Kabanata 26

2.4K 88 28
                                    

"Hindi ka niya na babalikan."

Paulit-ulit rumirehistro sa utak ko ang mga katagang iyon.

Oo! Alam ko! Pero putangina! If only I could tolerate this pain, bakit ayaw mawala?

Baka ito na lang siguro ang ending namin. Sana mas nagtiwala ako. Sana mas ipinaglaban ko. Pinakamakasakit na sana ay yung sanang hanggang sana na lang.

I regret sending him off away from me. Naalala ko pa noong nakaraan. Mas lalo akong nanlumo nang malaman ko ang totoong nangyari nang araw na iyon.

I was on the way to the hospital when I saw a familiar woman.

"Rashiel." I was surprised when a familiar woman approached me. as

"Can we talk?"

"Para saan pa Celine? Wala tayong pag uusapan," malamig kong sambit. Mabilis naman niyang hinatak ang braso ko.

"Kahit saglit lang. Please." pakiusap niya.

"Okay." I sighed.

We settled at a coffee shop nearby.

"Anong pag uusapan natin, Celine? I have many things to do." I glanced at my wrist pertaining she's not worth of my time. Hanggang ngayon nasa alaala ko pa rin kung paano ko siya nakita sa kwarto ni Grayson na halos walang salpot.

"I-I'm sorry..." her voice broke avoiding my gazde.

"Please, Celine, tapos na yun. I am trying to get rid of that memory in my head. Please, don't make me remember it again..."

"No.." umiling siya. She swallowed hard. "Kailangan kong sabihin 'to. For how many years, kinakain ako ng konsensya ko na halos hindi na ako makatulog. It was my fault, Rashiel." Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Ano ang gusto niyang ipunto? I need to calm the fuck down.

"Gustong gusto ko si Gray noon. Sorry naging selfish ako...I just wanted him to treat me like how he treated you. Pero, ikaw talaga yung mahal niya. I did all I could for him to love me. But, still I failed. Ako ang naging reason pa ng break up nyo." Madiin kong hinawakan ang basong hawak ko. Nanginginig ang mga labi kong nakatitig sa kanya. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Sorry, Rashiel. If I could just bring back the time. Sadyang gaga talaga ako magmahal e, kaya ako naiiwan. Pilit kong kinukuha ang bagay na 'di naman para sa akin. Patawarin mo 'ko. Sobrang selfish ko. I'm sorry... I'm sorry it took a long time for me to apologize. When I found out you went abroad to study, I thought  couldn't apologize to you anymore." I took a deep breath. Tears kept flowing like a river.

"Mas lalo mong pinapamukha sa 'kin na hindi talaga ako nagtiwala kay Padua noon. He trusted me so much, Celine. I should've let hin explained. Nabulag din ako kagaya mo. Sana pala mas pinagkatiwalaan ko siya."

"You can still fight for him, Rashiel. Fight for him this time," aniya.

"I don't think I can, Celine. Madami ng nangyari sa amin. We were not teenagers anymore."

Pareho naman kaming natuto ni Celine sa aming pagkakamali. Totoo nga, nagmahal lang naman kami. Iba iba nga lang ng paraan. Masaya naman ako kay Celine dahil may bago siyang boyfriend ngayon at balak na nilang mag-settle down. I was happy for her when she told it to me. We all deserve to be happy.

Ang masakit noong mga oras na 'yun, handa na akong mas ipaglaban siya, mas gawin yung hindi ko ginawa noon.

Three days after that conversation with Celine, I decided to go to Padua's house. Just for the last time, I wanted to see him. Na baka sakaling bumalik yung dati.

Love On Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon