"Hi Dra. Sy" masiglang bati ng pumasok. Tinignan siya ni mama at ngumiti.
"Oh hi Doc. Makie how are you?" tanong ni mama. "Halika upo ka" sabi ulit ni mama.
Biglang napatingin sakin si Doc Makie."Hi there Ms Sy kumusta?" sabi niya. Naguguluhan naman si Mama sa amin.
"Magkakilala kayo?" tanong sa amin ni mama. Tumango lang ako at ngumiti. Tumingin si Doc sa akin at kumindat. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tumawa lang sya. Psh Baliw!
"Bakit kaya di muna kayo mag lunch?" suggest ni mama.
"Kung okay po kay Yanah Doc." sabi ni Doc Makie. Ngumiti si mama sa akin at kumindat. Naku si mama talaga. Sumama nga ako kay Doc Makie at nagpunta sa malapit na restaurant. Nang makarating kami sa parking lot eh pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Gentle woman naman pala itong si Doc sabi ko sa sarili ko.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.
"Kahit ano" sabi ko. Kumunot yung noo niya. Ako naman nilibot ko yung paningin ko sa loob ng resto.
"Ms Sy walang kahit ano dito" irap niya sa akin. Langyang Doktora to umiirap din pala. Tinignan ko na lang siya ng masama. Pero tumawa lang si bruha.. Agad siyang tumawag ng waiter at nag order. Hindi ko maintindihan yung inorder niya. Pero mukhang masarap."So Ms Sy. Tell me about yourself" bigla niyang sabi. Matapos mai serve yung pagkain namin.
"Interested eh?" sagot ko at tumawa. Tinignan lang niya ako at ngumiti.
"Dali na." pangungulit niya tsaka nag pout. Natawa na lang ako at umiling.
"Stop that. mukha kang pato" sabi ko at tumawa. Tinignan lang niya ako at inirapan.
"Fine. Teacher ako, Art teacher to be exact. Mahilig kasi ako sa arts kaya yun yung kinuha kong kurso" sabi ko sa kanya."Eh diba Doctor yung Mama mo, eh bakit hindi ka din nag Doctor?" Tanong niya.
"Like duh ayoko nga. Okay ng sina Mama at ate yung Doctor sa amin. " sagot ko. Tumango lang siya. "Ako Doc may tanong." sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng 'what look'.
"May Boyfriend ka? tanong ko. Napaubo naman siya sa tanong ko kaya mabilis kong inabot sa kanya yung tubig. Kahit ganun yung itsura niya . Ghad ang ganda pa din ng babaeng to.
" Wala akong boyfriend Ms. Sy Hindi ko kasi type ang mga lalake, babae yung type ko" sagot niya. Napanganga ako sa sagot niya. Like what?
"Seriously?" sabi
"Yes Ms. Sy Im a Lesbian"
_____
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Doc [GIRLXGIRL] (COMPLETED)
RomanceMay binago po ako sa mga huling chapters and i hope you like it :) Sawi sa pag ibig si Yanah . Her boyfriend cheated on her. At makikilala niya si Doc Makie. Ma aatract kaya siya dito kahit parehas silang babae ? Halina't alamin ang kanilang kwento...