Survey: Kapag ba napublish ang LWMSB at CLWY as a book, bibilhin nyo ba to?
David as Jethro
Jethro's POV
I can say it's a good event but something is missing. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mag-enjoy sa gabing to. Handa naman na akong iwanan ang kompanyang to para makapagsimula kami ng panibago ni Eisen. Alam kong maraming mabibigla sa pag-alis ko pero mas makakabuti to para sa aming dalawa. Mas bibigyan ko na nang pansin ang magiging kinabukasan namin. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw hindi dahil sa kompanya, yun ay dahil naghahanda ako para magpropose ng kasal sa kaniya. Alam kong hindi na siya tatanggi sa pagkakataong ito. Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ko na magiging ganap na kaming mag-asawa.
Maraming tao ang nakapalibot sa akin na masayang nagkukwentuhan habang nag-aantay sa susunod na mangyayari sa event. Ang iba ay masayang kumakain at mas piniling kumain kaysa makipagkwentuhan. Samantalang ako ay mag-isa sa table na umiinom ng wine. Gaano man karaming tao ang umaagaw ng pansin ko ay tanging ang pag-uwi sa bahay at ang makasama si Eisen ang siyang pinakagusto kong mangyari.
"At sinong nagsabi sayong magsaya ka nang mag-isa?" bati sa akin ni Celestine. Hilaw na ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya at tinaas ng bahagya ang glass ko para makipagcheers sa kaniya.
"Look! Napakahaba pa ng gabi para magmukmok ka dyan. Maraming investors ang gustong makausap ka at kanina ka pa hinahanap. Ano bang ginagawa mo dito nang mag-isa?" andami niyang sinabi pero isang bagay lang ang naintindihan ko yun ay ang gusto niya akong ipakilala sa ibang tao.
"Alam ko namang aware ka na sa plans ko di ba? Instead na ako ang kumausap dapat mag-take advantage kana para mas mapalapit pa sa ibang investors dahil ikaw na ang magmamay-ari nito kapag umalis na ako" sagot ko at uminom muli ng wine.
"You know naman na I still need your guidance sa pagpapalakad ng kompanyang to. So please samahan mo ko" pagmamakaawa ni Celestine. Habang nag-iisip ako ng isasagot sa kaniya ay bigla na lang niyang sinandal ang kaniyang ulo sa aking braso. Kung nagkataong nandito si Eisen malamang mayayari na naman ako sa asawa ko.
"Okay but please let's be professional while talking to them" sabi ko at marahang binawi ang braso kong pinagsasandalan niyan. Ang buong akala ko ay titigil na siya sa kakadikit sa akin pero bigla na lang siyang kumapit sa aking braso.
"Okay, let's go!" sabi niya sabay tawang nang mahinhin na may halong kilig. Hindi ko napigilang mapailing at humiling na sana matapos na ang gabing to para makauwi na ako.
Habang naglalakad kami ay panay ang bati niya sa mga kakilala niyang tao. Naiilang ako sa mga tinginan sa aming dalawa na para bang iniisip nila na may relasyon kaming dalawa ni Celestine. Panay din ang pisil niya sa aking braso. Hindi ko alam kung nanandya ba siya o hindi niya lang napapansin yun. Kung dating Jethro pa rin ako ay malamang nakascore na ako sa babaeng to. Ngayon ay nakalaan na lang ang katawan at pagmamahal ko sa isang tao. Siya lang ang pwedeng makibang sa pangangatawan kong to. Andami ring nahuhumaling sa kapogian ko pero minsan naiinsecure ako kung ganun din ba ang tingin ni Eisen sa akin. May mga pagkakataon kasing nanonood siya ng mga Korean dramas na halos magtatalon siya sa kilig na ni minsa'y hindi ko nakita sa kaniya kapag nilalambing ko siya. Bakit pa kasi naimbento yang mga Korean dramas na yan?
"And here's Jethro Wells" pagpapakilala sa akin ni Celestine sa isang matandang lalaki. Hindi ko namalayan na kanina pa pala sila nag-uusap nitong matandang to. Masyadong lumilipad ang isipan ko at hindi ko na namamalayan ang mga tao sa paligid ko.
"It's my pleasure to meet you Mr...." tumingin ako kay Celestine para ipahiwatig na hindi ko kilala tong taong nasa harapan naming dalawa. Ilang segundo din ang lumipas bago niya nakuha ang ibig kong sabihin.
"Mr. Wetherbean" dugtong ni Celestine at saka ngumiti. Napangiti na lang din ako habang binabati siya.
Napag-alaman ko na nagmamay-ari ng iba't ibang online media platforms na popular ngayon sa paggawa ng mga series. Ayun sa kaniya ay gusto niyang makipagdeal sa amin kung saan magkakaroon ng advertisement at exposure ang mga products namin sa mga series na pinapalabas nila. Hinayaan ko lang na si Celestine ang magtuloy ng deal habang ako ay nakikinig sa usapan nila. Bigla na lang may umagaw sa pansin ko. Hindi ko inaasahang makikita ko dito si Eisen sa event. Ang buong akala ko ay hindi na siya makakasunod kaya naman sobrang saya ko nang makita siya. Yung mga ngiti ko ay biglang naglaho nang makita ko si Terence na nasa tabi niya. Panay ang bulong nito sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit niya kasama ang traydor na lalaking yun. Nang magtagpo ang aming tingin ay halatang nagulat siyang makita ko siya kasama si Terence. Pero bigla ring nagbago ang tingin niya sa akin nang makita niyang nakayapos si Celestine sa aking braso. Inalis ko ang kamay ni Celestine sa aking braso at naglakad patungo sa kinatatayuan nila.
"Eisen anong ginagawa mo dito?" hindi ko mapigilan ang inis habang nakikita siyang kasama si Terence.
"Eh ikaw anong pinaggagawa mo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay at sabay lingon sa kinaroroonan ni Celestine at saka ko na intindihan ang ibig niyang sabihin.
"Look. It's a celebration okay? I'm just escorting her at hanggang doon lang yun!" mali ang salitang nagamit ko dahil hindi ko naman talaga ini-escort si Celestine dahil tinutulungan ko lang siya sa pakikipag-usap sa mga posible investors. Pero kahit sabihin ko yun ay alam kong magagalit pa rin siya kaya naman habang nagpapaliwanag ako ay siya namang pag-iling niya na hudyat na hindi siya naniniwala sa akin.
"Really? Kung hindi pa ako darating ay buong magdamag ng nakayapos yang babaeng yan sayo at kulang na lang ay hubaran ka niya sa harap ng maraming tao" inis niyang sabi habang panay ang tingin niya kay Celestine na para bang may balak siyang sugurin ito sa sobrang inis niya.
"How about you? Anong ginagawa mo kasama ng traydor na yan?" tanong ko na may halong panggigil. Alam kong dumistasya si Terence nang makita niya akong papalapit kay Eisen. Kahit na dumistansya siya ay alam kong naririnig niya pa rin ang mga pinagsasabi ko.
"Okay. Gaya ng sayo ay trabaho lang din" sagot niya habang ngumingiti ng pilit dahil siguro naiilang na siya sa mga taong nakapalibot sa amin habang kami ay nagtatalo.
"So he's now working with you huh?" hindi ko napigilan ang aking sarili at napalakas ang aking boses. Hindi ko kasi inaasahang magiging katrabaho na niya ngayon si Terence. Bigla na lang niya akong hinila sa may isang sulok kung saang wala gaanong tao para kausapin.
Malayo kami sa kinaroroonan ni Terence at Celestine. Humupa ang tensyon sa aming dalawa at naging mahinahon ang aming pag-uusap. Habang nagpapaliwanag siya sa akin ay bigla na lang akong natigilan at tumitig na lang sa kaniyang mukha habang siya nagsasalita. Kahit gaano siguro kalaki ang magiging kasalanan sa akin ni Eisen ay mapapatawad ko pa rin siya dahil meron sa kaniyang pagkatao na nagpapakalma sa aking kalooban. Habang nagpapaliwang siya ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.
"Para kang gago! Nagpapaliwanag ako dito tapos ngingiti-ngitian mo ako dyan" inis niyang sabi at hindi ko napiglang mapatawa nang mahina.
"Masama bang maappreciate ko ang kagandandahan ng asawa ko?" tanong ko at siya nama'y lumingon sa ibang direksyon habang pinipigilan ang pagngiti.
"Ewan ko sayo. Siraulo ka talaga!" taliwas ang reaksyon ng kaniyang mukha sa kaniyang sinasabi. Mukhang natatalo ko na yung mga kinakikikiligan niya sa Korean drama.
"Kasalanan mo to. Kaya panagutan mo!" sabi ko habang pinipigilan ang sariling wag ngumiti at mapanatiling seryoso ang aking mukha.
"Panagutan ang alin?" tanong niya at ako naman ay tuluyan nang napangiti.
"Ang pagkahibang ko sayo" pagkasabi ko ay hindi na niya napigilang ngumiti habang nakatingin sa akin. Lumapit pa ako nang husto sa kaniya para yakapin siya pero bigla na lang niyang kinurot ang tagiliran ko kaya napaatras ako.
"Aray....ganyan ka ba ka sadista kapag kinikilig?" sabi ko habang kinakamot ang tagiliran ko.
"Maraming tao ang nasa paligid natin kaya tigilan mo yang kalandian mo" natawa na lang ako sa sinabi at saka inakbayan siya. Wala namang maghihinala na magkasintahan kaming dalawa dahil parang tropa ko lang si Eisen nang akabyan ko siya. Gusto ko nga siyang yakapin o kaya hawakan ang kamay niya habang nasa event na to kaso masyadong istrikto itong asawa ko at ayaw pa ring makipag PDA sa akin. Ayos lang naman sa akin pero mas okay sana kung malaman nila kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Nanatili akong nakaakbay sa kaniyang balikat habang nagpapalakad-lakad sa venue. May mga pagkakataong gustong lumapit ni Terence kay Eisen para kausapin siya pero hindi ito natutuloy dahil tinititigan ko na kaagad siya nang masama. May mga pagkakataon ding sumisenyas sa akin si Celestine para makipag-usap at mukhang tungkol naman ito sa business pero hindi ko na lang siya pinagpapansin dahil walang dapat sisira sa gabi naming dalawang magkasama. Habang masaya kaming nakikinig sa emcee ay nagulat na lang ako nang bigla akong tawagin sa stage. Hindi ko inaasahang ganito kaaga ang magiging speech ko. Umakyat kaagad ako sa stage para simulan ang aking speech.
"Good Evening ladies and gentlemen. I am beyond happy to be able to see you tonight. I would like to.." sinimulan ko ang aking speech base sa mga naisulat ko at ang iba ay naging impromptu na lang. Nabanggit ko din ang nalalapit na paglisan ko sa kompanya na ikinagulat ng karamihan. At habang patuloy ako sa pagsasalita ay bigla na lang may napahiyaw sa hindi kalayuan kung saan umagaw sa atensyon ng lahat. Kinailangan ko pang takpan ang sinag ng spotlight na tumatama sa aking mukha para makita kong sino ang sumigaw at saka ko nakita si Eisen. Hindi na ako nakapagsalita dahil lahat ng atensyon ay nasa kanila na.
"Youu!!!!" sigaw ni Celestine at aakmang susugurin si Eisen.
Nang makita ko yun ay kaagad akong bumaba ng stage at tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. Mabuti na lang at may umawat kay Celestine na galita na galit. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya nang makarating ako ay kaagad akong nagtanong kung anong kaguluhan ang nangyayari.
"That fag stepped on my gown kaya ako nadapa!" inis na sabi ni Celestine habang inaawat siya ng ilang tao.
"Totoo ba yun Eisen?" tanong ko sa kaniya at nagulat na lang ako nang makita siyang kalmado sa ganitong sitwasyon.
"Aksidente yun at hindi ko sinasadya. Nagsorry naman na ako pero gusto pa rin niya akong saktan" pagtanggol niya sa sarili na para bang siya pa ang inaapi. Bilib na ako sa acting skills ng asawa ko.
"LIAR! Sinadya mo yun dahil gusto mong maghigante dahil wala ka na sa kompanyang to pagkatapos mong ibenta sa ibang kompanya ang mga restricted files na naglalaman ng mga upcoming projects" galit na sambit ni Celestine at ngayon ay kinukuhanan na mga tao ng video.
"Hindi totoo yan!" ang tanging naging sagot ni Eisen na nagsisimula nang maapektuhan sa mga nangyayari.
"It's true kaya dapat hindi ka na pumunta pa dito. Sino ba ang nagpapasok sa traydor na to? Guards!" sigaw ni Celestine at mabilis na rumesponde ang mga guwardiya.
"ENOUGH!" sigaw ko bago pa man madampot ng mga guwardiya si Eisen.
Hinawakan ko siya sa kamay at hinila siya papalabas ng venue. Wala akong pakialam kung anong iisipin nila sa aming dalawa dahil mahalaga ngayon ay ang maiuwi ko si Eisen. Nang makarating kami sa parking ay mabils niyang binawi ang kaniyang kamay at mabilis na pumasok sa kotse ko. Habang nasa byahe kami ay parehas kaming nakatikom ang bibig at walang nagsalita tungkol sa mga nangyari. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Ano ba kasi ang nangyari bakit nagalit si Celestine sayo nang ganun?" tanong ko habang nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya at sa daan habang nagmamaneho.
"Sinimulan niya ako eh, nanahimik ako sa isang tabi. Lalapit-lapit siya para insultuhin ako" iritable niyang sagot habang marahas na kinakamot ang ulo na tanda nang pagkainis.
"Edi sana hindi mo na pinatulan para hindi na nagkagulo" sagot ko na mas lalo niyang kinainis.
"So ano kasalanan ko pa?" tanong niya na halos pasigaw na.
"Hindi naman sa ganun hon. My point is sana hindi mo na siya pinansin para hindi ka na niya nagawang ipahiya kanina" marahan kong sagot para pakalmahin siya pero mukhang hindi naging effective.
"Tingnan mo ang ginawa niya sa akin!" sabi niya at hininto ko ang kotse sa tabi para matingnan ang sinasabi niya. Saka ko lang napansin ang mantsa sa damit niyang suot. Mukhang bakas ito ng wine.
"Sino bang hindi maiinis kapag binuhusan ka ng wine sa harap ng maraming tao" inis niyang sabi at iniwas niya ang tingin niya sa akin.
"Look! I'm sorry hon. Dapat hindi na talaga ako umalis sa tabi mo" sabi ko at sabay hawak sa kamay niya pero mabilis niyang binawi ito at hindi na nagsalita pa.
Habang nasa byahe kami ay nanatiling tahimik si Eisen at hindi ako pinapansin kahit ano mang suyo ang gawin ko sa kaniya. Nang makarating kami sa aming bahay ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Matapos kong maigarahe ang kotse ay kaagad akong nagtungo sa aming kwarto dahil alam kung nandun siya. Naabutan ko siyang papasok ng banyo at mabilis akong naghubad ng aking damit para sumabay sa kaniya pero bigla niya na lang ako sinaraduhan ng pinto.
"Hooon!" reklamo ko pero wala akong sagot na narinig sa kaniya.
Wala akong nagawa kundi magshower sa guest room para makahabol sa kaniya sa pagtulog. Kailangang mag-usap kami bago matulog. Kailangan maayos namin to bago pa lumala ang aming tampuhan. I mean siya lang pala ang nagtatampo. Mabilis akong naglinis ng katawan at nang matapos ay kaagad nagpunas ng katawan. Tanging bathrobe lang ang pinangtakip ko sa aking katawan at hindi na nagsuot ng underwear. Mabilis akong nagtungo pabalik sa aming kwarto at naabutan ko siya na nakahiga na sa kama. Mabuti na lang at nakaupo na ako sa kama nang patayin niya ang ilaw ng lampshade. Halos wala akong makita kaya kinapkap ko na lang kama hanggang sa makahiga ako sa tabi niya. Nakatalikod siya sa akin pero nagawa ko pa rin siya yakapin. Sinuksok ko sa ilalim ng tagiliran niya ang aking kamay para mayakap siya nang husto habang ang aking mga kamay ay nasa ibabaw ng kaniyang tiyan.
"Hon mag-usap tayo" pagsuyo ko sa kaniyang habang nagsasalita malapit sa kaniyang batok kung saan malakas ang kiliti niya.
"Wala ako sa mood Jethro. Bukas na tayo mag-usap" mahinahon niyang tugon pero alam kong nagtatampo pa rin siya.
"Hindi ako matutulog hanggang hindi mo ako kinakausap" pagbabanta ko sa kaniya.
"Problema mo yan!" inis niyang sabi kaya naman wala akong choice kundi ipatihaya siya at saka ako pumatong sa ibabaw niya. Ang aking mga labi ay nakasubsob sa leeg niya.
"Ano ba Jethro. Tantanan mo nga pagiging isip bata mo at matulog na tayo!" inis niyang sabi habang pilit akong tinutulak para umalis sa ibabaw niya. Alam kong wala na siyang lakas kaya sinamantala ko ang pagkakataon para gamitin ang bigat ko laban sa kaniya.
"Sige na matutulog tayong nang ganito hanggang sa kausapin mo ako" sabi ko habang malapit pa rin sa kaniyang lee gang aking labi. Malamang ay matinding kiliti o panghihina na ang nararamdaman niya ngayon. Ilang minuto ang lumipas at ramdam ko na ang pawis sa kaniyang leeg na hudyat na naiinitan na siya. Hanggang sa siya na rin mismo ang hindi nakatiis.
"Okay fine. Bumaba kana sa ibabaw ko please ang init" utos niya at hinalikan ko siya sa labi bago ako bumaba.
"Okay, I'm sorry kung masyadong naging mainit ang ulo ko at naging padalos dalos ang desisyon ko. Nadamay pa kita sa galit ko kay Celestine" sabi niya at ako naman ay niyakap habang nakatalikod siya sa akin.
"It's my fault too. Kaya I'm sorry. Hindi sana kita iniwan dun kung alam kong ganun ang mangyayari" sabi ko at lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Sana palaging ganito. Yun bang napapag-usapan nyo kaagad ang problema at hindi na pinapalala pa. Yung parehas nyo tatanggapin ang pagkakamali ng bawat isa at patatawarin ang isa't isa.
"Humarap ka nga sakin!" utos ko at kaniya namang ginawa. Hinila ko siya papalapit sa akin para mayakap siya nang husto. Pinaulanan ko siya ng halik sa kaniyang mukha hanggang sa magpang-abot ang aming mga labi.
"Good night hon" sabi niya at hindi ko napigilang mapangiti dahil sa inasal niya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Ang kaniyang mukha ay halos nakasubsob na sa aking dibdib at ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya. Pipikit na sana ako ngunit nagsalita siyang muli.
"Papano ako makakatulog kung patuloy akong tinutusok nito?" tanong niya at sabay pisil sa aking hinaharap na ikinagulat ko.
"Hayaan mo aanatukin din yan maya-maya" at parehas kaming natawa sa aking sinabi. Ilang sandali pa at kapwa kaming nakatulog ni Eisen.
BINABASA MO ANG
Can't live without you (BL)
Romance*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...