Kabanata 7

4K 160 31
                                    

"Anong ginagawa n'yan dito?" Napansin kong nakaupo si Padua sa sofa habang prenteng nakaupo at nakataas pa ang paa sa center table at nanood ng t.v. Bahay niya? Feel at home ang mokong.

"Dito muna siya 'nak. Aalis kami ni Tita Mich mo. Aattend kami ng kasal nung anak ng kabatch mate namin nung college. Ang Papa mo naman nasa trabaho niya. Wala kang kasama rito," sabi pa ni Mama.

"So? Anong ibig sabihin?" I scowled.

"Dito muna siya 'nak para safe ka," anito.

"Ano ako bata?! Ma naman!" Reklamo ko pa habang nagpapadyak sa inis. Napakamot pa ako ng ulo.

"Si Tita Mich mo na rin ang nagsabi na dito na rin si Gray 'nak para atleast may kasama ka. Bukas pa uwi ni Papa mo. Kami naman baka magstay pa dun sa hotel," mahinahong saad ni Mama.

"What?" I panicked. So, kung tama ang pagkakarinig ko kaming dalawa lang ng Padua na 'yun? Lul talaga.

"Nak concern lang ako. Kaya, sumunod kana. Sabi na rin ng papa mo. Lock mo ang pinto ha. Ayun 'yung pera sa ibabaw ng drawer. Ingat ka 'nak. Wag kang careless." Mama reminded. Grabe naman si Mama! Iiwanan ako kasama ng pangit at bipolar na 'yun.

Nakabihis na rin si Mama at ready to go na sa kasal na pupuntahan nila. Nag-paalam na si Mama at naiwan ako habang tulala at pino-proseso ang lahat.

"Ano?" I said as Padua saw me approaching near to him.

Umupo naman ako sa dulo ng sofa.
"Ba't pa kasi nandito yan e," bulong ko.

"You cannot undo what is already done," makahulugan niyang sabi. Pinagsasabi niya diyan? I ignored his remark.

"I don't care! Do'n ka nga sa inyo!" I scowled harder. Tumayo na ako at pinatay ang t.v

"Hoy! Ang ganda ng pinanood ko. Ba't mo naman pinatay?"

"Bakit? Bahay mo? Bahay mo?" I mocked.

"Hindi."

"Oh yun naman pala. Tsupi! Layas!" I shoo him away with my hands.

"Di mo ko mapapalis. My parents ordered me to stay here," aniya. Luh siya! 'Di niya ba ma-gets na ayaw ko sa kanya rito. Mukha niya palang naabalibadbaran na ako. Umupo siya sa inupuan niya kanina.

Kasi naman. Mama shouldn't have left me with this guy. He's just so irritating!

"Eh ano naman?" Napameywang pa ako at tinaasan siya ng kilay.

"Alam mo wala ka ng magagawa dyan. Kesa mag-inarte ka at mag-ngawa dyan, manahimik kana lang," cool nya pang sabi habang itinaas pa ang dalawang kamay sa ere at ipinatong sa kanyang ulo. Ginawaran ko na lang siya ng irap. Kainis 'tong mokong na 'to!

"Ba't ba ang sungit mo?"

"Wala!" s

"Kita mo, ang init ng ulo mo. May gwapo ka namang kasama. Meron ka noh?" Nanlaki ang mata ko at binalingan siya.

"Wala noh! Pinagsasabi mo? Hanap ako ng pake!"

"Kulang ka lang siguro sa halik...* Nakangisi niya pang sabi.

"Shut up!" I hissed. He leaned closer to me.

"Ano ba?!" angil ko. pilit ko siyang tinutulak palalayo. Inang 'to. Dadaanin niya na naman ako sa pag-gaganito niya.

"Sabihin mo lang Esguerra, hahalikan kita dyan."

"Asa!" Naitulak ko naman siya at dali daling tumakbo. I could hear his laughs. My head boiled in anger. The nerve of this guy! May problema talaga 'tong puso ko. Umayos ka naman, please.

Love On Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon