Bas as Eisen
Eisen's POV
Ambilis ng panahon at buwan na naman ang lumipas. Sino ba naman ang mag-aakalang muling magtatagpo ang landas namin ni Jethro. Dati ay nakikitira pa ako sa mansion nila sa Batangas noong nabubuhay pa si mama. Ngayon ay nagtatrabaho na ako sa kaniya bilang kaniyang secretary na minsan nagiging alila sa dami ng pinapagawa niya. Minsan nagiging sex slave pa dahil kahit nasa office kami ay ayaw magtigil at gustong makaraos buti na lang hindi pa kami nahuhuli ng ibang tao. Minsan nga biniro ko siya na taasan ang sweldo ko dahil hindi na pang secretary ang trabaho ko. Pumayag naman siya basta daw araw-araw naming gagawin sa opisina. Napakasiraulo talaga, buti sana kung hindi nakakapanghina eh. Minsan lalabas ako ng opisina niya na akala mo galing ukay-ukay yung polo ko sa dami ng gusot, tapos yung ibang butones nawawala.
Tama nga si Catherine, hindi madaling ma-tame ang isang kagaya ni Jethro. Nagtataka nga ang mga tao kung papano ko daw napapakisamahan si Jethro dahil medyo masungit daw at mainitin ang ulo pagdating sa trabaho. Totoo naman na medyo mainit-init yung ulo niya at ramdam ko naman yun sa tuwing ipapasubo niya sa akin. Biro lang! Ewan ko ba dati lagi kaming nag-aaway sa tuwing nagsusungit siya sa akin pero ngayon ay hindi niya ako magawang sungitan. Pagnaiinis sakin yan ay mananahimik lang siya tapos magugulat na lang ako bigla na lang nyang sasakmalin yung dibdib ko o kaya yung leeg ko. Sheket keye. Pero mabuting tao naman talaga siya paglubusan mong nakilala. Masyado lang siyang seryoso pagdating sa trabaho dahil nandun yung passion niya eh.
Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw na medyo stress siya sa trabaho dahil sa mga sunod-sunod na meetings kasama ang mga board of directors. Kahit na ayokong magkita si Jethro at si Celestine ay wala akong magagawa dahil kasama siya sa mga board of directors sa kompanya ni Jethro. Business is business, hindi talaga maiiwasan diyan ang stress. Kaya naman nang makahanap ako ng maluwag na schedule ni Jethro ay nagplano akong mag out of town muna kami. Syempre hindi niya ako matanggihan dahil ako lang naman ang nag-iisang Eisen Fuentes na kinahuhumalingan ni Jethro. Nagustuhan din naman niya ang idea na magtravel kami pa north. Ang suggestion ko nga eh na isama si manong driver para may sarili kaming driver habang nasa byahe. 7-9 hours kasi ang byahe pa ilocos kaya alam kong mapapagod ng husto si Jethro. Pero nagpumilit siya na kaming dalawa lang daw ang magkasama sa byahe. So ayun magkasama kami ngayon sa kaniyang kotse habang binabaybay ang daan patungong norte.
"Pwede ka naman matulog hon kaya ko pa naman magdrive" sabay hawak niya sa aking kaliwang kamay.
"Syempre dadamayan kita para hindi ka antukin" sabay higop ng coffee jelly na nabili namin isang oras mahigit na ang nakalipas sa starbucks. Inabot ko naman sa bibig niya ang straw para makahigop siya sa Iced coffee niya. Hindi niya magawang maubos ito dahil siya ang nagmamaneho.
"Bakit ayaw mo pa kasi isama si manong edi sana natutulog na lang tayo sa backseat ngayon" sabay tingin sa aking cellphone. 3 oras na pala kaming bumibyahe. Hindi ko rin naman maenjoy ang view sa labas dahil gabi kami umalis para hindi matraffic at saka nabasa ko sa mga DIY travel groups na maganda daw ang sunrise sa Quirino Bridge kaya yun ang una naming pupuntahan.
"Mas okay na yung ganito para anytime hindi ka mahihiyang i-kiss si junjun" bigla niyang sabi at nahampas ko siya sa braso.
"Puro kabastusan na lang yang nasa bibig mo" sabi ko at siya nama'y napahawak sa braso niya kung saan ko siya napalo.
"At ikaw puro pananakit na lang ginagawa mo sakin" sagot naman niya.
"Edi gumanti ka" dugtong ko.
"Syempre hindi ko naman magagawa sayo yun" mahinahon niyang sagot at natahimik na lang ako. Ang buong akala ko ay hindi talaga siya gaganti pero bigla na lang niya hininto ang sasakyan sa may tabi ng daan.
"Ohh bakit tayo huminto? Naiihi ka ba?" tanong ko nang magtanggal siya ng seat belt. Lumapit siya sa akin at bigla niya ako kinagat sa leeg. Sa pagkabila ko ay nasabunutan ko siya pero hindi man lang siya huminto.
Ang marahas na pagkagat niya ay unti-unting nagiging marahan hanggang sa nararamdaman ko na ang pagdila niya sa aking leeg. Napapaungol ako sa bawat paglakbay ng kaniyang dila at paghalik sa aking leeg patungo sa aking panga. Lalo akong nag-init ng laruin niya ang aking mga utong hanggang sa lumapat ang kaniyang mga labi sa akin. Sarap na sarap ako sa pagnamnam ng kaniyang mga halik halos ayoko nang bumitaw pero bigla na lang siyang nagsuot ng seat belt ulit.
"Yun na yun?" tanong ko sa kaniya.
"Sorry hon, may sunrise pa tayong hahabulin" saka siya ngumuti na nang-aasar. Inis na inis ako sa kaniya. Hindi ko na siya pinansin habang nagmamaneho siya. Pagkatapos niya akong pag-initin bigla-bigla niya lang akong bibitinin. Sa inis ko ay tinulugan ko na lang siya.
Naging masarap ang pagtulog ko at hindi ko namalayan ang oras. Maya-maya ay nagising ako sa paghaplos ni Jethro sa aking mukha.
"Gising na, andito na tayo" ang sarap gumising kapag ganito kagwapo ang unang babati sayo. Napakalaki ng boses niya pero ang tamis-tamis ng mga ngiti niya sa akin. Ngingiti na sana ako bilang tugon pero naalala ko ang pagbitin niya sa akin kanina kaya naman inirapan ko lang siya. Kaya naman pala ang sarap ng tulog ko ay bahagyang nakahiga na pala ang aking upuan.
"Grabe naman galit ka pa din sakin?" tanong niya na medyo natatawa pero hindi ko siya pinansin at bumaba na ako ng kotse.
Hindi ko alam kung gaano kabilis ang pagpapatakbo kanina ni Jethro dahil bago ako matulog ang estimated time na arrival namin dito sa Quirino Bridge ay 6:45 am ayun kay Waze pero 5: 57am pa lang ay nandito na kami. Naglakad ako patungo sa bridge habang pinagmamasdan ang sunrise. Grabe, totoo nga ang sabi nila na magandang masilayan ang sunrise dito. Napakaganda tingnan ng ilog habang tinatamaan siya ng sinag ng araw. Dali-dali kong nilabas ang cellphone ko at saka kumuha ng picture. Palipat-lipat din ako ng pwesto para makakuha ng magandang shots dahil medyo dumadami na rin ang mga tao dito. Hindi ko rin napigilang kumuha ng selfie kahit na medyo against the light ay kumuha pa rin ako. Habang kumukuha ako ng selfie ay bigla na lang may umakbay sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Ano ba Jethro? May mga tao dito ohh" sabi ko sabay punas sa pisngi. Ewan ko ba bakit ang init-init pa rin ng ulo ko sa kaniya.
"Eh ano naman? Hinahalikan ko lang naman ang asawa ko ahh" niyakap niya ako mula sa likod.
"Kahit di pa naman" naiinis kong sagot.
"Kung pumayag ka lang sa proposal ko noong nasa Bali tayo edi sana totoong totoo na" dugtong niya. Hayy naririnig ko na naman si Sarag G. na nagsasabing "Heto na naman tayo, parang kelan lang nang huli".
Dahil hindi na ako nagsalita ay inutusan na lang nya akong kumuha ng pictures namin habang nakayakap siya sa akin. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang tao dahil sa ginagawa niyang paglambing sa akin. Lahat ng pictures namin ay nakapoker face lang ako dahil pinipigilan kong ngumiti habang siya ay napakagwapo niya sa bawat kuha naming dalawa. Maya-maya pa ay may lumapit sa amin na isang babae.
"Hi I'm Rin. If you don't mind, pwede ko kayong kunan ng picture" masaya niyang bati. Tatanggi sana ako pero biglang inabot ni Jethro ang phone niya sa babaeng kumausap samin.
"Thank you Rin. By the way I'm Jethro and this is my wife, Eisen" casual na sabi ni Jethro na ikinahiya ko. Hindi ko inaasahang sasabihin niya sa harap ng ibang tao. Napatakip ng bibig ang babae ang akala ko pa nga ay pinagtatawana niya kami hanggang sa marinig ko ang mahihina niyang pagtili.
"OMG, Love wins" sabi niya sabay thumbs-up samin. Hindi ko inaasahang babaeng bakla pala to si Rin. Napangiti naman ako nang sabihin niya yun. Umatras siya at sumenyas samin na magpose na para sa picture. Humigpit naman ang pagkakayakap sakin ni Jethro habang nakapatong ang kaniyang baba sa ibabaw ng aking ulo. Hindi ko sigurado kong maganda ang kuha namin kasi halos malaglag ang cellphone ni Jethro sa panginginig ng kamay ni ate. Kilig na kilig siya. Mas lalo tuloy akong nahihiya sa pinaggagawa namin dito. Sumenyas siyang muli na magpalit naman kami ng pose. Ngayon naman ay nakaakbay sa akin si Jethro habang nakatingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at sa camera ako tumingin pero sumenyas si Rin na kay Jethro daw ako tumingin. Yes Direk. Nginingitian ako ni Jehtro habang kinukuhaan kami ng picture. Para akong matutunaw sa hiya at kilig. Kahit anong pagpipigil ko ay bumigay din ako at napangiti ako sa kaniya.
"Nice one!" sigaw ni Rin. Maya-maya pa ay lumapit siya sa amin.
"Pwede ba akong kumuha ng pictures kasama kayong dalawa?" tanong niya.
"Sure!" mabilis na sagot ni Jethro. Pagkasagot ni Jethro ay pumuwesto agad siya sa gitna at saka kumuha ng pictures.
Nang matapos ay nagpaalam samin si Rin. Nagpasalamat naman kami sa kaniya dahil ang gaganda ng mga kuha niya sa amin. Hindi ko inaasahang isa pala siyang professional photographer nang ipakita niya sa amin ang i.d. niya. Nang makaramdam kami ng gutom ay kaagad kaming bumalik ni Jethro sa sasakyan para bumiyahe patungo sa isang sikat na kainan sa Vigan. Halos isang oras din ang inabot hanggang sa makarating kami sa Hidden Garden restaurant. Gutom na gutom na talaga ako. Pagpasok mo sa loob ay bubungad sayo ang maraming picture frames na naglalaman ng mga iba't ibang sikat na artista na nakapunta sa restaurant na to. Hila-hila ako ni Jethro habang papasok kami sa loob. Para akong bata na hinihila ng kaniyang daddy. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko na tinatawag kong Daddy si Jethro dati. Naupo kami sa may bakanteng table at tumingin sa menu.
"Gusto mo ba ng poqui-poqui?" ngumiti siya na nang-aasar sakin. Hindi ako sumagot at inirapan ko lang siya dahil wala na akong energy makipagtalo sa kaniya.
"Ahh ayaw mo nga pala sa poqui-poqui. Mukhang mas magugustuhan mo yung Vigan looonganisaaa. Pero mas masarap yung longanisa ko, gawang batangas to" sabay ngiti nang nakakaloko.
"Alam mo napakabastos mo, kakain na lang tayo lahat-lahat kung ano-ano pa ang pinagsasabi mo" sabay kurot ko sa tagiliran niya. Napahawak siya sa tagiliran niya sa sakit ng pagkurot ko sa kaniya.
Tumayo siya sa table na nakanguso habang hawak-hawak ang tagiliran niya. Para siyang bata na kinurot sa tagiliran dahil sa sobrang kakulitan. Sa tagal naming magkasama ay alam na alam na niya ang gusto kong kainin tuwing breakfast. Matapos niyang makaorder ay bitbit niya ang dalawang plato na naglalaman ng boneless bangos. Bumalik pa siya para kumuha ng dalawang baso ng kape at kutsara tinidor. Kung sa kompanya niya ay siya ang pinagsisilbihan ko pero ngayon ay ako ang pinagsisilbihan niya. Ang sarap sa pakiramdam.
Sandali lang kami nagpahinga at kaagad kaming nagtungo sa susunod naming pupuntahan yun ay ang Paoay Church. Malaking tulong samin ang Waze kaya nararating namin ang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. Nakabase lang kami sa itinerary na nakuha ko sa isang DIY-Travel group sa facebook. Oras din ang inabot bago namin marating ito. Pumasok kami sa loob para magdasal. Pansin ko lang na medyo maingay ang sahig pagnaglalakad ka. Para bang tumatakbo ka sa loob ng basketball ring habang naglalakad sa loob. Nang marating namin ang pinakaharap ay saka kami lumuhod para magdasal. Pagkatapos ay kumuha kami ng ilang pictures at saka kumain sa mga kainan sa labas dahil tanghaling tapat na rin.
"Anong pinagdasal mo kanina?" bigla niyang tanong habang kinakain ko ang aking halo-halo. Kakatapos ko lang kumain ng kanin pero heto naghalo-halo kaagad ako.
"Secret, baka hindi matupad" sagot ko sa kaniya.
"Ako, pinagdasal ko na sana hindi kana magpakipot kapag nagpropose ako sayo at matuloy na yung kasal natin" seryoso niyang sabi.
"Bakit mo sinabi? Baka hindi yan magkatotoo" sagot ko.
"Hindi ako naniniwala dun. Alam ko namang tayo at tayo parin sa huli" pagdepensa niya.
"Ewan ko sayo" yumuko ako at kumain ng halo-halo.
"Ayun ohh, kinikilig siya" pang-aasar niya sa akin.
"Tumigil ka nga!" inis kong sabi pero deep-inside ay natutuwa talaga akong marinig yun.
Nang matapos namin ang aming kinakain ay sinunod naming puntahan ang sand dunes. Hindi ako masyadong mahilig sa mga activities na ginagawa na may matinding sikat ng araw dahil para akong kandila na tinutunaw kapag naiinitan. Dahil minsan lang naman namin gagawin ito ay pumayag nadin ako. Bago pa kami lumabas ng sasakyan ay halos ipaligo ko na ang sunblock sa katawan ko at saka ako nagsuot ng balabal. Dahil nakalimutan kong magdala ng shades pinagamit sa akin ni Jethro ang dala niyang shades. Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko ang sarili ko sa salamin, para akong Ninja na may shades sa suot ko. Takot na takot akong umitim. Nang matapos ang matagal na seremonyas ay agad kaming sumakay sa 4x4 na nirent namin ni Jethro. Grabe yung experience sa 4x4 para akong binugbog ng limang lalaki. Sakit ng katawan ko kaya naman yumakap ako kay Jethro para hindi ako tumama sa mga bakal. Pagkarating namin sa spot ay para kaming mga bata na naglalaro sa buhanginan. Angat na angat ang lahing Chinese ni Jethro dahil sa lalong pinasingkit niyang mga mata dahil sa sikat ng araw. Siya tuloy nagdurusa dahil sakin.
Grabe yung pagod ko sa sand dunes. Gusto ko na sana magpahinga pero may isa pa kaming pinuntahan yun ay ang Kapurpurawan Rock formation. Literal na mabato dito at ramdam na ramdam mo ang nature dahil maamoy mo sa paligid ang mga nagkalat na tae ng kambing at kabayo. Para talaga akong bata na ayaw mawala sa paningin ni Jethro. Kung hindi paghawak sa kamay ay nakaakbay siya sa akin kapag maglalakad kami. Aliw na aliw akong makipagsigawan sa mga kambing ng "Meheee" at si Jethro naman ay tinatawanan ako. Para daw akong bata. Dumiretso kami sa may rock formation. Naging abala si Jethro sa pagkuha ng picture ng dagat habang ako naman ay nagsusulat sa bato.
"Jethro X Eisen" rinig kong pagbasa ni Jethro.
"Masyado na kasing common yung heart at love kaya X na lang nilagay ko" pagpapaliwanag ko.
"Ang ibig sabihin talaga niyan ay Jethro fucks Eisen" sabi niya at kinuhaan niya to picture.
"Hanggang dito ba naman?" inis kong tanong sa kaniya.
"Don't worry hon babawi ako mamaya pagkarating natin sa hotel" sabay halik niya sa ulo ko.
Ewan ko ba at parang bigla akong nakaramdam ng excitement. Kaya naman nang matapos kaming kumuha ng mga pictures dito ay kaagad kaming bumalik sa kaniyang kotse. Kailangan ko na rin palang magshower dahil ramdam ko na ang panlalagkit ng katawan ko. Gabi na kaming nakarating sa hotel kung saan nagpabook ng reservation si Jethro. Pagkarating sa room ay kaagad kaming nagpahinga ng kaunti bago magshower. Pinauna ko na si Jethro magshower dahil alam kong pagod na siya kakamaneho ng saksakyan. Hindi muna kami nagsabay dahil inaasikaso ko pa ang mga gamit namin. Nang matapos matapos siyang maligo ay kaagad siyang sumampa sa ibabaw ko. Habang ako ay nagfifacebook.
"Game" nakangisi nyang sabi.
"Wait tingnan mo to" pinakita ko sa kaniya ang isang post ng babae sa facebook.
"Hayaan mo silang mainggit" sinubsob niya ang mukha niya sa aking dibdib at wala man lang pake sa pinakita ko.
Yung babae kanina na kumuha ng picture namin ay nagpost sa facebook tungkol samin ni Jethro. Na mayhashtag pa na lovewins. Sari-saring reaction ang mababasa mo sa mga comments section may mga naiinggit, may mga bitter, may mga banal-banalan. Nakakaloka.
"Wait, antayin mo ako. Magshashower lang ako saglit" sabi ko sa kaniya at siya naman ay humigang nakadapa sa kama.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko dahil ayoko namang pag-antayin si Jethro. Kanina pa ako nananabik na may mangyari sa amin. Ewan ko ba at grabe ang libog ko ngayon. Kailangan ko na sigurong magpills. Pagkatapos kong magbanlaw ay kaagad akong nagpunas at pinatuyo ang buhok. Tanging bathrobe lang ang suot ko paglabas ng banyo at ready na ako sa bakbakan. Paglapit ko sa kama ay naabutan kong tulog si Jethro. Kukurutin ko sana ang tagiliran niya pero bigla kong narinig ang paghilik niya. Bihira lang humilik si Jethro at alam niyang ayokong may katabi na humihilik. Humihilik lang yan kapag grabe ang pagod na dinanas niya. Napaisip ako bigla simula kagabi pa pala siya nagdadrive pero hindi man lang niya pinapakita sa akin na napapagod na siya. Wala pa akong ginawa kundi ang sungitan siya. Napakamanhid mo Eisen!
Bago matulog ay pinatungan ko siya ng dalawang kumot baka sipunin naman siya dahil hubo't hubad siyang natutulog sa ibabaw ng kama. Awang awa ako sa kalagayan niya. Gusto ko sanang masahiin ang katawan niya pero baka magising ko lang siya. Kaya naman pumasok na rin ako sa loob ng kumot at saka niyakap ang hubad niyang katawan bago matulog. Oo, mahirap labanan ang tukso pero kailangan kung gusto ko pang magtagal ang buhay ni Jethro ay dapat makapagpahinga siya ng husto.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagtungo sa receptionist ng hotel para umorder ng breakfast namin ni Jethro. By 7am ay dapat kumakain na kami at by 8 am ay nakaalis na kami ng hotel. Buti naman at sakto ang oras ng pagkakaluto ng breakfast namin kaya nagbreakfast in bed na lang kami. Mukhang narecharge na naman ang loko. Nakatulog ba naman ng 10 hours kaya ngayon ay ganado naman sa pang-aasar sakin ng mga kung ano-anong kabastusan. Sabay na rin kaming nagshower dahil may oras din kaming sinusunod sa itinerary. Hanggang make-out at hawak-hawak lang ang ginawa namin sa shower. Kailangan naming magpigil dahil hindi pwedeng mapagod ng husto si Jethro kaagad dahil marami pa kaming pupuntahan ngayon.
Una naming dinaanan ay ang Patapat Viaduct sa Pagudpud. Madadaanan kasi to papuntang Pagudpud beach kaya ito ang inuna namin. Maganda yung tanawin dito pero hindi mo masyadong maeenjoy ang pagkuha ng picture dahil sa mga dumadaang sasakyan at truck. Sinunod namin ang Bantay Abot Cave. Sakto ang pagpunta namin dahil hindi masyadong matao ang lugar na to kaya naman nasulit namin ang pagkuha ng picture. Pagpasok namin sa may cave ay may magkasintahan dun na nagpapakuha ng picture sa isang bata. Ang galing kumuha ng bata ng pictures. Gumagamit pa siya ng panorama para magmukhang buhat-buhat mo ang cave. At may patrivia pa si bagets na kapag daw nagpapicture ang magsyota sa gitna ng cave ay magkakatuluyan sila hanggang sa huli. Eh nagpauto naman ang dalawa edi nagsawa sila kakapapicture sa bata. Pagkatapos nilang dalawa mag abot ng pera sa bata ay hinila ako ni Jethro para magpapicture din.
"Seryoso, naniniwala ka dun?" natatawa kong sabi.
"Wag kana maarte, tara na!" sabi niya at sumunod naman ako. Kinausap niya ang bata at saka kami pumuwesto sa gitna ng cave. Ang utos ng bata ay itaas daw namin ang mga kamay namin para kunwari binubuhat namin ang bato pero ayaw ni Jethro ang gusto niya ay mga posing na pang couple. Akbay dito, yakap diyan at sa huling shot ay hinalikan niya ako sa pisnge.
"Ayy magshota" di mapigilang sabihin ng bata.
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong matawa sa reaksyon niya at itong si Jethro ay tiningnan agad ang kuha naming dalawa. Inabutan ko ng pera ang bata at ewan ko ba natatawa pa rin siya sa aming dalawa. Yung tingin niya ba parang inaasar kami. Yung feeling na nasa loob kayo ng classroom ng grade school tapos tutuksuhin kayo ng mga kaklase nyo dahil magkatabi kayo. Ganun na ganun ang tingin niya sa akin. Buti na lang sinabi niya "Ayy magshota" at hindi yung "Ayy bakla!" kundi napektusan ko to.
Sunod naming pinuntahan ay ang magandang beach sa Pagudpud. Ang lapit lang nito sa cave halos 10 minutes lang ay nandun na kayo sa area. Nakapagbook kami ng room ni Jethro sa may Hannah's resort. Okay naman siya maliban sa mga iba't ibang statue na pang attract sa mga bata na hindi ko masyadong nagustuhan. Merong pool ito kung hindi mo gustong maligo sa dagat. Pagkatapos naming magpalit ng damit na pangswimming ay kaagad kaming nagtungo sa beach. Nanatili muna ako sa may lilim na bahagi ng puno dahil kakalagay ko pa lang ng sunblock. Kanina pa ako inaaya ni Jethro pero nanatili muna ako sa gilid para enjoyin ang view. Muli kong narealize kung gaano ako kaswerte na magkaroon ng boyfriend na kagaya ni Jethro. Lahat ng makakakita sa kaniyang abs na at chest na nangingitab sa pawis habang nagpupush-up sa buhanginan. Oo, nagpush-up at sit-ups at kung ano ano pang pinaggagawa niya dun dahil bihira daw siya makapag gym nitong mga nakaraang buwan. At dahil hindi pa naman daw ako maliligo ay yun muna ang ginawa niya.
Maya-maya pa ay bigla na lang may mga lumapit sa kaniya na grupo ng mga babae. Bat ba kasi dito pa siya naggaganyan yan tuloy pinuputakte siya ng mga haliparot na babae. Lalapit na sana ako para sugurin sila pero biglang nagsi-alisan ang mga grupo ng babae. Pero dumerecho na ako kay Jethro para makasiguro na walang lalapit sa kaniya.
"Anong sadya ng mga babaeng yun?" tanong ko kay Jethro.
"Ahh wala, tinatanong lang kung mag-isa lang daw ba ako" sagot niya at patuloy na nagsisit-ups habang nakasuot ng shades.
"At ang sagot mo?" tanong ko.
"Sabi ko kasama ko asawa ko, selosa yun at nanununtok ng mga babaeng lumalapit sa akin. Kaya ayun umalis sila kaagad" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hindi lang ako nanununtok ng babae pati lalaki din" pagbabanta ko sa kaniya.
"Sige nga" paghamon niya sa akin. Susuntukin ko sana siya sa braso pero nasalo niya ito. Tapos bigla niya akong hinila hanggang sa mapahiga ako sa buhanginan habang nasa ibabaw ko siya.
"Jethro magtigil ka maraming tao dito!" sabi ko sa kaniya habang pinagpapamasdan ang kaniyang mukha na pawisan. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis sa ibabaw ko.
Nagtungo kami sa may puno kung saan ako nakaupo para punasan ang pawis nya. Ako ang pinagpunas niya ng pawis para daw mainggit yung mga babaeng nakatingin sa amin. Pero yung totoo tinatamad lang yan kaya ako ang pinagpupunas niya. Nang makapagpahinga kami ay naligo kami kaagad. Ang lakas ng alon dito, nahahampas ako pabalik sa pampang. Para bang tinataboy ako pabalik at ayaw akong paliguin. Ito namang si Jethro masyadong pasikat at pumupunta pa sa malalim na parte. At ako naman panay ang sigaw na bumalik siya dahil natatakot ako baka malunod siya sa lakas ng alon. Kakasigaw ko ay nakakalunok na ako ng tubig-alat. Grabe manggang hilaw na lang ang kulang solve na ako.
Nang magsawa kami ay nagpalit na kami ng damit para masubukan namin ang zip-line. May takot ako sa heights pero masyadong mapanghamon tong boyfriend ko at gusto niya talagang gawin namin to ng sabay. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko para kay Jethro. Nang magsimula na ay halos mapaos ako kakasigaw. Pero nang marating namin ang kalagitnaan ay hindi ko mapigilang mapawow sa tanawin. Ang sarap sa pakiramdam na makapunta sa ganitong lugar kasama ang taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
Can't live without you (BL)
Romance*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...