Kabanata 28

2.4K 85 15
                                    

"Ma!" I hurriedly went to Mama and kissed her cheeks. I hugged her too.

"Ma, I miss you," I whispered.

"Ako rin 'nak. Kamusta ka naman?" Bumitaw naman ako sa yakap niya.

"Bakit ka pa kasi magtatrabaho? Malaki naman kita ko, Ma eh."

"Ayokong nabuburyo sa bahay, Rashiel. Kailangan ko ng nagpapabalingan ng atensyon," sagot niya.

Tatlong araw din siyang nawala. Nag-work naman siya sa kumpanya ni lolo biglang direktor. May business trips daw siyang pinuntahan.

"Okay sabi mo eh. Basta huwag kang masyadong nagpapagod ha," sabi ko. Umupo naman ako sa sofa. I opened the TV and tried binging for netflix movies.

"Bakit kailangang mag-break? Pucha, napaka-arte ng babae!" inis na sabi ko. Napatahimik ako bigla nang maalala ko 'yung sarili ko sa babae, kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay. Nakakainis! Naalala ko na naman siya.

"Ma, luto ka ah?"

"Oo, mamalengke ako mamaya," rinig kong sigaw ni Mama nang magtungo sa kusina.

I went back to my room. I opened some of the books I usually read. Isa rin sa hindi nagbago at pinagplipasan ng panahon sa 'kin ay ang pagbabasa ko ng libro. Old habits die hard it is.
I smiled as I returned the book in its shelf. Pagkababa ko ay nakita ko si Mama na naghahain na ng pagkain.

"Ma, alis tayo mamaya. Punta tayo mall," aya ko sa kanya nang umupo na ako.

"Anong gagawin ko do'n?" she asked while putting the plates on the table.

"Kakain syempre tsaka date tayo!" I giggled.

Nandito kami ngayon ni Mama sa isang salon. I wanted to treat her today. They also offered nail arts which we did. Nagpa-foot spa na rin kami. We needed to pamper ourselves. I cut my hair too and colored it with maroon. Hanggang shoulder lang naman. Dahil nga doktor ako, lagi kong dinodonate 'yung buhok ko sa mga pasyente ko. Tinitigan ko ang sarili ko at bahagyang ngumiti.

"Ang dami nito, Rashiel," ani ni Mama habang bitbit ang ibang pinamili namin.

"Okay lang 'yan, Ma. Treat ko po 'yan sa inyo," I said with a smile. "Tsaka, minsan lang naman, Ma."

Kumain na rin kami sa favorite naming restaurant. Pagkalabas namin ay nagpaalam si Mama na mag-banyo lang siya.

Agad akong napahawak sa hamba ng glasswindow nang may bumangga sa akin.

"Bitch!" A woman hissed. Agad ko siyang binalingan ng atensyon at napagtanto ko agad kung sino siya.

"Ginna?"

"Bumalik ka na pala, bakit pa?" I frowned. She even crossed her arms.

"Anong problema mo?" singhal ko.

"Ikaw." Nginuso niya pa ako.

"Bakit ako? Wala akong natatandaang ginawa ko sa 'yo."

"Really? You hurted kuya!" She gritted her teeth. That shut me up. I gulped. "You bitch! How dare you leave kuya like that? You didn't have any idea of what he went through when you left!" Lumapit pa siya sa 'kin. "Don't you dare get kuya back," she whispered in my ears before leaving. I stood there still stunned. Napahawak ako sa dibdib ko. My heart clenched painfully.

"Okay ka lang anak?" Napalingon kay Mama.

"Ha? Okay lang, Ma. Tara," I said when I composed myself.

"Nakita ko si Ginna." Mama spoke when we were inside the car going home. Nakayuko akong tumango. "What did she say?"

"Ma, wala na po 'yun. Naiintindihan ko naman siya. It was my fault why we broke up."

Love On Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon