lahat sa operasyon ng kumpanya. Napalago nila ang naturang negosyo sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga.
Tinayo ang Villa para sa pamilya nang tatlong nagmamay ari. Malaki ang Villa na nakatayo sa taas ng bundok, may sarili itong private beach at man made lagoon. Tatlo ang main house sa Villa, para sa tatlong nagmamay ari ng Sailing Yacht. May mga cottages din dito na tirahan ng pamilya at mga tauhan nila kasama ang pamilya. Pinatira ni Sean si Diego sa isang cottage kasama ang mga anak nito dahil sa utang na loob. Natulungan kasi siya nito ng minsang lumabas siya sa Villa ng walang bodyguard at may naka enkwentrong holdaper. Simula noon para na rin nilang kapamilya sila Diego dahil sa lahat ng okasyon sila ay magkakasama. May mga establisyemento na rin na sa gilid ng Villa tulad ng Spa, Restaurant, Bakeshop, Movie house at Souvenir shops na pag aari din ng pamilya Ty.
Maganda ang Villa sapagkat ito ay napapalibutan ng maraming klase ng bulaklak ngunit ang nagpapahalimuyak sa Villa sa loob at maging sa labas ay ang bulaklak na Jasmine na sadyang pinatanim ni Sean simula ng siya ay dumating sa Villa. Nagpapaalala daw kasi ang amoy ng bulaklak sa amoy ni Eva na siyang nakakabighani. Si Sean din ang may suhestiyon na Jasmine ang ipangalan sa batang babaeng isinilang ni Eva.
Si Yaya Maria ay ang matagal nang katiwala ng pamilya Ty. Ito ay tumandang dalaga na sa paglilingkod sa naturang pamilya. Siya ang nag alaga kay Sean at sa iba pang sumunod na henerasyon. Senior citizen na si Yaya Maria ngunit naglilingkod pa rin sa pamilya Ty sa kagustuhan niya sapagkat napamahal na sa kanya ang pamilyang ito. May sarili din siyang cottage malapit sa dalampasigan. Magiliw ang pakikitungo niya kay Eva lalo na sa anak nitong si Jasmine. Siya ang nag aalaga sa bata tuwing wala si Eva. Si Eva ang laging pumupunta sa cottage niya upang makipag kwentuhan. Bumabalik ang kanyang kabataan kapag kausap si Eva. Naalala niya kasi kung gaano din siya kahabulin ng mga lalaki sa kanyang kabataan ngunit hindi siya pinalad na makakakita ng para sa kanya kaya itinuon niya na lang ang pagmamahal sa Pamilya Ty lalo sa anak anakan niyang si Sean.
BINABASA MO ANG
Pulso
Mystery / ThrillerPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...