Chapter 15: I'm with you

17.9K 669 173
                                    

David as Jethro

Jethro's POVSobrang hassle ng biglaang meeting

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Jethro's POV

Sobrang hassle ng biglaang meeting. Hindi pa namin nasusulit ni Eisen ang mag-leave ng magkasama. Ngayon pabalik na kami ng manila dahil may importanteng pag-uusapan daw kami ni Robert. Kilala ko si Robert simula ng itayo ko ang kompanyang ito. Isa siya sa mga board members ng kompanya na pinagkakatiwalaan ko. May gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi sa telepono kaya kailangan daw namin magkita ngayon dahil importanteng importante ito. Medyo nakakabahala dahil ngayon lang siya nagrequest ng urgent meeting at malamang malaki ang epekto nito sa kompanya.

Habang iniisip ko ang mga posible naming pag-usapan ay mahimbing namang natutulog ang asawa ko sa tabi ko. Hindi ko alam kung kelan nagsimula yun pero mas gusto ko siyang tinatawag na asawa ko. Minsan naiinis siya sakin pero alam ko namang gustong gusto niya yun. Kahit gaano kahirap ang mga pinagdaanan namin ay para bang nagiging madali lang ito kapag kasama ko siya. Tama na ang tatlong taong nagkahiwalay kami, hindi ko na yata makakayang mawalay siya sa akin. Kung pwede lang ay itali ko na lang siya sa bahay at huwag ng palabasin para wala na akong kaagaw sa kaniya pero hindi naman pupwede yun. Pero minsan naiisip kong magrole-play kami na itatali ko siya sa kama ng buong araw at buong araw kaming magsesex hanggang sa magsawa kami. Pero hindi pa nangyayari yun dahil lagi niya akong pinapagilatan sa tuwing magbabanggit ako ng mga sexual fantasies ko sa kaniya.

Ilang oras din ang naging biyahe namin bago namin marating ang condo. Hindi biro ang walong oras na byahe dahil sobrang nakakapagod yun. Hindi ko pinapahalata sa asawa ko na napapagod ako dahil sobra siya kong mag-alala. Naupo lang ako sa couch at umidlip saglit dahil 6pm pa naman ang meeting namin ni Rob. Nagising na lang ako na may nakahiga sa lap ko. Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong tinititigan habang umiidlip pero ang sarap ng gising ko dahil sa ngiti niya ang bumati sa akin.

"Bakit ka diyan nakahiga?" tanong ko.

"Para hindi kana umalis" malambing niyang sagot.

"Try mong umupo sa lap ko baka magbago pa ang isip ko" pabiro kong sabi at inantay ko ang pagkurot niya sakin pero laking gulat ko nang umupo siya paharap sakin habang nakakapit ang dalawa niyang kamay sa aking batok.

"Ganito ba?" nakangiti niyang tanong. Fuck, bigla akong naturn-on sa ginawa niya. Parang gusto ko na kang mag-stay dito kasama siya kaysa sumipot sa meeting namin ni Rob.

"Alam na alam mo talaga ang weakness ko" natatawa kong sabi.

"Hindi ba talaga pwedeng ipagpabukas yan?" ngayon ay sumandal siya sa dibdib ko habang yakap-yakap ako nang mahigpit. Gumanti naman ako ng pagyakap sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya kaya tinext ko si Rob kung pwede bang ipagpabukas na lang yung meeting. Gusto ko na rin sana magpahinga kasama ng asawa ko. Mabilis akong nakareceive ng reply galing sa kaniya. Kailangan na kailangan daw kundi baka pagsisihan ko na hindi ako nakipagmeet sa kaniya ngayon. Bakit ngayon pa kasi kung kelan naglalambing ang asawa ko?

"Hon, sorry kailangan ko talagan umalis eh" sabi ko habang hinahaplos ko ang kaniyang likod.

"Mabilis lang ba yun?" tanong niya habang ang mukha niya ay parang nagmamakaawa. Damn! Parang gusto ko na siyang gahasain ngayon.

"Yes, I promise. Mabilis lang ang magiging meeting namin" sana nga mabilis lang dahil hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa meeting na to.

Ilang beses nya akong hinalikan sa labi bago niya ako hinayaang umalis ng unit niya. Kainis. Hirap na hirap tuloy akong takpan yung hinaharap ko dahil hindi pa rin humuhupa yung libog sa kaniya. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko. Nagmadali na rin akong pumunta sa restaurant na sinabi ni Rob kung saan kami magkikita. Wala pang 20 minutes ay narating ko na kaagad yung meeting place namin. Pansin ko agad na hindi matao ang restaurant na to. Siguro sa location at dahil mukhang mahal ang presyo ng pagkain sa menu. Ang mahalaga ay makakapag-usap kami ni Ron ng maayos. Mabilis ko siyang nakita dahil madaling mapansin ang kaniyang suot na orange long sleeves. Believe me favorite color niya yan.

"Akala ko hindi ka na darating" sabay tapik niya sa kanang balikat ko at ako naman ay tumapik sa kaliwang balikat niya. Yun ang way ng pagbati namin sa isa't isa.

"Ayokong paalisin ng asawa ko eh" sabay upo kaharap niya.

"Wait kelan ka pa nag-asawa?" tanong niya, halatang nagulat siya.

"I mean si Eisen. Ayaw akong paalisin" hindi ako naiilang na aminin ang relasyon naming dalawa kahit kanino dahil wala naman dapat akong ikahiya. Wala akong dapat ikahiya sa kaniya dahil unang una mas maganda pa siya sa mga naging girlfriends ko. Pangalawa mabait pero minsan hindi. Pangatlo magaling siya sa sex. Pang-apat magaling pa rin siya sa sex. Pero seryoso mahal ko yun, siya lang yung taong nagpadama sakin kung gaano ako kaimportanteng tao sa kaniya sa kabila ng masamang ugali ko. Hindi ko rin naman pinagkakaila yun. Kaya naman laking pasalamat ko at dumating siya sa buhay kong mui at sa pagkakataong ito ay hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.

"Ahh yung secretary mo?" tanong niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Alam mo bang madalas mapagkamalan na babae ng mga tao sa finance dep yun. May gusto nga dun si Marlon at ang nakakatawa pa inabutan niya to ng bulaklak dahil gusto niya daw ligawan" natatawang sabi ni Rob pero ako hindi ako natutuwa sa kinukwento niya dahil ni minsan ay walang nabanggit sakin si Eisen tungkol dito.

"So ano tinggap ba niya?" inis kong tanong.

"Wait kalma ka lang, syempre hindi niya tinanggap dahil ayun sa kaniya ay taken na daw siya" mabilis na sagot ni Rob. Mabuti na lang at yun ang nangyari kundi yari talaga yung lalaking yun sa akin.

"So eto ba yung urgent meeting na pag-uusapan natin?" naiinis pa din ako kahit na alam kong tinanggihan ni Eisen yung lalaking yun. Bakit ba kasi masyadong lapitin tong asawa ko, minsan napapaisip na lang ako na sa bahay na lang siya eh.

"Am, syempre hindi. Sorry pare pero hindi mo magugustuhan itong ibabalita ko" napakamot siya ng noo pagkatapos nyang magsalita.

"Tell me" mahinahon kong sagot. May kutob na talaga ako na hindi maganda ang ibabalita ni Rob pero sana wag tungkol kay Eisen to.

"May malaking changes na mangyayari bukas. Hindi ko alam kung kelan pa nila sinimulan ito pero nalaman ko nalang sa iba pang board members na si Celestine na ang magiging bagong CEO" pinigilan ko siyang magsalita gamit ng pagsenyas ng aking kamay.

"Seryoso ba to?" hindi ko mapigilang mapabulyaw.

"Maniwala ka man sa hindi pero totoo to. Habang nasa bakasyon ka ay bigla na lang nagkaroon ng meeting ang mga board members at napag-usapan dun ang paglipat ng position kay Celestine bilang CEO. And now she owns 35% ng shares ng company, 5% higher sayo" napahawak ako sa aking noo habang iniisip kung papano nangyari ang mga to sa loob ng ilang araw lamang na wala ako.

"Kakausapin ko ang board of directors bukas para i-reconsider ang decision nila" hindi ako basta isusuko ang titulo ko sa ibang tao lalong lalo na't pinaghirapan ko ang kompanyang to.

"Don't worry you still own the company Jeth. Makukuha mo ulit ang position na yan" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na uminom dahil ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong stress. Buti kasama ko si Rob at may kausap ako habang walang tigil na iniinom ang beer na siniserve sa amin. Nang maramdaman ko na may tama na ako ay napagpasiyahan namin ni Rob na magpaalam na sa isa't isa. I'm still a good driver kahit na may amats na ako. Pagkarating ko sa condo ay kaagad kong dinaanan ang unit ni Eisen. Binigyan niya ako ng spare key para mabilis akong nakakalabas masok sa unit niya. Malamang galit na galit na yun dahil sabi ko ay saglit lang akong mawawala. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong nakabukas ang tv at patuloy na nagpiplay ang movie sa Netflix. Lumapit ako sa couch at dun ko nakita ang misis ko na nakatulog na sa kakaantay sa akin. Pinatay ko ang tv at saka binuhat ko siya papasok ng kaniyang kwarto. Pagkalag ko sa kaniyang kama ay hindi ko napigilang pagmasdan ang kaniyag mukha habang natutulog. Napaka swerte ko talaga at meron akong Eisen Fuentes. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya habang ang aking ilong ay nakasubsob sa kaniyang leeg.

"Kahit na mawala man ang lahat sa akin basta't nandiyan ka ay patuloy pa rin akong mabubuhay ng masaya" sabay halik sa kaniyang pisngi.

Dahil sa tama ng alak ay mabilis din akong nakaramdam ng antok. Makalipas ang ilang oras ay nagising din ako. Mahimbing pa rin ang tulog ni Eisen kaya hindi ko muna siya ginising. Bumalik ako sa aking unit para makapagshower. Pagkatapos kong maligo ay nagkape muna ako bago magbihis. Nagawa kong magbasa ng mga news online habang nagkakape. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagbihis na rin ako at pumunta ng maaga sa opisina. Hindi ko na nagawang daanan si Eisen dahil ayokong magulat siya sa biglang pagbabago. Saka ko na lang sasabihin sa kaniya kapag naayos ko na ang problema na to. Hindi na ako dumaan sa aking opisina. Nagtungo ako kaagad sa conference room kung saan magsisimula ang early meeting ko kasama ang mga board members. Nagsend ako ng invitations kagabi kaya alam kong pupunta sila.

Pagkapasok ko sa loob ng conference room ay may mga tao na nag-aantay sa loob. Isa-isa ko silang binati habang nag-aantay pa sa iba pang board members. Lumipas ang ilang minuto at tanging si Celestine na lang ang kulang ngunit gusto na nilang simulant ang meeting dahil ang iba ay may iba pang business meetings na pupuntahan.

"So I know you heard about the news Mr. Wells" sabi ni Mrs. Lau.

"Yes and I'm hoping na i-reconsider nyo ang inyong decision because I can prove to you na mas capable ako kay Celestine bilang CEO ng kompanyang to" mahinahon kong sagot kahit na nakataas ang kilay niya sa akin.

"We all know na magaling ka bilang CEO in the past pero base sa reports ay patuloy ang pagbaba ng sales ng kompanya. Ilang quarters na nangyayari to, maraming projects na hindi sa successful sa promotion. At nalaman namin na may traydor sa kompanyang to na nagiging dahilan kung bakit unsuccessful ang mga projects natin" dugtong ni Mr. Villana.

"What do you mean?" tanong ko.

"May whistle blower na nagsabi na nakakatanggap daw siya ng mga confidential information galing sa ating kompanya. Ang mga confidential informations na yun ay naglalaman ng mga upcoming projects ng ating kompanya kung saan napupunta sa ibang kompanya kaya nagiging unsuccessful ang launch ng mga projects na to dahil nauunahan tayo" sagot ni Mr. Villana.

"At sino naman ang taong tinutukoy ng whistle blower na to?" mabilis kong tanong. Akala ko nagkataon lang na parehas kami ng concept at ideas sa promotion ng karibal naming kompanya yun pala ay may nagbebenta sa kanila ng information galing sa amin.

"Walang iba kundi ang secretary mong si Eisen Fuentes" sagot ni Mrs. Lau. Halos matumba ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi nila. Alam kong hindi totoo ang paratang nila kay Eisen.

"That's impossible!" mabilis kong tugon.

"Yes it is. We hired a private investigator para imbestigahan ang secretary mo. Siya lang ang taong merong access sa condo unit mo kung saan madalas kang magdala ng mga confidential files. Narereceive ng whistle blower ang mga Information sa email at natrack namin na ang sender nito ay walang iba kundi si Eisen. Look we have our evidence here" pagkalapag ni Mrs. Lau ng mga files ay kaagad kong binasa ito. Hindi ako makapagsalita habang binabasa ko ang mga ito. Alam kong hindi magagawa ni Eisen ang mga bagay na to. Malamang na frame-up lang siya dito.

"We can't afford to lose more money dahil sa isang tao na masyado mong pinagkatiwalaan. We advise that you fire him immediately bago pa bumagsak ang kompanya na to" dugtong ni Mrs. Lau.

"Hindi magagawa ni Eisen to dahil kilala ko siya. Hinding hindi niya magagawa ang pinaparatang nyo sa kaniya" inis kong sabi.

"We can't accept your words as a proof ng innocence ni Eisen sa case na to. We have the evidence kung saan magpapatunay sa mga kalokohan na ginawa niya sa kompanyang to" inis na sagot ni Mrs. Lau.

"Nasan si Celestine?" tanong ko. Alam kong siya ang may kagagawan nito.

"I think nasa office muna siya ngayon" sagot ni Mr. Villana.

"You are no longer the CEO of the company pero papalitan mo si Terence bilang Vice" dugtong pa ni Mr. Villana. Magsasalita na sana ako nang muling magsalita si Mr. Villana.

"He sold all of his shares to Celestine at umalis dahil balak niyang magtayo ng sarili niyang kompanya" pagpapaliwanag ni Mr.Villana. Walang tao ang nasa loob ng conference room na to pero nanatiling tahimik ang iba at tanging si Mrs Lau at Mr. Villana lang ang kumakausap sakin. Kaya pala biglang lumaki ang shares ni Celestine dahil kay Terence. Wala talaga akong tiwala sa lalaking yun. Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang bumulong si Rob sa akin.

"I think kailangan mo munang pumayag sa decision ng board habang hindi pa nawawala ang tiwala nila sayo. Mas mahihirapan kang ibalik ang trust nila kapag nagpumilit ka pa ngayon" pagkasabi niyang yun ay ilang minuto rin akong natigilan sa aking kinauupuan.

Grabe ngayon ko lang naramdaman ang ganito. I own this company pero pakiramdam ko ay wala akong kapangyarihan para gawin ang lahat ng gusto ko. Alam kong na frame-up lang si Eisen dito at wala siyang kinalaman sa mga paratang nila sa kaniya. Gustuhin ko mang mag-stay siya sa kompanya pero hindi lang board ang makakalaban ko, haharapin ko pa ang HR kapag nagkataon. Kaya wala akong choice kundi gawin ang bagay na alam kong mas makakabuti sa aming dalawa. Nagtungo ako sa dati kong opisina na ngayo'y opisina na ni Celestine nang matapos ang board meeting. Kailangan kong ipalipat ang mga gamit ko papunta sa office ng vice. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad kong naabutan ang paninigaw ni Celestine kay Eisen.

"Jethro, anong pinagsasabi ng babaeng to?" tanong sa akin ni Eisen nang magtagpo ang aming tingin.

Can't live without you (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon