Bas as Eisen
Eisen's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Jethro. Siguro nga masyadong napapalakas ang pakikinig ko sa mga kanta ni Sarah G. sa Spotify kaya nabibingi na ako. Tama nga ba ang pakakadinig ko? Gusto niya akong maging secretary niya dahil gusto niya ako? Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha kong nagsasabi nga ba siya ng totoo. Parang gusto kong maiyak sa tuwa na hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko ngayon. Marahil nagbalik na ang kanyang alaala kaya nasasabi niya ang mga ito.
"Pa-papano si Celestine, di ba sabi mo nagdidate kayo?" kabado kong tanong.
"Yes, we are.." biglang bumitaw ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa akin.
"What I mean is gusto kita as my secretary dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa kompanya" sabi niya. Parang sinampal ako ni Cardi B. sa mukha nang marinig ko yun. Oo nga naman bakit ba hanggang ngayon asang-asa pa rin ako?
"Ohh I see, sige salamat sa paghatid" bumaba na agad ako ng sasakyan.
"Wait" sabi niya. Pero sinara ko na agad ang pinto ng sasakyan. Ayoko nang makarinig ng kung ano pa man mula sa kanya kasi baka umasa na naman ako sa isang bagay na malanbo namang mangyari.
Buti na lang at hindi na niya ako sinundan pa. Buti na lang at umaayon ang panahon sa nararamdaman ko. Derederecho lang ang elevator simula nang sumakay ako. Kasabay nang pagbukas ko ng pinto ay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Hanggang kalian pa ba kita iiyakan?
"Kuya nabili ko na yung nirequest mo kanina. Alam mo bang andami naming nakainan do-" natigil sa pagkukwento si Lance nang makita niya akong umiiyak.
"Bakit ka umiiyak? Sinong gago nagpaiyak sayo?" tanong niya.
Hindi ko magawang sagutin ang kanyang tanong kaya niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Yakap ang kailangan ko ngayon. Buti na lang at nandito si Lance para ibigay sa akin yun. Ayokong lamunin ako ng kalungkutan. Sa pagkakataong to ay kinakailangan ko ng yakap para maramdamang buhay pa rin ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko.
Pagkatapos kong huminahon ay hindi na rin pa ako kinulit ni Lance kung ano nga ba ang dahilan ng pag-iyak ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagso-sorry sa akin. Pinili ko na lang mag-stay sa kwarto ko at ipagpatuloy ang pagdadrama. Alam mo yung nagseself-pity ka na parang bang ampon ka lang, pinagkait sayo ang magandang kapalaran, di ka mahal ng nanay mo feels? Ganun ako ka OA ngayon. Kasi gusto kong iiyak lahat lahat ng nararamdaman ko sa mga nakalipas na taon. Gusto ko bukas wala na akong luhang iiyak pa. Gusto ko bukas ay makakaya ko na siyang harapin bilang bagong ako dahil parang ako na lang itong hindi nagbabago.
BINABASA MO ANG
Can't live without you (BL)
Romance*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...