Kabanata 5

4.2K 156 40
                                    

"Rashiel, gising na." Nakaramdam ako ng yugyog sa balikat ko.

"Hmm." I'm still sleepy. I covered myself with blanket, eyes still closed.

"Gising na!" Yugyog muli ni mama.

"Isa, Rashiel. 'Di ka babangon dyan?" Narinig ko ang pagkairita sa boses ni Mama. Napakamot ako sa ulo.

"May competition pa kayo, Rashiel. Bahala ka sa buhay mo!" Doon na ako napabangon.

"Ano Ma?"

"May competition ka ngayon diba?"

"Ma anong araw ngayon?"

"Biyernes 'nak."

"Shit!" I freaked out. I squinted at my alarm clock. Shoot talaga! 7:05 na. 9 pa naman ang competition. Malayo kasi 'yun kaya kailangang maaga kami.

I took a quick bath and wore my uniform. I combed my hair and hurriedly went downstairs. Nakita ko pa si Papa at mama na nasa mesa na at kumakain. I joined them on the table.

"Ayan, ang tigas kasi ng ulo! May competition ka pala, tanghali ka pa nagising." Sermon ni mama. Hindi ko na lang pinansin at kinuha 'yong hotdog.

"Is that true Rashiel? Bat ka naman nagpapabaya?" I looked at papa.

"Sorry po."

"If you have some important things to do, you need to sleep early anak. Practice puntuality." Papa added.

"Opo." Nagpatuloy akong ngumuya nang may narinig kaming nagdoor bell.

Tumayo si Mama at pumunta sa pintuan para buksan ang pinto. Ako naman nagpatuloy lang kumain.

"Nandito pala, ang gwapong anak ni Mich." Napadako ang tingin ko sa kasunod ni mama.

Gwapo? Saan banda? Baka Sa talampakan. Nakabihis na rin si Padua tulad ko. Oh well, pareho kaming representative sa Journalism kaya ipinanlaban kami hoping na makapasok kami sa regional kung papalarin. He's the editor in chief of our school's publication. He was chosen by our adviser. No wonder why. Padua's just really good in writing and I commend him for that.

"Pinabibigay po ni Mama. Ginataang langka." abot naman ni Padua.

"Osha, hijo, sabay ka na sa amin." Aya ni mama.

"Baka kumain na 'yan ma." sabat ko.

"Ay yes po. Kumain na po." narinig kong sambit niya.

"Sayang naman 'to, Gray." tampo ni mama. Ninang din kasi  ni Gray si Mama kaya close din sila.

"Sabay ka na sa 'min, Padua." Papa said. He likes also calling the Padua's clan their surname. Kahit ako rin nasanay ng ganun sa kanya.

Walang nagawa si Padua kung hindi ang umupo at mas lalong nakakainis katabi ko pa siya.

Papa started the conversation by asking Padua's studies, etc. He bragged some of his achievements. Yabang, tss.

I didn't bother to listen more and focused on the food instead. Pabida talaga eh.

I've read seveal articles last night. That was the reason why I woke up late.

"Baka mamaya naman, Padua binabakuran mo na anak ko ha." Bigla akong nasamid.

Pilit kong inabot ang tubig pero ang layo. Napatingin naman ako sa nag abot sa 'kin nito. Si Padua. Patuloy pa rin akong nasasamid habang umiinom. Napahawak pa ako dibdib ko. Si papa talaga! Pareho kaming napatingin kay Papa.

"What? I'm just stating possibilities. Hindi malabong mangyari 'yun lalo na sa ganda ng anak natin." Papa said.

"Pa!" I protested.

Love On Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon