Maagang nagising si Yanah . Papasok na kasi siya sa school na pinagtratrabahuan niya.
Tinignan niya yung cellphone niya. Napangiti siya dahil nagtext pala si Doc .hi Doc ! Good morning. Sorry kakabasa ko lang text mo..Ingat ka din..Pasok na ako!
sent!
Sumakay na ako ng Elevator papuntang Ground Floor. Mabilis naman siyang nakarating at nang nasa lobby na siya. Nakita niya si Via yung Ex ni Doc. Hinarang siya nito . Tinignan niya lang ito ng bored look.
"What?" sabi niya saka tinignan niya yung daliri niya.
"Stay away from Makie !" galit niyang sabi.
"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Ako si Via magandang Ex ni Makie na mahal niya pa " proud niyang sabi. Natawa ako sa kayabangan ng babaeng nasa harapan ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Ms Ex ka lang pero hindi maganda. Got it? By the way stop hurting yourself hindi ka na mahal ni Makie. Oops ! sorry na offend ata kita Bye !" sabi ko at tinalikuran siya. Rinig na rinig ko pa siyang sumigaw sa inis. Well sorry siya ako kinalaban niya. Agad na akong pumasok sa kotse ko at nag drive. Buti na lang hindi traffic kaya maaga akong nakarating.
Dumiretso na ako sa classroom ko at andun na yung mga istudyante ko. Highschool sila kaya madali lang. Besides kokonti lang sila kaya mas lalong hindi mahirap.Nginitian ko sila at nag umpisa na ang klase. Half day lang naman ang klase ko sa kanila. Pinagmasdan ko silang gumuhit . Magagaling na sila at mabilis matuto.
"Ma'am okay na ba ito?" tanong ni Jen sa akin. Tinignan ko ito at napangiti magaling siya at isa siya sa best students ko.
"Ang ganda naman nito Jen." sabi ko sa kanya. Nahiya ata siya kaya tumingin ito sa baba.
Matapos ng ilang oras natapos na din ang klase ko. Tinawagan ko si Sammy sana hindi yun busy. Pero hindi ako sinasagot psh kainis naman siya. Si Doc na nga lang. Agad naman niya itong sinagot"Oh Ms Sy? napatawag ka?" sabi niya.
"Busy ka ba ? " tanong ko.
"Hindi naman andito ako sa Clinic ko dito sa mall why?" tanong niya.
"Palibre Doc !" tumatawa kong sagot. Napatawa na din siya.
"Okay punta ka na lang dito " sabi niya agad ko na ding pinatay yung tawag. Ghad! nakakahiya ! T_T
_________
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Doc [GIRLXGIRL] (COMPLETED)
RomanceMay binago po ako sa mga huling chapters and i hope you like it :) Sawi sa pag ibig si Yanah . Her boyfriend cheated on her. At makikilala niya si Doc Makie. Ma aatract kaya siya dito kahit parehas silang babae ? Halina't alamin ang kanilang kwento...