Kabanata 30

2.9K 92 32
                                    

"Alright." I smiled. Syempre pumayag ako! Sakto namang wala akong duty ngayon. I'm going to be a baby sitter of this cute little boy. I pinched his cheeks.

"Aww, Ninang. Mashakit pow." Reklamo niya.

"Ang sarap mong panggigilan bebe, ang cute cute mo."

"I'm not cute! I'm handsome." Natawa naman ako do'n.

"Oh sige, handsome ka na. Big boy ka na talaga," sabi ko saka ginulo ang buhok niya. Kaagad naman siyang tumakbo nang makita niya ang kalaro niyang si Tinay. Kalaro nga ba? Madalas kasi silang mag-away. Four years old na si Yohann, nauna pa ang bata kaysa kasal. Magagaling talaga!

Ang sarap nilang tingnan. Parang dati lang kami. Kasi wala na kong karapatan balikan. I heaved a great sigh.

"Osha, Rashiel take care of our baby boy. You ingat ha!" Paalam ni Hera. Mag-ba-bakasyon sila ngayon ng asawa niyang si Linus sa Iceland.

Sana all.

I waved at them. Hinatid kasi ni Hera si Yohann dito sa bahay kanina. Okay lang naman. Yohann's my stress reliever. Kaya nga hindi agad ako nagprotesta nang sinabi niyang magbabantay ako ng bata. Ofcourse, I would be very much willing!

"Okay, baby boy. Tara, labas tayo." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ninang! You're so kulit po. I'm not a baby."

Natawa ako. "Oo na."

Pati ang anak niyang si Yohann nahawa sa ka-conyohan nung bruha na 'yun. Nasa labas kami ng apartment ko at nakaupo sa bench sa malapit na park.

"Yohann, h'wag kang mag-chichix kagad ha, that's bad." I told him while licking the ice cream that I bought for us. Ang hilig nito sa sweets.

"Okay, Ninang. How about Tinay? Chix ko na ba siya? Kasi girl friend ko na siya," sabi niya. I widened my eyes.

"Tangina!" I hissed. Tinakpan ko agad bibig ko.

"You're cursing ninang. Syusyumbong kita pow."

"May girlfriend ka na?" Hindi ko pa makapaniwalang tanong. Ay sana all talaga! Tumango siya.

"Hey, Yohann. I told you that's bad. You shouldn't just engage in relationships because you're too young. You should study. Enjoy your season, Yohann."

"But she's my girlfriend!" Pinitik ko ang noo niya.

"Don't raise your voice, Yohann. Ikaw ang isusumbong ko."

"Kashi pow, sabi ni Tinay girlfriend ko na siya. Taposh... waahh." Bigla siyang umiyak. Nataranta naman agad ako. Kumuha ako ng pamunas sa bag at pinunasan ang luha niya pati pawis niya at sipon niya.

"Sorry na, Yohann 'di na magagalit si ninang. Promise." I smiled.

"Rweally po?" I nodded. He smiled widely. Patuloy pa rin siya sa pagsinghot.

"Okay ka na? Don't cry, Yohann. You're big boy na 'di ba sabi mo?"

I looked at Yohann's innocent face. I pinched his cheeks. Ang taba kasi. Nanggigigil ako.

"Ninang!" He protested which I laughed.

"Bilisan mo na kumain. Ang dugyot mo." Kumuha ako ng shirt at pinalitan ito. Ang hirap pala talagang maging ina.

"Pwede ka ng maging misis ko." kumento niya. Nanlaki ang mata ko. Ibinato ko naman sa kanya ang towel pagkaharap ko.

"Di pa nga kita sinasagot misis agad!"

"Dun din papunta 'yun. Sinagot mo ako tapos magpapakasal na tayo, magkakaroon tayo ng 6 babies."

I couldn't help but smile as I remembered it. Ang sarap lang balikan talaga.

Love On Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon