Chapter 26: We belong

10.4K 590 80
                                    

Bas as Eisen

Jethro's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jethro's POV

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong umayon sa napagkasunduan namin ni Lance. Mukhang mas mabuti pang panindigan ko na lang ang pagpapakasal kay Celestine para may kompletong pamilya si Johan. Ilang beses kong tinanong si Eisen kung may nararamadaman pa ba siya sa akin pero nabigo lang ako dahil hindi niya ako masagot. Siguro nga sa mga nakalipas na taon ay naglaho na ang pagmamahal niya sa akin. Magiging isang masayang alaala na lang siguro para sa aming dalawa ang mga nangyari kagabi. Sana makahanap siya ng taong magpapasaya sa kaniya at alam kong hindi na ako yun.

Abala na ang lahat dahil sa mga susunod na oras ay magaganap na ang kasal namin ni Celestine. Wala akong nararamdamang saya o pangamba dahil mas gusto kong matapos na ang lahat ng ito. Kasama kong mag-ayos ang anak kong si Johan. Siya ang napili kong maging best man dahil sa totoo lang ay wala sa mga kapatid ko ang gustong tumayong best man ko sa kasal na to. Kahit na piliin ko ang isa sa kanila ay tatanggi sila. Hindi ko nga alam kung bakit pa sila aattend sa kasala kung tutol naman silang mangyari to.

"Daddy why do we have to do this?" tanong ni Johan. Lumuhod ako para ayusin ang suot niyang bowtie na kanina pa niya gustong tanggalin.

"Because mommy and I are getting married" sagot ko at hinalikan siya sa ulo nang maayos ko ang bowtie niya.

"Does it mean that she's going to live with us?" tanong niya at ako nama'y ngumiti na napipilitan.

"Yes baby" sagot at bigla na lang siyang yumuko na para bang hindi masaya sa mga mangyayari.

"Why do you look sad?" tanong ko at unti-unti siyang tumingala para tumingin sa akin.

"Mommy hates me" sabi niya at niyakap ko siya nang mapansin kong naluluha na siya.

Habang yakap-yakap ko siya habang kinumbinsi na mahal siya ng kaniyang mommy. Kailangan ko rin palang ayusin ang relasyon ng mag-ina. Masyadong napalayo ang loob ni Johan kay Celestine at masyadong naging tutok sa trabaho si Celestine para asikasuhin ang sariling anak. Sana maging maayos ang pamilyang to kahit na hindi ito ang pamilyang pinapangarap ko. Nang maging maayos na ang lahat ay sabay na kaming umalis ni Johan patungo sa simbahan.

Halos kalahating oras ang binyahe namin galing sa hotel patungo sa simbahan. Hindi ko inaasahan na magiging mabigat ang traffic. Nasa sampung minuto lang dapat ang magiging byahe namin pero inabot pa rin kami ng kalahating oras bago marating ito. Marami na ang guess na naririto nang dumating kami ni Johan. Maraming tao ang bumati sa akin nang kami ay pumasok ng simabahan. Inaasahan na magsisimula na ang kasal sa loob ng dalawampung minuto. Inaasahan rin na dapat narito na si Celestine pero sabi ng isa sa mga wedding coordinator ay inaayos lang nila ang make-up ni Celestine dahil kanina ay nagwawala ito habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit pa kailangang mangyari to sa araw ng kasal namin. Nakakahiya lang sa mga nag-aantay na bisita.

Can't live without you (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon