Chapter 10

2.3K 50 1
                                    

Augustine Rae

-----

Huminto ang sasakyan sa harap ng mansyon. Sinimulan ko ng tanggalin ang seatbelt ko at bumaba na.

Gosh, I'm so tired. Hindi ko inaakalang aabot kami ng 6PM sa La Estella. Hindi lang pala wedding gown ang pinunta namin doon, maging ang pagpla-plano ng wedding ay nandoon narin.

Nalaman kong bigla nalang daw nawala iyong original planner ng wedding nina Samara at Khalil. Buti naman, galingan nya ang pagtatago kung ayaw nyang matusta ko sya ng maaga. Badtrip parin talaga ako sa kanya.


Bukas ay may pasok na ako. Goodness. Napaka stressful ng mga nakaraang araw. Ano pa kaya bukas?


Hindi na ako nakapag paalam ng maayos dahil halos pumikit na ang mga mata ko habang naglalakad papasok sa mansyon.


"Bye, bayaw!" hindi ko pinansin ang bati nung pinsan nung ugok na Khalil na yon.

Magkasama kami buong araw pero wala akong ideya sa pangalan nya. Bahala sya. Unggoy o kaya malisyoso ang itatawag ko sa kanya.


Pagpasok ko ay nagulat ako nang makitang nakaupo si daddy sa kung saan ko sya nakita kaninang umaga. Hinanap ng mga mata ko si kuya Allen. Wala pa yata sya, mukhang may night class ang baliw kong pinsan.


Lumapit ako kay daddy ang kissed his cheeks. "Good evening, dad. Hindi ka ba pumasok sa work?"

My dad looked at me and nodded. "I stayed home. But I contacted some of my employees about work. Alam mong kahit nasa bahay ay nagtra-trabaho parin ako, anak." ngumiti lang ako kay daddy.

I know. Kaya nag-aalala ko kay daddy e. I'm worried about his health.

"Don't give me that look anak. Kaya ko pa, gusto ko kong makatapos ka sa pag-aaral mo bago ako tuluyang bumaba sa posisyon. Besides I'm still young, still on my fifties." natawa ako kay daddy.

"So you're superman now?" biro ko.


"Superdad, anak." we both laughed.


"By the way, how's your day? Kamusta ang lakad nyo ng fiance mo?" napairap ako at umupo sa katabing sofa ni daddy.


"Argh. Don't get me started dad. I'm so tired and completely annoyed. Ilang beses tinawag ng ugok ang pangalan ko. Augustine sya ng Augustine. Wala na bang syang ibang sasabihin kundi pangalan ko?"

Dad chuckled. "Baka nanggugulo ka na naman, anak?"



Sumimangot ako. "The women there were all trying to flirt with him. Desperate women trying to get his attention. Poor little things."


Mukha namang nawiwili si daddy. "And? What did you do next?"


I sighed. "I bitch-talk them. They deserved it. But Khalil just kept calling my name like shushing me up. I wouldn't even tolerate that. Ayokong sinusuway ako bukod sa iyo. He's not the boss of me." I said bitterly.



Hindi ko alam kung ilang beses tinawag ng Khalil na yon ang pangalan ko. Nabwi-bwisit ako sa kanya maging sa pinsan nyang puro tawa at panunuya lang ang ginawa. Why is he even there?

Daddy sighed and smiled at me. "Umakyat ka na, iha. I'll just finish my phone calls and take a rest. You too, maaga ka pa bukas. Babalik ka na sa klase mo. You should sleep early. Have you eaten yet?"


Tumango ako kay daddy. "The driver bought food for us habang nasa La Estella." hindi ko na binanggit ang Jolibee na binili nung driver.


Married By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon