Bas as Eisen
Eisen's POV
Minsan napapaisip ako kung papano na hulog ang damdamin ko sa lalaking ubod ng seloso. Hindi naman ako ganun kaattractive para bantayan ang bawat kinikilos ko. Buti sana kong kalevel ko si Catriona Gray edi sana may rason siya na maging possessive ng ganyan. At heto ako ngayon sa loob ng office nya. Nagrequest pa siya mismo ng extrang table at chairs kung saan ako magtatrabaho. Bawat meetings na pupuntahan niya ay sinasama niya ako. May ilang meetings pa na hindi naman ako kailangan pero sinasama niya pa rin ako. Nakakaloka para bang may gagawin akong masama kapag nawala ako sa paningin niya.
Simula nang makita niya ang ginawa sa akin ni Terence ay hindi na niya ako kinausap. Siguro yung mga command niya na work-related ang way ng pakikipag-usap niya sa akin pero hanggang dun lang. Alam ko rin namang busy siya ngayon kaya hindi rin naman ako mag-eexpect na may time pa kami para makipalandian sa isa't isa. Ewan, nalulungkot lang talaga ako na parang may amnesia na siya ulit ngayon. Kakabalikan lang namin sa isa't isa pero heto tampuhan agad. Idagdag mo pa tong si Celestine na halos maghapong nakairap sa akin. Hindi napapagod ang kilay niya kakataas sa tuwing makikita niya ako? Parang gusto ko na lang bumalik sa Bali ulit kung saan walang stress.
Natapos ang araw ng hindi naman pinag-usapan ni Jethro ang nangyari kanina. Hindi naman siya nagsalita matapos niya akong sigawan at papuntahin sa office niya kanina. Ayoko rin namang ipaalala sa kanya yun dahil baka lalong lumala pa at pag-awayan pa namin ng husto. Siguro mas makakabuti na palamigin ko muna ang ulo niya dahil hindi ngayon ang tamang panahon para dagdagan ko pa ang stress na pinagdadaanan niya. Ayun sa meeting nila kanina ay malaking pera ang nalugi sa kompanya nang maglaunch sila ng isang event para sa mga bagong collections ng damit pero hindi mabenta ang ito at hindi pa nababawi ang nagastos sa event kung saan maraming sikat na artista ang binayaran para rumampa sa event na yun. Kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan ang iba pang expenses ng kompanya kun saan hindi maipaliwanag kung saan napunta ang nagastos na 15 million sa isang project na hindi naman natupad.
Kasabay ko siyang umuwi pero hindi man lang kami nag-usap maliban sa mga meetings at schedule niya bukas. Pagkarating namin sa condo ay kaniya-kaniya na kaming pasok sa aming unit. Ang alam ko ay may malaki siyang bahay sa quezon city pero ewan ko ba at nagtitiis siyang tumira dito sa condo. Maganda yung condo at alam kong pasok to sa standard ni Jethro. Pero sa pagkakakilala ko sa kaniya ay siya yung tipo ng tao na hindi mo mapapanatili sa isang maliit na lugar. Yung buong condo unit niya ay halos kasing laki lang din ng kwarto niya sa mansion nila sa batangas.
Nang marating ko ang pinto ng aming unit ay tiningnan ko muna si Jethro kung saan nakatayo din sa harap ng kaniyang pinto. Nagkatinginan kaming dalawa, walang nagsasalita sa amin. Sadyang ang mga mata lang namin ang tila nag-uusap pero kapwa naming hindi naiintindihan ang kung ano ba ang pinahihiwatig ng bawat isa. Maghapon kaming magkasama pero pakiramdam ko ay ang tagal na naming hindi nagkikita. Nauna siyang pumasok sa kaniyang unit at ako nama'y sumunod sa sarili naming unit. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayang may tao pala sa harapan ko.
"Aray" napahiyaw ako sa sakit habang hawak-hawak ko ang aking noo. Napaupo ako sa sahig at tinitigan ang taong nasa harapan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko ang taong to.
"JAMES!" napasigaw ako nang maalala ko ang pangalan niya.
"I'm sorry, okay ka lang ba?" tanong niya habang inaalalayan niya akong tumayo.
Sadyang masaya lang akong makitang muli si James ngayon na mas lalong naging macho ang katawan. Mas naging fit na fit sa kaniya ang suot suot niyang damit habang suot-suot ang backpack sa kaniyang likuran. Sa loob ng tatlong taon ay parang tumangkad pa siya lalo, hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na mapahanga ng husto sa mga pinagbago sa kaniyang pangangatawan.
"Don't tell me na ako na ang tipo mo at hindi na si Jethro" nakingisi niyang sabi.
"Hoy siraulo ka hindi ako ganun" pagdedepensa ko.
"Eh bat ganyan ka kung makatingin sa akin na para bang gusto mo akong huburan?" natatawa niyang sabi.
"Loko ka, syempre halos tatlong taon din kitang hindi na kita tapos ang laki na ng pinagbago mo. Tumangkad ka tapos lumaki pa yung pangangatawan mo. Kaya natural lang na mapatitig ako sayo" binaba ko ang gamit ko sa may upuan at saka naupo.
"Hindi lang yun ang lumaki sa akin" bigla siyang ngumiti ng pilyo.
"Gago ka! Isusumbong kita sa kuya mo!" sabay bato ng maliit na unan sa mukha niya at bigla siyang tumawa.
"Grabe ang seryoso mo naman masyado" panay pa rin ang pagtawa niya habang naupo sa tabi ko.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito at papano ka nakapasok sa condo ko?" tanong ko.
"Actually, pinapunta ako ni Jethro sa condo niya para i-upgrade ang pc niya at may pinapa-install siyang app sa kaniyang laptop. Pinapaayos na rin niya sa akin ang connection ng kaniyang internet para bumilis" nakangiting sagot niya. Nakakapanibago lang talaga dahil ngayon ay napapalabas na ng mansion este ng bahay si James. Dati halos sa loob lang ng bahay ito at tanging pag-aupload ng mga game contents and reviews sa youtube ang kaniyang inaatupag. Pero ngayon siya ay isa ng..
"Nagtatrabaho kana sa PLDT?" tanong ko.
"Hindi" natatawa niyang sagot.
"Smart, Globe?" dugtong ko.
"Hindi rin, haha. Isa akong IT Manager sa isang IT company dito lang malapit sa Taguig" tugon niya.
"Wow, sa loob ng 3 years naging manager ka na agad?" hindi ko mapigilang mapahanga sa narating niya.
"Ganun daw ako kagaling eh" pagmamayabang pa niya. Tumayo ako para kumuha ng juice at cake sa ref. Sumunod naman siya sa akin at naupo sa mesa.
"Eh bakit hindi na lang kumuha si Jethro ng technician para gawin yung mga pinapagawa niya? Isa ka ng IT Manager tapos ikaw pa mag-iinstall ng mga yun para sa kuya mo" sabi ko habang hinihiwa ang cake. Inabot ko kaagad sa kaniya nang matapos kong hiwain ito at ilagay sa platito.
"Syempre willing naman magbayad si Jethro ng P175,000 para sa fee ko. Kaya ayos din naman sa akin." Sagot niya sabay subo ng cake.
"Ang OA sa P175,000 ahh.. wala bang pang kapatid na fee? Like free na dinner o kung ano man" sabay abot ng juice sa kaniya. Naupo na rin ako para kumain.
"Syempre wala. Business is business. Saka ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Jethro na gumalaw ng pc at laptop niya na naglalaman ng mga confidential files. Kaya hindi siya naghahire ng kung sino-sino lang na technician para sa mga gamit niya." Sabi niya habang ngumunguya ng cake.
"Eh yung tungkol sa laptop niya, gaano na katagal yun?" hindi ko mapigilang itanong.
"Anong tungkol sa laptop niya?" tanong niya.
"Yung picture naming dalawa sa laptop niya" dugtong ko.
"Simula noong umalis ka ah ay madalas ko na lang nakikita ang picture nyo sa laptop niya o kaya sa desktop niya. Lagi nga akong nakokonsensya sa tuwing nakikita ko siyang malungkot" biglang naging seryoso ang mood ng usapan.
"Sorry, alam kong ikaw ang nasisi dahil sa pagtulong mo sakin sa pagtakas ko sa mansion. Pero malaki rin ang pasasalamat ko sayo dahil sa pagtulong mo ay nahanap ko ang totoong ako. Natuto akong maging mas matatag di gaya ng dati na napakaiyakin ko. Salamat sayo" ngumiti naman siya nang marinig ang pasasalamat ko.
"Wait hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Pano ka nga ulit nakapasok sa condo ko?" tanong ko.
"Ahh yung pinsan mo pinapasok ako dito. Sinabi rin kasi sa akin ni Jethro na same floor lang kayo nag-iistay na hindi naman masyadong obvious na sinadya niya yun." pareho kaming natawa sa sinabi niya.
"Eh asan na si Lance? Lokong bata yun ah. Iniwan ka lang mag-isa dito at hindi ka man lang inalok ng makakain o maiinom." Tumingin ako sa phone ko. Malapit na mag-alasais.
"Actually nagkasalisihan lang kayo. Papaalis na sana siya nang dumating ako pero pinapasok niya ako sa loob nang sabihin kong kapatid ako ni Jethro. Mukhang nagmamadali siya kaya nagpaalam na aalis lang daw saglit." Tugon niya.
"Andiyan na ba si Jethro?" tanong niya nang maubos niya ang iniinom na juice.
"Oo, sabay kaming umuwi" malumanay kong sagot.
"Oh sige, pupunta na ako dun. Salamat pala sa cake and juice" kinuha niya ang kaniyang bag sa couch at kumindat sa akin bilang pamamaalam.
Nang makaalis si James ay nagtungo ako kaagad sa aking kwarto para magbihis. Mabilis akong nagpalit ng pambahay na damit. Pagkatapos ay nagsalang ako ng sinaing, dinagdagan ko ang sinaing ko para magkasiya sa aming apat. Mukhang matatagalan pa si James sa unit ni Jethro kaya mabuti nang magluto ako para sa amin. Tiningnan ko ang laman ng ref kong ano ang pwede kong lutuin. Buti na lang at may isang kilo pa ng manok at pwede ko pa tong gawing adobo. Habang naghihiwa ng manok ay biglang dumating si Lance.
"San ka naman galing?" yung tono ng boses ko ay parang single mom na pagod na pagod sa pagtataguyod ng mag-isa sa kaniyang mga anak.
"Sinamahan ko lang po si Gunter sa may sakayan dahil marami syang dalang gamit, Nay!" sagot niya at napaupo sa couch na pawisan.
"Loko ka, nay talaga?" inis kong sabi.
"Eh kong magsalita ka po kasi para kang matandang ina" natatawa niya sabi.
"Ah ganun, baka gusto mong sungalngalin kita ng manok?" sabay dampot ng paa ng manok.
"Sige po, kapag luto na" pang-aasar pa niya. Dedma na lang at pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paghiwa ng manok at iba pang sangkap para sa adobo.
Nang maluto ang sinaing ay kaagad kong sinimulan ang pagluto ng adobo marahil ay nagugutom na ngayon si Jethro dahil kaunti lang ang nakain niya kanina dahil sunod-sunod ang meeting nya. At dahil siguro sa stress ay nawalan siya ng gana. Kaya dapat lang na sarapan ko ang pagluluto nito para maparami ang pagkain niya. Ito lang talaga yung ulam na masasabi kong kayang kaya kong lutuin at masarap ang timpla. Ilang buwan ko ring pinag-aralan to sa mansion nila Lance. Pero pagdating sa pagluluto ng ulam ay mas magaling parin sa akin si Lance. Alam ko namang hindi to sing sarap ng luto ni Josh pero punong puno naman ito ng pagmamahal. Charot, as if naman nakakain ang pagmamahal. Wag nga ako!
Nang matapos ang pagluluto ko ay kaagad akong naghanda ng pagkain para kina Jethro at James. Bitbit ang tray na naglalaman ng mga pagkain ay nagtungo ako sa unit ni Jethro. Dahil parehong may hawak ang aking mga kamay ay sinipa ko ng mahina ang pinto ni Jethro bilang pagkatok sa pinto nito. Hindi rin nagtagal at pinagbuksan ako ni Jethro. Ngumiti ako nang makita ko siya at ganun din naman siya sa akin. Alam kong pagod lang siya kanina kaya medyo may pagkamoody. Kinuha niya ang pagkain sa akin at siya na mismo ang nagbitbit patungo sa mesa.
"Sakto, muntikan ng tumawag sa fast food si Jethro kanina" sambit ni James na may hawak na cable wires.
"Wala ka namang aasahan sa akin pagdating sa pagluluto" dagdag ni Jethro.
"Kelan ka pa natutong magluto Eisen?" tanong ni James nang maupo siya sa mesa.
"Simula nang umalis ako sa mansion. Noong nasa mansion ako nila Lance, inaral ko ang pagluluto dahil gustong maging kapaki-pakinabang" sagot ko. Nagsabi ako kay Lance na sabay na kami kakain pero pinilit ako ni James na sumabay sa kanila kaya naman nagsandok na rin ako ng para sa akin.
"Syempre nag-aral siyang magluto dahil alam niyang hindi marunong magluto ang mapapangasawa niya" biglang sabi ni Jethro. Halos mabulunan ako sa sinabi niya kaya napakuha ako ng baso na may lamang tubig at ininom kaagad yun. Syempre, oo kinilig ako pero wag naman biglaan. Henebe.
"Ahem, pwede bang mamaya na kayo maglandian kapag tapos kumain?" tanong ni James.
"Pwede ka namang umalis kung ayaw mong marinig" sagot ni Jethro.
"How rude" dugtong ni James at hindi ko mapigilang matawa dahil namiss ko ang mga bangayan ng magkakapatid. Sana isang araw makasama ko silang lahat muli na kumain sa isang table at magkukwentuhan sa mga bagay bagay na pinagdaanan namin sa nakalipas na taon.
Nang matapos silang kumain ay ako naman ang nagligpit ng pinagkainan. Tinuloy naman ni James ang kaniyang ginagawa habang nakikipag-usap si Jethro sa kaniyang kaibigan. Mukhang matatagalan ang gagawin ni James kaya bumalik muna ako sa aming unit para hugasan ang mga pinagkainan namin. Naabutan ko na lang na nakatulog na si Lance sa couch habang nasa ibabaw ng kaniyang dibdib ang kaniyang cellphone. Hindi man lang nagawang magtshirt ng lokong to. Ang lamig pa naman ng airccon. Kumuha ako ng kumot sa kaniyang kwarto at binalot sa kaniyang katawan. Alam kong kailangan niya ng tuloy-tuloy na tulog dahil sa pagod niya sa school at pati na rin sa part-time job niya.
Nang matapos kong gawin ang lahat na kailangan kong gawin ay nagtimpla naman ako ng kape para sa kanilang dalawa dahil alam kong magpupuyat ang mga yun. Gaya kanina ay marahan kong sinipa ang pinto para kumatok sa pinto ni Jethro. Mukhang nakatambay lagi sa pinto si Jethro at ang bilis niya lagi akong napagbubuksan ng pinto. Gaya rin kanina ay kinuha niya ang tray sa akin na may lamang kape.
"Ang sipag naman ng misis ko" nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. Pinalo ko naman siya ng marahan sa braso. Eh sa kinilig ako, bakit ba?
Kaagad ininom ni James ang dala kong kape habang si Jethro naman ay nagbabasa ng libro. Tinawag niya ako para lumapit sa kaniya at kaagad niya akong niyakap nang makalapit ako sa kaniya. Buti na lang at sanay na ako sa ugali ng lokong to. Bigla kang susungitan tapos maya-maya lang ay malambing pa sa kambing, ay kikay! Pero seryoso alam kong pagod na pagod siya ngayon kaya kailangan kong intindihin ang pagiging moody niya. Kung wala lang siguro dito si James malamang nagahasa na naman ako dito sa couch niya.
"Matulog kana!" bulong sa akin ni Jethro.
"Okay lang ako, ikaw nga ang dapat matulog dahil alam kong pagod na pagod ka kanina pa" sabay hawak sa pisngi niya.
"Mukhang matatagalan pa si James, umidlip ka muna gigisingin na lang kita" pagkasibi ni Jethro ay bigla na lang akong nakaramdam ng antok habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Can't live without you (BL)
Romance*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...