David as Jethro
Eisen's POV
Magkahalong pangamba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon dahil sa muling pagtatagpo namin ni Jethro. Sa dinami-dami ng pagkakataon at lugar ay dito pa talaga kami magkikita. Ang masaklap pa ay siya ang magiging boss ko. Kung alam ko lang sana na siya ang magiging boss ko ay siguro nag-decline na agad ako sa offer. Pero wala na eh-heto na yun kaya kailangan ko nang panindigan ang multo ng kahapon ko.
"This is the first time na nagmeet tayo, I guess?" tanong niya. Napalunok laway naman ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung may amnesia pa rin siya or memory loss ba yun ay siguro naman kahit papano ay naaalala niya ako noong nasa mansion pa ako bago ako lumayas. Pero siguro nga mabuti nang hindi niya maalala yun at baka mapalayas din ako dito sa unang araw ko sa trabaho.
"Ahh, yes po" ang tangi kong naisagot nang titigan niya ako. Ewan ko ba at parang biglang bumalik ang takot ko sa kanya.
"Okay, I'm aware that this is your first job after graduating from college. There's a lot of things that you need to learn on your own. As my secretary, mataas ang expectation ko from you. Take this!" sa tono ng pananalita niya ay parang gusto ko na lang magtrabaho sa gobyerno. Kahit taga-photocopy na lang ng mga files, parang maiihi ako sa pang-iintimidate niya sa akin. Dahan-dahan naman akong lumapit sa table niya at kinuha ang folder at files na nilapag niya.
"I only have two meetings for today and I can handle it without your help. So madali lang ang ipapagawa ko sayo since it's your first day. All you have to do is kabisahudin o should I say I-familiarize mo ang lahat ng mga importanteng tao sa kompanya including the department heads hanggang sa head of security at maintenance. At nandiyan na rin nakalista ang mga board of directors, investors at mga important clients natin" sabi niya. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa sinabi niya dahil hindi ako masyadong magaling sa pagkakabisa ng mga tao maliban na lang kung madalas ko silang nakakasalamuha.
"Are we clear?" tanong niya.
"Ye-yes po" mabilis kong tugon.
"Kailangan mong mafamiliarize sa mga bagay nay an dahil simula bukas ay makakareceive ka na ng calls, emails at text messages from the client or isa sa mga board members. As my secretary, trabaho mong magfix ng schedule ko lalong lalo na sa mga important meetings kasama ang mga investors." Sabi niya habang kinakalikot niya ang phone niya.
"Yes po, I'll do my best. Si-sir" grabe hindi ako sanay talaga na tawagin siyang Sir. Mas okay pa sa akin na tawagin siyang daddy gaya ng panunukso ko sa kanya dati. Pero baka masuntok lang ako kapag tinawag ko siyang Dad.
"So you can now go back to your office" nang sabihin niya yun ay para bang nakaramdam ako ng lungkot. Ewan ko ba antagal na kasi siguro naming hindi nagkikita at aaminin ko na namiss ko talaga siya. Pero dahil sa magkaiba na kami ng mundong ginagalawan ngayon ay malabong maibalik namin yung dati.
Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto at saka nag-badge palabas ng kanyang kwarto pero bago pa man ako makalabas ng pinto ay pinigilan niya ako. Oh yes, sabi na nga ba at tinitiis niya lang ako at kunwari hindi niya ako namimiss.
"Do you have my number?" tanong niya.
"Ah-wala pa po sir" hindi ko mapigilang mapangiti.
"You're my secretary tapos wala kang number ko?" inis niyang sabi.
"Sorry po" biglang nagbago na naman ang mood ko.
"Just leave, I already have your number. I'll call you when I need you" sabi niya at agad ko namang sinara ang pinto.
Isa to sa mga ugali niya na hindi nagbago. Naiinis siya sa akin dahil wala akong number niya pero meron naman pala siyang number ko. Nakakaloka, hindi pa rin nawawala ang pagiging bipolar niya. Sala sa init sala sa lamig. Mabilis kong natunton ang sarili kong office dahil katabi lang ito ng room ng CEO. Kahit kakasimula pa lang ng araw ay pakiramdam ko ay andami ko na kaagad ginawang trabaho. Kung titigan mo pa lang ang dami ng mga dapat kong kabisaduhin ay nakakaramdam na kaagad ako ng matinding pagod. Pero hindi yun ang dahilan para sumuko ako.
Sinimulan kong reviewhin ang organizational chart, syempre una kong makikita ay ang pangalan ni Jethro bilang CEO, sumunod ay ang vice president. Pero nagtataka ako kung bakit ang labo ng mukha niya sa picture at halos hindi mo siya mamukhaan. Isa-isa ko silang kinabisado sa pangalan, simula sa Vice president, Board of Directors, HR Manager, Financial Manager, Technical Manager, Admin Manager, Sales Manager, Operations Manager at hanggang sa Head of securities. Ang daming pangalan ang naghahalo-halo sa isipan ko pero mabuti na lang at mabilis ko silang nakabisado sa pangalan. Ang problema ko ay kung papano ko sila makakabisado sa mukha.
Nagkaroon ako ng idea kung papano ko sila mabilis maaalala. Yun ay ang dalawin ang bawat department ng kompanya at magpakilala bilang bagong secretary ni Jethro. Tutal wala namang ibang ipapagawa sakin ngayong araw si Jethro kaya ito na ang pagkakataon ko para mas makilala pa ang mga taong makakatranbaho ko. Una kong pinuntahan ang office ng Vice President. Ayun sa kanyang secretary na nagngangalang Tifanny ay nasa meeting daw ito ngayon kaya maaaring bumalik na lang daw ako mamayang hapon para magpakilala. Sobrang bait niya at binigyan pa ako ng mga tips kung papano ko magawa ng maayos ang trabaho ko. At sabi pa niya ay magandang idea daw ang ginawa kong pagkilala sa ibat ibang department heads ng kompanya.
Bibihira lang ang pagkakataong makausap ko ang board of directors dahil sa madalas silang nasa meeting kasama ang iba pang mga department heads. Kaya naman ang sinunod ko ang HR Department. Iba-ibang tao ang nakilala ko sa pag-ikot ko sa loob ng kompanya. May mga mababait at meron ding masusungit. Lalung lalo na yung Sales Manager na akala mo kung sino kung makapagtaray. Ang sarap niyang suntukin sa panga. Pero syempre kahit na inis ako sa kanya kanina ay pinili ko pa ring ngumiti. Nakakapagod din pala ang pag-akyat baba ko kahit na sumasakay ako sa elevator. May iilan pa akong hindi nakikilala sa kanila at ipagpapaliban ko muna ito dahil nakakaramdam na ako ng gutom.
Bumalik ako sa office ni Jethro para magpaalam para sa aking lunch break. Pero pagdating ko sa loob ay wala pa rin siya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng note sa kanyang table na magbibreak muna ako at kung kailangan niya ako ay tawagan na lang niya ako sa aking number. Lumabas ako sa aming kompanya para makahanap ng makakainan. Mabuti na lang at malapit kami sa venice grand canal mall, kaya marami akong options kung saan ko gustong kumain. Hindi ito ang una kong pagkakataong magpunta dito dahil bago pa man ako mahire sa kompanya ni Jethro ay nakapaggala na rin ako dito. Sobrang ganda ng ambiance dito lalung lalo na kapag gabi. Napakaromantic at napaka-ideal place para sa mga taong gustong magdate. Yun nga lang wala akong kadate kaya pagkain lang talaga ang purpose ng pagpunta ko dito. Madaming kainan dito, may mga Thai, Japanese, Italian at marami pang ibang restaurants na makakainan dito pero mas pinili kong kumain kung saan bida ang saya. Syempre saan pa kundi sa JOLIBEE!!!!
Medyo maraming tao dahil nga lunch break nang pumunta ako. Matiyaga akong pumila para makapag-order ng gusto kong kainin. Pero sa dinami-dami ng mga choices ng pagkain sa menu ay hindi parin nagbabago ang inoorder ko tuwing kakain ako sa Jollibee. Palaging C1, spicy with coke zero drink at magdadagdag ng Spaghetti Ala Carte at isang baso ng tubig kapag di kinaya ang anghang. May mga crew kasi minsan na kung makabudbod ng chili powder ay parang ayaw nang magpakain. Nang makuha ko ang aking order ay naghanap ako ng mauupuan. Halos lahat ng table ay occupied na sa dami ng tao. Ang nakita ko lang na bakante ay ang multiple seats na nasa binta banda. Doon na ako naupo at saka kinain ang inorder ko.
Hindi naman sa pagmamalaki ay kayang kaya kong ubusin itong inorder ko in less than 5minutes. Di ko rin alam kung papano ko nagagawa yun. Pero mabilis ko lang talagang nauubos ang aking kinakain. Nang matapos ko ang aking pagkain nanatili muna akong nakaupo at nagpahinga. Nagcheck muna ako sa facebook para malibang ang sarili habang nagpapababa ng kinain. Bumungad agad sakin ang post ni Lance kasama si Gunter kung saan naglalandian sila este nagdidate sila sa Binondo. Nagreact ako ng love reaction sa post niya. Wala pang isang minuto at nagchat sa akin si Lance at sinabing magboyfriend na daw ako para di ako mainggit. Sa inis ko ginawa kong angry yung reaction ko na kanina lang ay love. Habang nag-iiscroll ako sa facebooks feeds ko ay bigla kong nakita si Jethro na may kasamang babae.
Akala ko nga ay sa loob ng tatlong taon ay nakamove-on na ako at hindi ako makakaramdam ng pagseselos kung magkakaroon man siya ng bagong karelasyon. Pero maling mali ang akala ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon habang pinagmamasdan silang masayang nag-uusap. Masasabi mong perfect couple sila dahil ang ganda-ganda ng babae niyang kasama. Mukhang matalino, mayaman at merong sense sa pananamit. Mas okay na siguro to kaysa kay Annabelle na naging girlfriend niya. Pero ano nga bang nangyari sa kanila ni Annabelle nang mawala ako sa mansion? Hindi na rin siguro mahalaga yun ngayon dahil tuluyan na akong kinalimutan ni Jethro. Dapat sigurong magfocus na lang ako sa aking trabaho at dapat ituring ko siya bilang boss. Hanggang dun lang at huwag nang aasa pa na magkakagusto siya sa akin.
Ilang minuto rin ang lumipas nang makita ko sila. Kaya nagdesisyon na akong tumayo at bumalik sa kompanya. Dapat kung ituon ang sarili ko sa pagtatrabaho para naman madistract ako kahit papano. Dapat na rin sigurong maghanap ako ng bagong boyfriend at sundin ang payo ni Lance. Tutal mukhang masaya na siya sa iba ay dapat mahanap ko na rin ang taong magpapasaya sa akin. Masyado pa palang maaga para bumalik ako ng kompanya. Kahit dalawin ko ang mga department heads dun ay malamang wala pa sila sa kanilang office ng ganitong oras dahil nga lunch break. Kaya naman nagpasiya muna akong malibot-libot sa mall. Sa kakalibot ko ay napagastos pa tuloy ako nang mapadaan ako sa store ng Nature Republic. Naalala ko rin kasi na paubos na yung Aqua facial wash ko kaya naman bumili na rin ako.
Habang naglalakad sa loob ng mall ay bigla akong napahinto sa aking kinakatayuan nang makita ko si Jethro at ang babaeng kasama niya sa loob ng isang restaurant. Mukhang masaya silang nag-uusap dahil panay ang pangiti ni Jethro. Sa tingin ko ay inlove nga talaga siya sa babaeng yun. Nakikita ko lang siyang ngumingiti ng ganun kapag kasama niya ako pero ngayon sa ibang tao na niya naipapakita ang ganoong ngiti. Hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng matinding selos. Pero walang patutunguhan ang pagseselos ko dahil hindi naman kami at wala namang namamagitan sa amin maliban sa boss ko siya at secretary niya ako.
Laking gulat ko nang bigla kaming nagkatitigan habang kausap niya ang babaeng kasama niya. Biglang naging seryoso ang pagmumukha niya. Siguro ayaw niya akong nakikita kaya bigla na lang nagbago ang mood niya. Napansin kong tumayo siya at parang may sinasabi pero iniwas ko ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad na para bang wala akong nakita. Matanda na ako at alam kong kayang kaya ko nang pigilan ang pag-iyak di gaya ng dati. Pero ano to? Bakit parang ang init-init ng mga gilid ng aking mga mata. Bigla namang nagring ang phone ko at may tumatawag sa akin na unknown number. Hindi ko sana sasagutin ito dahil wala ako sa mood makipag-usap at baka isa na naman itong wrong number. Pero agad kong naalala na binigay ko nga pala kay Tifanny ang number ko kanina at sabi niya ay tatawagan niya ako kapag nakabalik na ang vice president. Kaya naman sinagot ko ito.
"Hello?" malumanay kong sagot.
"Nasan ka?" sa boses pa lang niya ay halatang iritable na naman si Jethro.
"Sorry boss, nandito po ako ngayon sa venice mall pero pabalik na rin po ako ng kompanya" mabilis kong tugon.
"Sinisenyasan kita kanina na pumasok ng restaurant dahil ipapakilala sana kita sa kasama kong si Celestine" sabi niya. Grabe ang lakas ng loob niyang sabihin yun na para bang andali-dali sa akin na tanggaping meron na siyang iba. Oo nga pala, wala nga pa lang naaalala ang loko.
"Sorry, Sir nagmamadali po kasi ako" pagsisinungaling ko.
"At bakit ka naman nagmamadali? Wala ka pa namang masyadong ginagawa ah" naiirita niyang sambit.
"Ehh kasi po" napatigil ako sa paglalakad at hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Eh ano?" halatang inis na siya sa tono ng boses niya.
"Eh kasi po natatae na ako, kaya nagmamadali akong pumunta ng banyo" jusko po. Derechong sagot ko dahil wala na akong maisip na isasagot sa kanya. At nagfake ako ng pag utot para kunwaring nasa banyo ako.
"Saang floor yan at pupuntahan kita" bigla akong kinabahan sa sinabi niyang yun. Kilala ko si Jethro kapag ganyan na ang tono ng kanyang boses ay tototohanin niya ang kanyang sinasabi.
Kaya kumaripas naman ako ng takbo sa banyo nang sagutin ko siyang nasa c.r. ako sa may ground floor. Pagpasok ko ay walang masyadong katao tao at dumirecho ako sa may bakanteng cr at sinara ang pinto. Hindi rin nagtagal at narinig ko na ang boses ni Jethro na hinahanap ako. Grabe, hindi pa rin siya nagbabago at nakakatakot pa rin siya gaya ng dati. Pinindot ko ang flush para kunwaring kakatapos ko lang magbawas at saka lumabas. At ayun kitang kita ko siyang nakaabang sa may pinto.
"What took you so long?" tanong niya. Kung tumae ako ng totoo malamang mas matagal pa dun ang paglabas ko. Ano bang iniexpect niya sa akin di-taktak ang tae ko? Kapag hinampas ang pwet ay lalabas na ng kusa? Pero syempre dahil sa boss ko siya ay...
"Sorry po biglang sumakit ang tiyan ko" yun ang sinagot ko.
"San ka ba kasi kumain?" tanong niya. At ano bang pakialam ng lalaking to bakit di na lang niya kaya atupagin ang buhay niya kasama ng bago niyang jowa.
"Ahh kumain po ako sa mura lang. Doon sa Jollibee" mahinahon kong sagot kahit na naiinis na rin ako.
"Ang laki ng pinapashod ko sayo tapos sa fast food ka lang kumakain?" sabi niya. Sasagutin ko na sana siya nang bigla siyang magsalitang muli.
"Tinatawag kita kanina para ipakilala sana kay Celestine, isa siya sa mga board members at madalas mo siyang makikita" at doon ko lang naalala na may nabasa akong Celestine Cua sa mga board members ng kompanya.
"Sorry po talaga" ang tanging naisagot ko.
"By the way, isasama kita sa meeting namin ngayon para makilala mo na rin ang ibang board members." Naging mahinahon na ang kanyang pagsasalita.
"Sige po" maiksi kong tugon.
"1:30 pm yun sa may Serenity room at huwag kang malilate this time" pagpapaalala niya habang naglalakad kami pabalik ng office. Siya lang ata ang CEO na walang kasamang gwardiya sa paligid. Ewan ko yun kasi ang madalas kong nakikita sa tv eh.
12:48 na nang marating naming ang kompanya. May sariling elevator na sinasakyan ang CEO pati na rin ang mga mahahalagang tao sa kompanya dahil kinakailangan nila ito kapag may urgent meetings. Sa loob ng elevator ay kaming dalawa lang ni Jethro ang nasa loob at naiilang ako sa katahimikan namin sa loob. Nang makalabas kami ng elevator ay pinaalalahanan niya akong magsuot ng coat at hindi nakalong sleeve lang dahil mga importanteng tao ang makikilala ko kaya dapat magmukha rin akong kagalang galang. Pero anong gagawin ko ngayon dahil kinuha ng isang lalaki ang coat ko at yung binigay niya sa akin ay may mantsa ng kape. Kahit gamitan ko pa ng lakas ng sampung kamay ito ay hindi rin naman agad ito matutuyo. Wala na rin akong time para dumaan ng laundry shop dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting nila.
Hindi ko na sinuot ang coat dahil magmumukha lang akong dugyot kapag sinuot ko yun. Hihingi na lang ako ng tawad kay Jethro at saka ko sasabihin sa kanya ang totoong nangyari. Nag-ayos ako ng mabuti at todo spray ng pabango para magmukha naman akong matino pagnakaharap ko na ang mga board of directors. Doon ko rin makikilala ang vice president dahil dadalo din siya sa meeting.
Pinapunta ako ni Jethro doon ng maaga. 20 minutes early ako sa actual meeting time nila para ayusin ang conference room. Mabilis kong napansin ang conference room na to dahil ang pangalan ng room ay Serenity. Ewan meron na naman ako naaalala sa pangalang yan pero dapat magfocus ako sa pinapagawa sa akin. Natapos ko na ring maidistribute ang mga files sa ibabaw ng table sa tapat ng mga bakanteng upuan kung saan uupo ang mga board of directors. Mabilis ko ring nai-set-up ang presentation na binigay sa akin ni Jethro dahil mukhang siya ang maglilead ng meeting. Nang matapos ko ang lahat ng pinapagawa sa akin ay bigla na lang na may pumasok sa loob ng room at mabilis koi tong binati.
"Good afternoon, Si-" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang makita ko ang taong pumasok.
"Good afternoon" masaya niyang bati.
"Ikaw!!!" mabilis kong sabi at lumapit sa akin.
"Yes?" bakas sa mukha niya ang pagkalito nang lapitan ko siya.
"Ikaw, yung kumuha ng coat kanina. Akin na kailangan ko yan ngayon" utos ko.
"Ohh..Naalala ko na. ikaw yung nakasalubong ko kanina. Salamat nga pala, pero medyo masikip sa akin tong coat mo" nakangiti niyang sabi. Kung hindi lang to gwapo ay nakatikim na ng batok ang lalaking to.
"Kailangan ko na yang coat ko kaya akin na" mariin kong sambit.
"At bakit ba atat na atat kang bawiin to?" tanong niya.
"Una dahil akin yan at pangalawa ay kinakailangan ko yan dahil makikipagkilala ako sa mga board of directors mamaya at ayokong magmukhang hindi kagalang galang sa suot ko" pagpapaliwanag ko at ngumiti siya sa akin.
"Really? You look good kahit wala kang suot" at biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Aw sorry what I mean is. You look good kahit wala kang suot na coat" dugtong niya pero hindi pa rin ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya.
"Akin na, please lang" nagpipigil ako ng tono ng aking boses pero inis na inis na talaga ako ng mga oras na to.
"Okay, ibibigay ko na sayo to kapag nahubad mo" nakangiti niyang sabi. At ako pa talaga ang hinahamon niya sa paghuhubad ng damit ah. Hindi nya ba alam na magaling ako sa paghubad ng damit ng mga lalaki. Kahit itanong niya pa kay Jethro yan. Habang hinahatak niya ko pababa ang coat sa kanya ay nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Hindi ko masyadong mahubad sa kanya ito dahil nga masikip sa kanya at nagpupumiglas din siya. Bigla na lang siyang natawa at napatingin ako sa kanya.
"May nakapagsabi na ba sayo na ang cute mo kapag naaasar?" natatawa niyang sabi. Hindi ko mapigilang magblush sa sinabi niya. Nilalandi ba ako ng lalaking to?
"Ewan ko sayo" sabay hatak ng malakas sa coat ko. Ang akala niya ata ay magugustuhan ko kaagad siya. Hindi porket gwapo siya ay magkakagusto kaagad ako sa kanya. Hindi lang gwapo ang gusto ko dapat may abs din. Wait mukhang may abs rin tong isang to.
Patuloy pa rin ang paghila ko sa coat ko hanggang sa bumaba na ito hanggang sa siko niya. Marahas na ang paghatak ko dahil naiinis na ako sa tawa niya.
"What's going on here?" napalingon ako bigla sa boses ng babaeng nagsasalita. At isa-isang nagsipasukan ang mga tao sa loob ng conference room. Kasama sa mga pumasok ay ang boss ko na si Jethro. Sa gulat ko ay hindi ko magawang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa coat ko na suot-suot pa rin ng lalaking to.
"What are you doing Eisen?" inis na tanong ni Jethro. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha nang tanungin niya ako.
"Ahh-eh kasi po ayaw niya pong ibigay yung coat ko" nauutal kong sagot.
"Your what?" tanong niya at biglang nagsalita ulit ang babae. Siya yung magandang kasama ni Jethro kanina. Kung tama ang pagkakaalala ko ay siya yung si Celestine Cua na isa sa mga board members.
"Wait Jethro. He's your new secretary right?" tanong ni Celestine pero di siya sinagot ni Jethro dahil ang atensyon niya ay nasa akin. At halos patayin niya ako sa uri ng pagtitig niya.
"Oh dear, may idea ka ba kung sino yang hinaharass mo?" tanong sakin ni Celestine. Tumingin ako sa lalaking may suot ng coat ko at saka ako umiling bilang tugon na hindi ko siya kilala.
"Oh well, siya lang naman ang vice president ng Forever and Always Co." pagkasabi niyang iyon ay dahan-dahan akong humarap sa lalaking may suot ng coat ko.
"Va-vice President?" tanong ko at saka siya tumango bilang pag sang-ayon at saka ngumiti sa akin.
O dakilang bathala, gawin niyo na akong isang buwan sa kalangitan at ipakain kay Bakunawa. Hindi ko alam kung papano haharapin si Jethro sa kahihiyang binigay ko sa kanya sa harap ng mga board of directors lalung lalo na sa Vice President ng kompanya.
Itutuloy........A/N: HAPPY NA BA? Hahaha..
Just wanna share with you guys. Last month may offer sakin ang ficfun isa siyang reading app na gaya ng wattpad. Nag offer sila na i-translate ko ang LWMSB sa english at babayaran nila ako. Kasama sa contract ang pagbura ng story sa wattpad. Syempre hindi ako pumayag kasi may mga readers ako na love na love ang story at ilang beses inuulit ang pagbabasa.Siguro 4-5 hours bago ko matapos ang isang chapter. Imagine 2 movies na ang pwede ko mapanood niyan. So please be patient po sa pag antay ng updates dahil hindi po madaling magsulat.
Bibilisan ko ang pag update ng Chapter 3 kapag lumampas ng 35 votes ang chapter na to.
Kaya vote and comment na!!!!
BINABASA MO ANG
Can't live without you (BL)
Romance*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...