Chapter 12: Gotta be you

20.8K 762 64
                                    

Catriona as Catherine

Eisen's POVHindi ko aakalaing mararanasan kong makahalik ng isang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eisen's POV

Hindi ko aakalaing mararanasan kong makahalik ng isang babae. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa akin ang humalik sa isang merlat. Pakiramdam ko tuloy ay ang dumi-dumi ko na dahil sa paghalik ng babaeng to. Tuwang tuwa pa talaga ang bruha sa pinaggagawa nya at nagawa niya pang bumungisngis samantalang ako'y halos maduwal na. Bigla ako niyakap ni Jethro at inilayo sa babaeng nasa harapan ko.

"What the hell Catherine? Eisen is mine!" sabay punas ng labi ko gamit ng kanyang hinlalaki. Tumawa ulit ang bruha bago magsalita.

"Don't worry Jethro wala akong balak na agawin siya sayo. In fact, may balak akong agawin kita sa kanya" sabi niya at namaywang. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya napatingin ako kay Jethro. Bigla namang umiling ng malakas si Jethro bilang pagtanggi sa naiisip ko.

Hindi malabong mafall si Jethro sa babaeng to. Unang una, ubod ng ganda ang babaeng to. Kung ipagtatabi mo kaming dalawa ay malamang isang drum ang lamang niya sa paligo sa akin. Sa kutis, tatlong bote ng lotion ang lamang niya sa kinis sa akin. Sa ngiti, 6x a day na toothbrush ang lamang ng ngitian niya. At kung sa buhok naman ay akala mo endorser ng Palmolive pink na sinabayan pa ng creamsilk na pink at binabad sa downy passion kaya ubod ng lambot. Sa madaling salita nakakainsecure ang ganda niya. Wala akong nagawa kundi ang yumakap ng mahigpit kay Jethro bigla. Hindi ko alam kung bakit ko biglang ginawa to pero parang pakiramdam ko ay malingat lang ako saglit ay baka mapunta na sa kanya si Jethro.

"Hindi ko siya ibibigay sayo!" mariiin kong sabi sabay kapit ng mahigpit kay Jethro.

"Hindi naman ikaw ang magdedecide para diyan" tinaasan niya ako ng kilay at saka ngumiti na para bang alam na alam niyang sa kaniya mapupunta si Jethro. Muli kong tinitigan si Jethro na ngayo'y nakatitig din sa akin.

"Mamili ka sa aming dalawa, ako o siya?" pagkasabi ko nun ay agad akong kumalas sa pagkakaakap niya sa akin. Pero bago pa man ako makalayo sa kaniya ay agad niya akong hinila pabalik para mayakap siya.

"Syempre ikaw, IKAW, IKAW, IKAW!" nilakasan niya pa lalo ang kaniyang boses upang mas marinig ni Catherine at sa huling pagbigkas niya ng salita ay hinalikan niya ako sa noo.

"Narinig mo naman ang sinabi niya di ba?" tiningnan ko siya mula ulo hanggag paa at ayun nagmaganda si bakla. Nagawa ko pa siyang irapan.

"No, hindi pa rin ako titigil. Wait what's your name again?" tanong niya. Napakagaga ng babaeng to.

"I am Eisen FUENTES, boyfriend ko si Jethro. Walang bawian, peksman, period no-erase, nasa diyos ang susi hindi mo mabubuksan!" sabay sulat ng kunwaring signature sa dibdib ni Jethro bilang pagtanda napag-mamay-ari ko siya.

"Well, Eisen Fuentes. Hinahamon kita sa isang laro na parehas tayong may advantage at parehas tayong may disadvantage" hindi pa rin siya sumusuko.

"Anong kapalit kapag nanalo ako?" tanong ko sa kaniya

"Hindi ko na kayo guguluhin at sasagutin ko pa ang honeymoon niyo if ever na ikasal kayo. AT KUNG MANANALO KA!" diniinan niya talaga yung mga salitang "AT KUNG MANANALO KA". Confident na confident siyang mananalo talaga siya oh.

"At kapag natalo?" dugtong ko.

"Jethro will MARRY ME" napanganga ako sa sagot niya.

"Stop being silly Cathy that's not going to happen" ang naging tugon ni Jethro.

"Bakit natatakot ka bang matalo?" tanong sa akin ni Catherine. Tumingin ako kay Jethro at seryoso siyang umiiling sa akin dahil ramdam niya na hindi ako magpapatalo sa hamon ni Catherine.

"DEAL!" taas noo kong sagot. Napaface-palm na lang si Jethro at ngumisi naman si Catherine.

"Okay, iiwanan ko muna kayo tapos babalik ako mamayang 1pm para simulan natin ang mga challenges" dugtong ni Catherine habang hinahawi ang buhok sa kaniyang mukha.

"Okay" mataray kong sagot.

Kinuha niya ang kaniyang mamahaling bag sa ibabaw ng desk ni Jethro at saka lumabas ng office. Naupo namang muli si Jethro sa kaniyang upuan habang minamasahe ang kaniyang ulo. Mukhan na-stress siya sa kalokohang pinasok ko.

"Ito na pala yung mga reports na hinahanap mo kahapon" sabay lapag nito sa ibabaw ng kaniyang desk.

"Bakit ka naman pumayag?" halatang naiinis siya sa tono ng kaniyang boses. Huminga ako nang malamim bago sumagot sa kaniya.

"Simula ngayon ay hindi na ako magpapatalo sa mga babae mo!" sabay hila sa kaniyag necktie.

"Hindi ko naman siya babae eh" mabilis niyang tugon.

"Eh bat ganun siya kung umasta sayo, imposibleng walang nangyari sa inyo?" nilapit ko ang mukha ko sa kaniya upang malaman kong magsisinungaling ba siya sa akin.

"Okay, Inaamin ko. Pero one-night stand lang yun. Yun yung panahon na gulong gulo ang isipan ko at gusto kitang makalimutan pero hindi ko nagawa at hinding hindi ko magagawa" derechong sagot niya at alam ko namang nagsasabi siya ng totoo pero nagawa ko paring humirit.

"Totoo? Eh bakit bumabalik pa siya ngayon?" sabay taas ng kilay.

"After mangyari sa amin yun ay pinaliwanag ko sa kaniya na hanggang friends lang kami. Naging magkaibigan naman kami after that. Binibiro ka lang nun!" sagot naman niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

"Wala ng nangyari sa mga sumunod?" tinitigan ko siya ng mabuti at nilapit niya nang husto ang mukha ko sa mukha niya.

"Wala na promise, gusto mo may mangyari satin ngayon?" ngumisi siya at bigla akong hinalikan sa labi. Lumaban ako ng halik sa kaniya hanggang sa mapaupo ako sa ibabaw ng kaniyang mga hita. Naging mapusok an gaming halikan hanggang sa maramdaman kong tinatanggal niya ang belt na suot ko.

"Wait, Jeth-ro. Nasa office mo tayo" sabi ko habang patuloy siya sa paghalik sa aking leeg at pisngi. Hindi namin to dapat ginagawa pero ewan ko ba at mukhang nagpapalamon na naman ako sa pagnanasa at hindi ko mapigilan ang aking sarili. Nang matanggal niya ang aking belt ay tinangka niyang ibaba ang aking slacks na suot hanggang sa.

"Knock-knock!" narinig naming may nagsalita. Nataranta ako kaya mabilis kong hinatak pataas ang slacks ko at saka ko lang nakita na ang taong nasa tabi ng pinto ay ang vice president ng kompanya na si Terence.

"I'm so sorry to interrupt you guys but I really need to talk to Jethro, like right now?" nahihiya niyang sabi pero mas nahihiya ako sa tagpong inabutan niya. Itong si Jethro ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari at normal lang siyang kumilos.

"Okay, I'm coming with you" sagot ni Jethro at saka tumayo sa kaniyang upuan. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil bakat na bakat yung junjun niya dahil sa pangyayari kanina. Lumapit siya sa akin at saka bumulong.

"Sige tumawa ka lang, yayariin kita mamaya" at bigla niya na lang akong hinalikan sa labi sa harap mismo ni Terence. Hindi na ako nakapagsalita kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon na may ibang taong nakakakita sa ginagawa namin ni Jethro.

Bago sila makalabas ng office ni Jethro ay nagkatitigan kami Terence at bakas sa mukha niyang hindi siya natutuwa sa mga nakikita niya. Siguro diring diri na to sa mga pinaggagawa namin pero bahala na nga siya. Kasalanan din naman niya at bakit siya bigla na lang pumapasok sa kwarto at late na kakatok. Hindi rin nagtagala ay bumalik na rin ako sa aking opisina. Walang masyadong appointment si Jethro ngayong araw at wala rin siyang pinapagawa sa akin kaya naman medyo boring ang pag stay ko sa aking opisina at wala man lang akong makausap. Naisipan ko na lang na hanapin sa google si Catherine. Wala akong alam kong anong apelyido niya. Ayoko namang itanong kay Jethro dahil baka isipin niya ay napapraning na ako masyado sa babaeng yun. Hindi naman masyado pero syempre sabi nga nila dapat kilalanin mo ng husto ang mga nakakalaban mo. Halos 15 minutes din ang lumipas bago ko mahanap si Catherine sa dami ng mga results na lumalabas sa google. Ayun kay Wikipedia ay isa siyang half-pinoy at half-ausi. So isa siyang pausi, sikat na modelo kung saan naging finalist sa Asia's next top model year 2018. Isa siyang child-star sa Australia pero mas piniling maging modelo ng tumungtong siya ng kolehiyo. 5 years na siyang nasa pilipinas at maraming modelling projects na ang nagawa. Kilalang businessman ang kaniyang ama sa Australia at ang ilan sa kaniyang kamag-anak ay nasa politika.

Ang tagal kong nakatitig sa monitor ko habang nasa screen ko ang pagmumuka ni Catherine. Hindi ko alam kung anong gulo ang pinasok ko. Hindi pala basta-bastang tao itong si Catherine. Napakamaimpluwensiya pala nito at ubod ng yaman. Idagdag mo pa ang ganda at talino na meron siya. Walang wala talaga akong laban sa kaniya kapag pinagtabi mo kami. Grabe, sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakaramdam ng sobrang pagka-insecure sa isang tao. Hinding hindi malabo na mahulog ang loob ni Jethro sa kaniya dahil sa mga katangian niya na wala ako. Papano na lang kung isang araw ay marealize ni Jethro na babae talaga ang magpapasaya sa kaniya. Yung babaeng magbibigay sa kaniya ng isang kompletong pamilya na pinapangarap niya. Papano kung marealize niya na hindi pala talaga kami ang para sa isa't isa? Hindi ko ata makakaya yun. Masyadong naging madrama ang aking buhay at hindi ko ata kakayanin ang susunod na heart-break kaya naman hanggang kaya ko ay lalaban ako para sa pagmamahal ko kay Jethro. Hindi ako basta-basta susuko gaya ng pagtalikod ko sa kaniya noon. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong tibayan ang loob ko at kahit na isang malaking pader ang makakabangga ko ay kailangan ko itong harapin.

Kagaya ng napag-usapan ay bumalik din kaagad si Catherine na may bitbit na fish bowl. Hindi ko alam kung anong balak niyag gawin dun pero bigla na lang niyang nilapag yun sa ibabaw ng mesa sa opisina ni Jethro. Dahil sa sobrang insecurity ko sa babaeng to ay lumabas ang pagkaclingy ko na ikinatuwa naman ni Jethro. Bago pa man makapasok itong si Catherine ay kanina pa ako nakaupo sa lap ni Jethro at kanina ko pa siya nilalambing habang may binabasa siyang mga emails. Kung hindi siya dumating ay baka may nangyari na sa amin ni Jethro habang nakapatong ako sa mga hita niya.

"Okay, I'll explain the mechanics" sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya pero hindi ako umalis sa pagkakaupo ko sa lap ni Jethro. Kumapit pa ako sa leeg ni Jethro para ipakitang wala akong balak na umalis. Ngiting ngiti naman ang loko na parang tuwang tuwa na nakapulupot ako sa kaniya.

"Fine. First, mag-isip ka ng mga bagay kung saan magaling ka. Like cooking, dancing, singing or playing cards and chest. Whatever it is basta bagay na pwede nating paglabanan. You can only choose 3. Meron tayong 9 rounds to determine kung sino ang mas magaling sa ating dalawa" sabi niya at hinagis sa akin ang sticky notes na hawak niya.

"Wait, 9 rounds tapos 3 lang ang pwede kung piliin?" tanong ko.

"Syempre pipili din ako ng 3 things kung saan ako magaling. So meron na tayong 6 rounds na paglalabanan. Yung 3 points ay assurance na points sa ating dalawa unless matalo mo ako o matalo kita" ngumiti siya.

"The remaining 3 rounds ay manggagaling sa ibat ibang tao na hindi ko kilala at hindi mo rin kilala" pagkasabi niya ay naglagay siya ng tatlong papel na naka-roll sa loob ng fish bowl. Marahil yun ang mga bagay kung saan siya magaling.

"Papano ako makakasiguro na hindi mo nga kakilala ang mga taong yun?" tanong ko.

"Si Jethro ang mamimili sa mga taong yun" nilapit niya ang mukha niya sa desk papalapit kay Jethro pero tinulak ko ang mukha ni Jethro sa kabilang dereksyon at ako ang humarap sa kaniya.

"You're so cute" at tumawa siya, naalala ko ang paghalik niya sa akin kanina na nagpangiwi sa akin dahil bigla akong nandiri.

"Pano kung dayain ni Jethro ang mga taong yun at kakilala ko ang mga yun?" muli kong tanong.

"I trust Jethro" maikli niyang sagot at naging seryoso ang mukha niya.

"The competition will start tomorrow; I know na hindi masyadong busy si Jethro this week kaya pwedeng pwede siyang manood sa ating dalawa bukas" kinuha niya ang bag niya na nakalapag sa couch at nagtungo sa pintuan. Bago pa man siya lumabas ay lumingon muna siya sa amin at nagsalita.

"Make sure na piliin mo ang mga bagay na hindi kita kayang talunin" ngumiti siya at naglakad na parang dyosa. Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mabigyan ng lait. Wala akong maipintas sa kaniya. Mukha maraming alam na bagay itong babaeng to kaya kailangan kong piliin ng husto ang bagay na ipanglalaban ko sa kanya. Bigla na lang akong napahiyaw nang maramdaman kong kinagat ni Jethro ang dibdib ko.

"Bat mo ako kinagat?" tanong ko sabay himas ng dibdib ko dahil sa sakit.

"Kanina ka pa kaya nakapatong sa lap ko at kanina pa ako nanggigil sayo. May trabaho pa akong dapat tapusin kaya kung pwede po sanang tumayo kana at baka ikaw na lang ang trabahuhin ko maghapon?" nakangisi niya sabi.

"Trabahuhin mo mukha mo" sabay kurot sa mukha niya at tumawa siya.

"Babalik na ako sa office ko. Make sure na magpapaalam ka sa tuwing aalis ka ng office mo!" sabi ko habang nakatalikod patungong pintuan.

"Wait, nakakalimutan mo yatang ako ang boss mo at ikaw ang secretary ko?" sagot niya at napalingon ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama.

"Eto naman hindi mabiro, Opo magpapaalam ako pati sa pagpunta sa cr magpapaalam ako para ikaw na rin maglinis kay junjun" tumawa siyang muli pero hindi ako natatawa kaya binuksan ko ang pinto.

"I love you" pagkasabi niyang yun ay hindi ko napigilang mapangiti. Ewan ko ba kahit anong gawin ng taong to ay ambilis mawala ng inis ko sa kaniya. Ambilis niyang napapabago ang mood ko sa simpleng pagsabi lang ng I love you. Nagtungo ako sa aking office na abot tenga ang ngiti na parang baliw.

Natapos ang araw na wala akong masyadong ginawa sa aking office kundi ang pagreresearch tungko kay Catherine. Napakatalented naman pala talaga ng babaeng to kaya mukhang mahihirapan ako sa competition namin bukas. Kailangan kong piliin ng mabuti ang mga challenges na ilalagay ko sa fish bowl bukas. Naging behave naman si Jethro sa maghapon maliban na lang sa tuwing pupunta siya ng banyo para magpasama sa akin. Nagpapasama siya para ako daw ang magpagpag ng kaniyang junjun, hindi ba naman siraulo? Ewan ko ba at nakakaramdam ako ng pangamba sa tuwing yayakapin niya ako na para bang yun na ang huling pagkakataong mayayakap ko siya. Siguro masyado lang akong napapraning dahil sa competition namin ni Catherine.

Kinagabihan ay hindi ako makatulog kaya lumipat ako sa unit ni Jethro para tumabi sa kaniyang matulog. Mag-iisang oras na din kaming nakahiga sa ibabaw ng kaniyang kama. Kahit nalalanghap ko na ang paborito niyang perfume ay hindi ko parin magawang antukin. Kanina pa ako palipat-lipat ng pwesto pero nagagawa niya pa rin akong yakapin sa tuwing magpapalit ako ng pwesto.

"Gusto mo bang magtimpla ako ng gatas para makatulog ka?" bigla niya sabi habang nasa batok ko ang kaniyang bibig.

"Salamat, okay lang ako. Masyado lang akong nag-iisip sa mangyayari bukas" pagkasabi ko nun ay pinaharap niya ako sa kaniya.

"Wag mong masyadong isipin yun" sabi niya at hinalikan niya ang noo ko. Ewan ko ba kung papano niya nagagawang kalmado kung saan sa competition na yun ay nakasalalay ang relasyon namin. Kung hindi lang ako nagpakatanga edi sana hindi ako nag-aalala ng husto.

"Eh pano kung manalo siya at ikasal ka sa kanya? Pano na" hindi pa ako tapos magsalita nang halikan niya ako sa aking labi.

"How many do I have to tell you na ikaw lang ang taong mahal ko at hindi na ako magmamahal ng iba pa?" hindi ako makatingin ng derecho sa kaniya dahil sa nararamdaman kong kahihiyan.

"Pero mas maganda siya, mas matalino, lahat na yata ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kaniya na kaya hindi malabong magkagusto ka rin sa kaniya" hindi ko napigilang masabi dahil sobra ang pagkainsecure ko sa kaniya.

"Let say na maganda nga siya, matalino, mayaman, in-fact maraming nagsasabi dati na perfect match kami. Pero hindi ko magawang magkagusto sa kaniya alam mo kung bakit?" tanong niya habang inaamoy ang buhok ko.

"Bakit?" tanong ko sabay tingin sa kaniyang mga mata.

"Dahil sayo" hinalikan niya ako sa aking noo hanggang sa aking ilong patungo sa aking labi.

"Sa loob ng dalawang taong nakilala ko si Cath ay hindi ko magawang maging seryoso sa kaniya kahit na nagdidate kami nun. Isang beses lang na may nangyari sa amin, yun yung lasing na lasing ako at wala ako sa katinuan. Wala ng nangyari sa amin kahit na nag-attempt pa siya na akitin ako. Ikaw at ikaw lang ang nasa isipan ko noong mga panahong yun. Sobra-sobra na sa akin yung magkahiwalay tayo ng tatlong taon. Hindi ko kakayanin na mawalay pa sayo. Maybe she can give me a complete family na matagal kong hinahangad pero ikaw at ikaw lang ang taong magbibigay sa akin ng kasiyahan na dadalhin ko hanggang sa mamatay ako" sobra akong na-touch sa sinabi niya kaya naman hindi ko napigilang mapaluha.

Can't live without you (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon