Nakaempake na ang lahat ng gamit ni Jasmine kasama ang kanyang mga drawings at sketches. Ang kanyang aso na si Hunter ay nilagay niya muna sa bagong biling dog travel cage na kulay puti ilalabas niya na lang kapag sasakay na sila sa sasakyan. Puti ang paborito niyang kulay. Si Hunter ang aso na regalo ng Dad niya noong labing walong taong kaarawan niya. Isa itong maliit na tuta na kulay puti na may brown na basset hound pure breed na lumaking malambing at matapang. Mahilig kasi siya sa hush puppies na brand ng damit na minana niya sa kanyang ama. Simula nang dumating sa buhay nila si Hunter ay naging masaya at masigla silang mag-ama. Kasama nila sa pagtakbo tuwing umaga at lakad sa hapon si Hunter. Matalinong aso si Hunter at alam niya na eto ang kanyang tagapagtanggol lalo na ngayong wala na ang kanyang ama. Nalungkot na naman si Jasmine. Niyakap niya ang aso na nilabas muna sa cage nito. "Hunter pag nasa Villa na tayo huwag kang makulit ha. Lagi kang magbabantay sa akin at hindi ko pa kilala ang ugali ng mga tao doon. Hindi kasi nabanggit kahit minsan ni Dad ang lugar na iyon. May mga alalala ako sa lugar na iyon ngunit hindi malinaw kasi bata pa ako noon" hinahaplos na yakap niya ang aso. Parang nakakaintindi naman na sumasagot sa pamamagitan ng kahol at paglalambing si Hunter na nagsumiksik kay Jasmine.
Nakarinig ng busina ng kotse sa labas si Jasmine kaya binalik na ang aso sa cage nito. Lumabas siya ng bahay at nakita niya ang paglabas ni Adam sa Toyota Land Cruiser nito na kulay itim kasama ang driver. "Hello Jasmine good morning!" masiglang bati ni Adam sa kanya. "Nakaready ka na ba?" tanong nito habang nakatayo sa labas ng bahay nila. "Nakahanda na ang lahat ng gamit ko Adam hinihintay ko lang ang bestfriend ko kasama ang partner niya. Kung okay lang na ihatid nila ako sa Villa?" sabay bukas sa maliit na gate para makapasok ang dalawa. "Pasensiya na hindi ko na kayo mapameryenda at wala ng mga gamit kasi pinamigay ko na" nahihiyang pahayag nito sa dalawa. "It's okay Jasmine don't bother katatapos lang naming mag almusal ni Mang Robert. Oo naman pwedeng pwede mas maige nga at may mga kaibigan kang kasama para hindi ka malungkot. Pero sa totoo lang hindi ka naman malulungkot doon kasi maraming pwedeng gawin na libangan" nakangiting pahayag nito. "Siyanga pala si Mang Robert ang driver sa Villa." pakilala nito kay Mang Robert na waring namalikmata ng malapitan si Jasmine.
"Mang Robert si Jasmine po natatandaan niyo po ba siya?" tanong ni Adam sa matandang driver na nakatulala pa rin kay Jasmine. "Mang Robert" sabay hawak sa balikat nito. "Susmaryosep! Si Mam Eva ba ito?" parang nahintakutang tanong ni Mang Robert kay Adam na hindi inaalis ang tingin sa dalagang nakayuko na. "Hindi po siya si Eva Mang Robert siya po yung batang anak nila Tito Marko at Eva na mahilig tumakbo sa dalampasigan" natatawang sabi nito. "Magkamukha sila pero may pagkakaiba. Matangkad si Jasmine kay Eva saka maputi at may pagkakaiba ang kulay ng kanilang mga mata nila kung mapapansin niyo" sabay lapit kay Jasmine at titig sa mga mata nito na ikinailang naman ng dalaga.
"Ay oo nga nakita ko na ang akala ko kasi si Mam Eva kaya nahintakutan ako" bawi naman sa pagkapahiya ni Mang Robert sabay kuha sa mga gamit ni Jasmine. "Nakakatakot po ba ang Mom ko?" kuryosung tanong ni Jasmine sa matanda. "Ah hindi naman sa ganun iha, napakaganda nga ng ina mo nagulat lang ako at ikaw na ikaw ang mukha ni Eva. Huling kita ko kay Mam Eva nang idaan yung bangkay niya na dala ng medics na dumaan sa amin sa may garahe at tiningnan muna ni Sir Sean bago sinakay sa Ambulansiya." paliwanag naman ni Mang Robert sa dalaga. "Naalala ko lang ang nakaraan, ang aming ipinagtataka eh napakahusay lumangoy niyan ni Mam Eva at saulo niya ang dagat lalo na ang alon kahit gabi na. Kaya nagulat kami na siya pala yung nalunod." dagdag pa nito.
"Iyan nga ang pinagtataka ko din Mang Robert kasi sa pagkatanda ko si Mom pa ang nagturo sa akin at kay Nica na lumangoy. Saka sabi niya huwag kaming maliligo kapag gabi na delikado pero naligo siya ng gabi na." pahayag ni Jasmine na may halong pagtataka. "Simula ng malunod si Mom eh hindi na ako naligo sa dagat kahit gusto ko pa." malungkot na saad ng dalaga.
"Hayaan mo Jasmine pagdating natin sa Villa sasamahan kita sa dagat para hindi ka matakot" sabi naman ni Adam sa dalaga. "Tatanggalin natin yang takot mo. Andun pa nga pala si Nica sa Villa excited na sa pagbabalik mo" natutuwang kwento ni Adam sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Pulso
Gizem / GerilimPulso ang pagpintig ng ating puso na siyang nagpapahiwatig na tayo ay buhay pa. Pulso ay siyang kutob na maaring magpahiwatig kung anong landas ang ating tutunguhin upang tayo ay maligtas. Si Jasmine ay maihahalintulad sa mabangong bulaklak. Una sa...