18

979 28 2
                                    

Chanyeol's POV

Napahagalpak ako ng tawa nung nakita ko yung folder na 'yun. Paano ba naman kasi, yung laman nun puro pictures niya na may hawak na Piny Pon. Though ang cute niya sa mga pictures na 'yun.

Tumingin tingin pa ako ng iba ibang folders and I found something that caught my attention. Folder na may nakalagay na "C" tapos yung cover is black na photo. As in literal na black.

Hmm, ano kaya 'to?

"Sir." May kumatok sa pinto kaya binaba ko muna yung phone.

"Yes?"

"Pinapatanong po ni Miss Jin Ah kung pwedeng pumasok." Napabuntong-hininga ako.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko agad si Jin Ah. Bungad na bungad eh.

"Hindi ka pa pala umaalis?"

"Ofcourse babe! Mag-bonding muna tayo. Please?" Nag-puppy eyes siya sa'kin but sorry, it will not work on me.

I don't even know kung bakit pa akong pumayag sakanya about this thing. Hindi naman talaga niya ako boyfriend. Talagang pinilit niya lang ako kasi nabaon sa utang yung company namin at yung parents niya ang tumulong sa'min. That's why umabot sa ganito.

"I don't have time. Let's do it next time." Hindi ko na siya inintay na sumagot at pumasok na ako sa kwarto.

Kumuha ako ng tshirt at kinuha ko rin yung susi ng kotse ko. Balak ko na sanang ibalik yung phone ni Baek.

"May tinignan ka ba dito?!" Nasa bahay na ako nila Baek at hanggang ngayon nakatayo pa rin ako sa labas ng bahay nila.

"Uh... yeah."

"Anong tinignan mo?! Bakit mo pinakielaman phone ko?! Phone ko 'to hindi sa'yo!" Kitang kita ko yung inis sa mukha niya.

"Sorry I just got curious so..."

"So?! Kahit na! Hindi mo pa rin dapat ginawa 'yun!" Nakita ko si Jin sa likod niya na papunta dito sa'min.

"Ano nangyayari dito?"

"Itanong mo sakanya! Nakakainis!" Padabog na umalis si Baekhyun.

"Pasok ka, Yeol."

"Hindi na. Napadaan lang naman ako dito para ibalik yung phone ni Baekhyun." Tumango tango si Jin.

Nagpaalam na ako sakanila except kay Baekhyun kasi hindi na siya bumaba. Parang ayaw niya talaga akong makita.

Taehyung's POV

Anong oras na nung nakauwi si Jimin kahapon. Mga 5pm na siguro 'yun. Nag-kwento naman siya kung paano sila nagkasama nila Yoongi.

God. Kaya ako, I will never ever drink. Lalo na kapag hawak ko phone ko. Baka kasi maya maya bigla nalang ako magkaroon ng nude photo tapos maging viral. Ugh, no no no.

"Hey." Napatingin ako sa nagsalita. Hays. Umagang-umaga ganitong mukha yung bubungad sa'kin? Tss.

"What do you want?" Siguro naman nahahalata niya sa tono ko na inis na inis na agad ako sakanya kahit wala pa siyang ginagawa ngayon.

"Nothing. By the way, kamusta ka naman?" Nakiupo pa sa upuan na nasa harap ko 'tong Lisa na 'to.

"Uhm, I just wanna let you know na may nakaupo diyan so pwede ba na umalis ka diyan?"

"Hah." Nakita ko na napa closed fist siya. Hmm....

"Eto inis na inis pa rin sainyo. Kaya kung ako sa'yo? Habang maaga pa, lumayo layo ka na sa'kin kasi baka manghiram ka na ng mukha sa ahas. Oh, tama lang. Kakambal mo naman." Nag-wink pa ako sakanya. Para naman hindi lang ako ang naiinis. Para mainis din siya.

Kitang kita na talaga yung pagkainis niya kasi feeling ko mababasag na yung ngipin niya dahil sa sobrang panggigil niya. Lol her reaction's so funny tho.

Padabog siyang tumayo at umalis sa harapan ko. Better.

"Woah. Is that Lisa?" Dumating si Baekhyun hyung na may dalang mga papers.

"Yeah. Para saan yan?" Tanong ko sakanya nung nakita ko yung papers.

"A lot of stuff. Parang nagsisisi na ako na tumakbo pa ako bilang student council president. Ugh, I hate it already." Tumawa lang ako sa sinabi niya.

Pinagusapan lang namin yung mga plano niyang gawin in the future. Wow, in the future. I mean-- yung mga plano niyang gawin as a student council president.

"Let's talk." Biglang may humila sa'kin. Nandito na naman tayo sa hila hila na 'to ugh.

"Teka! Ano ba kailangan mo? Hindi mo ba alam na kinakausap ko pa si Baek hyung?" Siguro naman alam niyo na kung sino yung napakagaling na humila sa'kin. Halata naman siguro. Okay. Keyword: gago siya.

"What did you do to Lisa?" Hihilain niya ako para lang itanong sa'kin kung anong nangyari sa babaeng 'yun?

"I didn't do anything to her." Normal kong sabi.

"I know you did something." Napairap ako.

"Eh alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong sa'kin. Gago ka ba? Oh. 'Di na ako magtataka. Gago ka nga naman talaga. Ba't pa ako magtataka eh halata naman." Ngumisi ako.

"Taehyung."

"Sino nagsabi sa'yo na pwede mo akong tawagin by my name? Tandaan mo hindi ko pa kayo napapatawad sa mga ginawa niyo sa'kin. So fuck off. Wala akong pake sainyong dalawa. Wala akong ginagawa sainyong dalawa. Hindi ko kayo pinapakielaman kaya 'wag niyo rin ako pakielaman. Basic." Umalis ako dun at bumalik ulit sa table namin nila Baekhyun hyung.

"Hmm, I smell something fishy. So tell me, what happened? Nagkabalikan na ba kayo?"

"The fuck. Never mangyayari 'yun."

"Ay. Akala ko naman."

"And if you're thinking na mapapatawad ko silang dalawa sa ginawa nila sa'kin? Sorry, but I don't know what forgive means."

"Teka, 'wag naman puro english. Chill lang."

Naupo nalang ako dun at nagsimula ulit na dumaldal si Baekhyun hyung.

-----------

sabaw ng update. sorry :( hell week kasi ni author nim this week, i promise na babawi ako sa weekends.




I'm Your Number One Hater | taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon