*Living with my Step-Brothers Sequel*
Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho.
Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eisen’s POV
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata nang sabihing si Catherine ang nanalo sa aming paligsahan. Napatingin na lang ako kay Jethro habang hawak-hawak niya ang papel na binigay sa kaniya ni Catherine bilang kasunduan ng kanilang kasal. Tumingin muna siya sa akin at nag-aalangang pumirma. Pero dahil merong isang salita si Jethro kaya pinirmahan niya ito. Ako mismo ang sumira sa relasyon namin. Bakit ko ba hinayaang mangyari to? Papano nga ba niya ako natalo samantalang ginawa ko naman ang best ko.
Ilangoras bago matalo….
Nagsimula ang laban namin ni Catherine sa pamamagitan ng pag-flip ng bote. Ang lakas maka-minute to win it ang challenge. Syempre dahil isa sa paborito ko ang challenge na to kaya confident ako na may laban ako sa babaeng to. Naalala ko pa nga nong nag-audition kami ng kaklase ko sa abs-cbn para makasali sa minute to win it, ayun tatawagan na lang daw kami. Natapos na ang minute to win it, natapos na ang I can see your voice, nagsimula na ang world of dance pero wala pa ring tawag. Baka sa susunod na season tawagan na kami, malamang nanganak na yung classmate ko na balita ko ay buntis ngayon. Back to the game, mukhang malamya naman tong si Catherine kaya malakas ang loob ko na mananalo ako. Pagkasipol ng whistle ay kaniya-kaniya kaming hablot ng bote. Hindi ko halos mawari na matatalo ako ng isang magandang anak mayaman na maganada ang stado ng buhay at lahat na ng magagandang bagay ay pwede mong i-attach sa pagkatao niya. Ganun siya!
“1-0” sabi niya sakin sabay ngiti ng pa-sweet sarap sabunutan. Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong makakabawi pa ako sa mga susunod na rounds.
Bumunot ulit si Jethro sa mahiwagang fish bowl ni ate gurl. Ang susunod na challenge namin ay cooking battle. Bigla na lang nagsilabasan ang mga taong may dala ng portable cooking materials. Ang kaninang open-area ay nagmukhang kusina na. Inaantay ko ngang lumabas si Juday baka kasi siya ang mag host sa round na to. Pero laking gulat ko nang lumabas si Chef boy logro at siya daw ang magiging hurado sa round na to. Yung totoo pinaghandaan ba nila ng sobra ang laban na to? Pasok Manny!
Kinakabahan ako sa round na to, buti sana kong may skills ako kagaya ni Josh sa pagluluto edi easy lang sa akin ang round na to. Hindi rin ako sigurado kong may skills si Catherine sa pagluluto pero ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay confidently-beautiful with a heart pa rin siya, samantalang ako ay hindi mapakali sa kinakatayuan ko. Lumingon ako kay Jethro at ngumiti siya sa akin habang nagnata-thumbs-up siya. Nag-mouthing pa siya na “Kaya mo yan”. At dahil dun ay gumaan ang loob ko kahit papano.
Gamit ang mic ay nagsalita na si Chef. Binigyan niya kami ng challenge sa pagawa ng isang Filipino dish ata ng primary ingredient ay manok. Medyo napanatag ako dahil pang local lang talaga ang alam kong dish at syempre ang pamatay kong dish na adobong manok ang lulutuin ko dahil 3/5 na ang mastery ko sa pagluluto niyan. I doubt na marunong magluto ng Filipino-dish si Catherine dahil anak mayaman siya ay nagpapaluto na lang yan sa mga katulong nila o kaya sa kanilang personal chef.