Yanah's Pov
Six months Later
Nandito kami sa bahay nila Mackie kasama ang anak naming si Snow.
Nakatulog pa ang anak ko kaya bumaba muna ako para tignan si Mackie.Nanonood ito ng TV sa sala kaya agad akong naupo sa tabi niya.
"Sorry sa lahat" sabi ko sa kanya at niyakap siya.
"It's okay kasalanan ko din naman" sagot niya at hinalikan ako sa noo ko.
"Oh iha kumusta ka?" tanong ng mama ni Mackie.
"Okay lang po ako tita" sagot ko sa mama niya. Nagkwentuhan pa kami ng parents ni Mackie nang makita namin si Snow na papalapit sa amin.
"Mommy nagugutom na ako" sabi niya.
"What do you want to eat baby?" malambing na tanong ni Mackie sa anak namin.
"I want spaghetti po momma." sagot niya kay Mackie. Alam na din ni Snow na si Mackie ang isa pang nanay niya. "Momma sino po sila?" magalang na tanong ni Snow.
"Baby sila ang lolo at lola mo. Ma, Pa si Snow po pala anak namin ni Yanah" sabi ni Mackie.
"Paano nangyare yun?" tanong ng mama niya at kinarga si Snow.
"Hi lola, lolo" bati ni Snow sa kanila.
"Humingi ako kay kuya" natatawang sabi ni Mackie kaya nagulat ang dalawa. Wala namang kaso sa akin yun kasi kapatid pala niya. Inasikaso na ni tita ang anak ko at pinakain sa kusina. Nandito pala kami sa Pangasinan ngayon. Ang alam ko ay sa bahay niya kami didiretso pero nagbago isip niya kaya sa Pangasinan kami nagpunta. Sumunod na din kami ni Mackie sa kusina at kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nag aya ang parents niyang mamasyal sa mga beaches dito. Yung anak ko tuwang tuwa kasi first time niyang mag beach.
"Really lolo,lola?" tanong ng anak kong halata ang exitement ang mukha nito kaya napailing na lang ako sa tinuran ng anak ko.
"Oo naman apo mana ka sa momma mo sa kakulitan" natatawang sabi ni tito at ginulo pa ang buhok ni Snow. Napahagikgik naman ang anak ko sa ginawa ng lolo niya. Nagulat ako nang biglang magring ang cellphone ko tumatawag si mama.
"Ma?" sabi ko nang masagot ko ang tawag.
"Where are you?" tanong nito sa akin.
"Ma nandito kami sa Pangasinan kasama ko si Mackie." sagot ko sa kanya.
Mabuti naman at nagkaayos na kayo anak. Enjoy ka jan sunod kami ng ate mo"! natatawang sabi niya kaya natawa ako. Agad ko ng pinatay ang tawag at pumasok na sa loob.
Nakasalubong ko pa si Mackie na nakangiti sa akin agad niya akong inakbayan at hinalikan sa pisngi.
"Tara pasyal tayo" aya niya sa akin.
"Saan?" tanong ko sa kanya pero ngiti lang ang sagot niya sa akin.
Nagpunta kami sa isang madilim na lugar at halatang nasa dagat kami.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya.
"Surprise hon." sagot niya at ginawaran ako ng mabilis na halik sa labi.
Biglang umilaw ang paligid nagulat ako kasi nandito ang malalapit naming kaibigan at magulang namin.
"Hon alam kong matagal ko na dapat ginawa to. Noong araw na mawala ka sa akin ay naging miserable ang buhay ko. At mula nang bumalik kayo ni Snow ay muling nagbago ang mundo ko. And until now ay mahal na mahal pa din kita. Alam kong ang gago ko noon kaya please give me another chance na maipakita sayo na mahal kita. Hon will you give me a chance and marry me?" tanong niya sa akin at lumuhod. Nagulat ako sa ginawa niya at napaiyak ako sa sobrang tuwa.
"Yes hon. Yes!" sabi ko sabay tango sa kanya agad niyang sinuot ang singsing sa akin at hinalikan ako. Tumakbo din palapit sa amin si Snow at niyakap kami parehas at kinarga siya ni Mackie. At ngayon nasisiguro kong magiging masaya kaming pamilya.
------
Last chapter na next! ♥
BINABASA MO ANG
Inlove ako kay Doc [GIRLXGIRL] (COMPLETED)
RomanceMay binago po ako sa mga huling chapters and i hope you like it :) Sawi sa pag ibig si Yanah . Her boyfriend cheated on her. At makikilala niya si Doc Makie. Ma aatract kaya siya dito kahit parehas silang babae ? Halina't alamin ang kanilang kwento...