Kabanata 2

6.3K 220 73
                                    

"Ma! Ayoko nga kasi!" I looked at my mother who ordered me to buy grocery stocks.

Ayoko ngang lumabas. I wanted to stay at my room reading alone. 'Yun na nga lang ang safe haven ko pagkatapos ng nakakabad trip na buong linggo ko. Today's Sunday. I should rest. I should pamper myself with books.

"No, Rashiel. You need to go outside." pagpupumilit niya.

"Ayoko nga kasi! Tinatamad ako!" Napapadyak pa ako ng paa sa inis.

Inabot ni Mama sa 'kin ang listahan. I scrunched my nose. 

"Bilhin mo 'yan lahat sa grocery. May bisita ang Papa mo mamaya mo, mga ka-trabaho niya," utos niya.

"Eh kasi naman Mama, ba't 'di na lang sila Manang?"

"Maraming inaasikaso 'yun. Lumabas ka naman minsan anak, lagi kang nagmumukmok sa kwarto mo." I pouted. Wala na rin naman akong magagawa.

"Okay, Ma. Sige na." I conceded. Hindi na ako nagbihis pa. I was just wearing a plain shirt paired with jeans and a white sandal.

Pumunta na akong supermarket malapit sa amin, nag-tricycle lang ako papunta.

Kumuha agad ako ng cart, ang dami naman kasing listahan nito. Kaasar. Kung saan saan ako nag-ikot ng mga bibilhin. Natagalan pa ako kasi may mga iba na hindi ko mahanap.

Pumunta na ako sa cashier at laking gulat ko nang makita ang isang taong ayaw kong makita ngayon. Kabad trip! Kumunot ang noo niya habang palapit ako sa cashier. Inirapan ko na lamang siya.

"Bakit ka nandito?" bungad ko.

"Malamang bumibili, tanga ng tanong mo," aniya. Hindi mo talaga makakausp ng matino 'tong hayop na to! Animal masyado!

"Gago!" Napatingin sa 'kin ang ibang bumibili. Nag-peace sign na lang ako. I heard him chuckled. I throwed him my dagger looks.

"Epal." I mouthed. "Baka, sinusundan mo ko ha."

"Gamitin mo nga yang kukote mo, nauna ako sa'yo tapos ikaw pa ang magsasabi niyan. Very wrong." Inirapan ko lang siyang muli at inayos ang mga pinamili. Ang dami kasi nito, e.

Hindi na mahagilap ng mata ko si Padua, nauna na siguro.

"2,375 ma'am," sabi ng nasa cashier. Kinapa ko ang wallet sa bulsa ko. Nataranta ako agad nang 'di ko mahanap. Hindi ako nagdala ng bag kasi tinatamad ako. Cellphone lang at wallet ang madalas kong dinadala. Putangina! 'Di ko nadala kakamadali.

"Uhhm, miss. Wait lang ah," Natataranta kong sambit. Oh my God! Baka isipin nilang shoplifter ako. Pinagilid ako ng babae dahil may mga kasunod pa ako. I immediately dialled Mama's number. Pambihira talaga, ayaw pang sumagot. Wrong timing pa! Kainis.

Namataan ko naman ng tingin si Padua sa gilid habang nasa bulsa pa ang kamay nito. Lumapit naman agad ako sa kanya.

"Anong drama mo, Esguerra?" I made a face. Kung pwede lang sipain 'to eh.

"Uhhm..." I didn't know how to open up. Feeling ko kasi kapag nagkaroon ako ng favor, habang buhay ko 'yun pagbabayaran. Ugh! Ang careless ko kasi masyado. Sana pagbigyan niya, rich kid naman 'to.

"What is it, Esguerra? I have something to do," bored na sabi niya. He even looked at his watch pertaining that I'm not worth of his attention.

I looked at him with my puppy face. First time ko 'tong gagawin! Gusto kong sampalin ang sarili ko.

"You're not cute. Stop with that face." Napangiwi ako agad. 

"Bwisit ka!" Hinampas ko siya sa braso.

Love On Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon