Chapter 6: Gimme more

23.2K 1K 95
                                    

A/N: Hindi ako masyadong masaya habang sinusulat ang chapter na to dahil andaming nagdedemand ng update pero di marunong magVOTE.
Anyway para sa ikakaligaya nyo. Enjoy!!!

-------------------------------------------------

David as Jethro

Eisen's POVHindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Jethro at kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eisen's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Jethro at kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na to. Ayokong umasa na baka nanumbalik na ang kanyang mga alaala dahil sa tingin ko ay hindi na mangyayari iyon. Gamit ang aking mga kamay ay tinakpan ko ang itaas na parte na aking katawan upang hindi niya ako tuluyang mahubaran. Ang buong akala ko pa noon ay titigil na siya pero nagkamali ako nang bigla niyang atakihin ang leeg ko. Para siyang bampira na tila gutom na gutom sa dugo habang sinisipsip at kinakagat ang leeg ko.

Sa mga sandalking iyon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na madala sa sarap na dinudulot ng pagpapaligaya ni Jethro. Gawa sa glass ang wall ng opisina ni Jethro pero hindi siya visible sa labas. Ang tanging mahahalata mo lamang ay ang mga sapatos dahil sa ilalim na bahagi ng wall ay may pagkatransparent. Kinabahan ako nang makita ko ang isang taong naglalakad papalapit sa pinto ng opisina ni Jethro. Alam kong si Celestine yun dahil siya lamang ang kilala kong taong kayang bilhin ang mamhaling heels na yun sa loob ng kompanyang to. Bagp pa man siya makapasok ay nagawa kong itulak si Jethro papalayo sa akin at saka ako nagmadaling tumayo at inayos ang sarili.

"Kung yun lang po ang ipapagawa ninyo Sir ay mauuna na po ako." Sakto ang pagkakasabi ko nang pumasok si Celestine. Naglakad naman ako sa pinto at tumango sa kanya bilang pagkilala sa kanya.

"What happened here?" tanong ni Celestine. Bulalas niya nang makita niyang nakaluhod pa si Jethro at ang couch ay nakatumba. Buti na lang at nakalabas na ako ng pinto nang magtanong siya. Hahayaan ko na lang na si Jethro ang magpaliwanag sa mga nangyari total siya naman ang may kagagawan sa mga bagay na to.

Dahil nakafile na sa ibabaw ng desk ko ang mga gamit ko ay mabilis ko lang itong nakuha at nagpasiyang umalis na ng opisina ko. Bago ko maisara ang pinto ng aking opisina ay biglang tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk ko. Sinira ko na ang pinto kaagad dahil ayoko nang sagutin ito. Alam kong si Jethro ang tumatawag kaya naman sinet-up ko sa flight mode ang aking phone para hindi niya na ako mareach. Ang pagtawag niya ay hindi na work-related dahil alam kong nagampanan ko ang tungkulin ko sa kanya bilang kanyang secretarya sa araw na to. Bahala na si Celestine ang magpahupa ng kalibugan ni Jethro basta ang gusto ko lang mangyari ngayon ay makauwi kaagad sa bahay.

Lumipas na ang ilang araw na tila ba walang nangyari sa aming dalawa sa loob ng kanyang opisina. Unti-unti na akong natututong ipasa walang bahala ang mga bagay-bagay na alam kong wala ring magandang maidudulot sa akin. Bumalik na rin naman sa dating pagkikilos si Jethro kaya hindi rin naging hamon sa akin ang pakikipag-usap sa kanya. Pero minsan ay may mga pagkakataong kakaiba siya kung tumingin at yun ay ang pilit kong iniiwasan. Naging abala si Jethro nitong mga nakaraang araw dahil sa bagong project na ginagawa nila. Kabilaan ang kanyang meeting. Minsan ay nahihirapan na rin ako kung papano ko pagkakasiyahin sa isang araw ang mga meetings niya. Para narin akong nagsilbing customer service sa dami ng mga tawag na natatanggap ko. Ang akala ko ay matatapos ang araw na to ng tahimik pero nagkakamali ako nang pumasok sa loob ng aking opisina si Celestine.

"Hi Eisen" bati niya sa akin.

"Hello Miss Cua" sagot ko naman habang pinipeke ang ngiti. Alam ko namang ganun din siya sa akin kaya patas lang kami.

"Kung si Sir Jethro po ang hinahanap niyo ay nasa conference room po siya ngayon" sabi ko sa kanya. Lumapit siya at naupo sa may bakanteng upuan.

"I know, nagpunta lang ako dito dahil gusto kong makipagkwentuhan sayo" sagot niya. Tila makahulugan ang mga sinabi niya lalong lalo na ang pangiti niya.

"Tungkol naman po saan ang pag-uusapan natin?" tanong ko at tila parang nagbago ang ihip ng aircon sa loob ng aking opisina. Tila umiinit ang loob ng aking opisina at pinagpapawisan ako.

"Gusto ko sanang malaman kung ano talaga ang nangyari noong nakaraan sa loob ng opisina ni Jethro." Naging hilaw na ang kanyang mga ngiti sa pagkakataong ito.

"Hi-hindi niya po ba naikwento sa inyo?" kabadong tanong ko. Hindi ko alam kung anong alibi ang isasagot ko sa kanya.

"Hindi, kaya nga ako nagtatanong eh" kahit nakangiti siya ay mahahalata mo ang pagkainis sa tono ng kanyang pananalita.

"Ahh ehh kasi ganito po yun. Wag po kayong maingay kay Sir Jethro ahh dahil ayaw niyang ipaalam ito sa iba" pagsisinungaling ko at tumango naman siya.

"Ganito po kasi yung nangyari. May kausap po siya sa phone niya habang nakaupo sa couch. Hindi ko nga po alam kung sino yun pero nakakapagtaka dahil nagagawa niyang patawanin ng husto si Sir at sobrang pagtawa niya ay natumba siya kasabay ng couch." Nagkocross finger ako sa aking likuran na sanay kagatin niya ang alibi ko.

"Parang hindi naman si Jethro ang pinag-uuspan natin. I heard him laugh a couple of times pero hindi ganyan ka lala gaya ng pagkwento mo" inaasahan kong ganun ang magiging sagot niya dahil alam kong matalino siyang babae at hindi mo siya basta-basta mauuto.

"Ms. Cua, ang mga lalaki po kasi ay hindi po nagpapakita ng mga masasamang habits nila sa harap ng mga babae. Kaya naman siguro nagtataka kayo kung bakit ganun siya natumba sa kakatawa." Sagot ko at buti naman ay tumango siya bilang pagsang-ayon.

"I agree, how about sa naka kalat niyang coat sa sahig at necktie?" tanong niya at halos tumagaktak ang pawis ko sa aking noo.

Can't live without you (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon