Bas as Eisen
Eisen's POVMatagal kong inantay ang sandaling magpopropose ng kasal sa akin si Jethro. Yung panahon na maayos na ang kalagayan naming dalawa at wala na kaming iintindihin kundi ang aming relasyon. Masarap sabihin na sa wakas ay magiging ganap na kaming mag-asawa. Dito na nga papasok ang kasabihan na "Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy". Hindi man tanggap ng karamihan ang aming relasyon ay ang importante ay nagmamahalan kaming dalawa. Nakakasiguro naman ako na wala kaming tinatapakang ibang tao sa pagmamahalang ito. Siguro, exception si Celestine pero wag nga siya, siya yung nanira. Ngayon ko rin napatunayan kung gaano ako kamahal ni Jethro. Kahit na hindi ko siya mabigyan ng anak ay hindi niya pa rin ako iniwan at heto may nabuo na kaming isang pamilya.
Matapos kong sagutin ang proposal sa akin ni Jethro ay kaagad kaming nagtungo sa Taiwan para magpakasal. Simple lang ang naging kasal namin dahil ang habol lang namin ay maging legal ang aming pag-iisang dibdib. Isa na akong ganap na Wells hindi dahil sa step brother ko siya kundi dahil asawa ko na siya. Kasabay ng pagpalit ko ng apelyido ay ang pagpalit din ng apelyido ni Demi mula sa Lau na naging Wells. Iilang tao lang ang dumalo para masaksihan ang kasal namin sa Taiwan dahil ang engrandeng kasal ay gaganapin sa pilipinas.
Napagpasiyahan naming ikasal sa beach kung saan pagmamay-ari ng mga Wells. Yung lugar kung saan kami na stranded ni Jethro matapos niyang kunin ang aking virginity. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko yun. Uulitin namin dito ang kasal dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin legal sa pinas ang same-sex marriage. Uulitin lang namin dito para masakshihan ng karamihan ang aming pag-iisang dibidb kung saan maraming tao ang dadalo. Sa dami ng mga imbitado ay hindi ko na alam kung papano ko sila makakausap sa araw ng aming kasal.
Ngayon ang araw na aming pinakahihintay. Ang araw kung saan mangangako kami sa harap ng maraming tao at sa diyos na magmamahalan kaming dalawa hanggang sa pinakahuling hininga ng aming buhay. Nakuha namin ang mayor ng maynila para maisakatuparan ang aming kasal. Nakakatuwa lang isipin na kahit may asawa't anak na siya ay nanatiling bukas ang kaniyang isipan sa ganitong uri ng pag-iisang dibdib. Ayon pa sa kaniya ay naniniwala siyang may karapatan ang bawat isa na maging masaya sa taong pinili nilang makasama sa pang habang buhay.
Beach wedding ala Greece ang ambiance ng tema ng wedding. Lahat ng mga dumalo ay nakasuot ng puting damit o kaya pastel blue na kulay na mismong pinili ni Catherine. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil siya mismi ang nagprisenta na mag oorganize ng aming kasal. Naging mahigpit pagdating sa security si Ringo dahil ayaw niyang magaya kay Celestine ang magiging kasal namin kaya kahit sa dagat ay may mga palutang-lutang na mga speed boats kung saan nakabantay ang security guards. Isa na rin sa dahilan kung bakit mahigpit ang security dahil may iilang sikat na celebrities ang dadalo sa kasal at may mga politicians din na dapat mapanatili ang kanilang security.
Sobrang kabado ako kagabi habang iniisip ko ang magiging kasal namin ni Jethro dito sa pinas. Hindi ko mapaliwanag kung bakit at ayoko namang maging nega na baka may mangyaring masama. Baka siguro napaparanoid lang ako sa mga pinagdaanan naming dalawa. May tiwala naman ako kay Ringo na mapapanatili niyang safe ang kasal at nariyan rin si Tristan para magsabi sa akin kung may magtatangkang sirain ang isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Can't live without you (BL)
Romance*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok ay ang paghahanap ng trabaho. Kung suswertihin ka nga naman at mabilis akong nakahanap ng trabaho. Malaki ang sweldo at isang hamon ang mag...