Jimin's POV
"Ha? Eh papaanong nangyari 'yun?" Tanong ni Baekhyun hyung. Halata sakanya na na-shocked din siya sa sinabi ko.
"Pero yung hindi kapani-paniwala dun ay hindi niya ako kilala."
"Baka naman hindi si Taehyung 'yun? Kamukhang kamukha lang talaga niya yung nakita mo. Sabi mo diba hindi ka kilala?" Alam ko si Taehyung 'yun. Hindi ako nagkakamali siya talaga 'yun. Hindi pwedeng hindi.
"Siya talaga 'yun. I swear." Sabi ko. Nag-promise sign pa ako.
"Sasama nga ako sa university mo bukas pakita mo sa'kin." Sumang-ayon ako sa sinabi ni Baekhyun hyung.
THE NEXT DAY...
Baekhyun's POV
Umaga na ngayon at nagre-ready nalang ako ng susuotin papunta sa university ni Jimin. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ni Jimin. Alam mo 'yun? Gusto ko maniwala pero ang hirap kasi eh. I mean like, ilang taon ng walang paramdam sa'min si Taehyung tapos bigla lang siyang magpapakita ng ganun ganun lang?
Pumasok sa kwarto ko si Jimin. Naka-ready na siya. "Okay ka na ba?" Tanong niya.
"Oo. Tara?" Tumango siya kaya nagtungo na kami sa kotse ko at nagpunta sa university niya.
"So saan na yung kine-kwento mo?" Nakarating na kami ngayon sa university ni Jimin.
"Just wait. Makikita din natin siya." Para kaming nagpapaka-detective dito dahil hinahanap namin yung sinasabi niyang si Taehyung raw.
Dahil naiinip na ako ay sinabi ko muna na pupunta ako sa cafeteria meron din kasi siyang klase kaya naghintay nalang ako sa cafeteria.
Habang naghihintay ako ay bigla akong may nakitang pamilyar sakin. Nakipag-eye contact din siya sakin.
"Chanyeol— shit! Chanyeol." Nagulat ako kaya bigla akong napayuko. Pero too late dahil mukhang namukhaan niya din ako.
"Baekhyun!" Unti-unti akong humarap sakanya. Umupo siya sa kaharap kong upuan. Wow? Pinaupo ko ba siya diyan? "How are you?"
I let out an awkward laugh. "Okay naman. Ikaw?"
"I'm fine. So, uh, I saw you yesterday and bakit bigla ka namang umalis?" Nakita niya pala ako kahapon? Hindi manlang niya ako tinawag? Tss.
"May biglaang emegency kasi. Bakit hindi mo ako tinawag?"
Napakamot siya sa batok niya. "I though you're avoiding me."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ha? Ikaw? Iiwasan kita? For what reason?"
"Ah oo nga naman. Bakit mo naman ako iiwasan? Ang ano ko talaga minsan."
"By the way, why are you here?" Tanong ko sakanya.
"Ah, sinamahan ko lang si Jinri. May kailangan kasi siyang kunin dito." Napatango ako. Si Jinri nanaman.
"Are you—?"
"Ye—" hindi natapos ni Chanyeol yung sasabihin niya dahil biglang nag-ring yung bell. Thank goodness. Makakalayo na din ako. I don't want to feel his presence near me.
"I should get going. Lunch na kasi nila Jimin ngayon." Tumango siya. After nun ay naghiway na kami kasi baka mamaya makita pa kami ni Jinri na magkasama at baka maghamon nanaman ng away.
"Baekhyun hyung!" Napalingon ako kung saan galing yung boses na yun at nakita ko si Jimin na palabas ng classroom niya.
Lumapit ako sakanya. "Ayun siya." May tinuro si Jimin na palabas ng back door. Nagulat ako sa nakita ko. Si Taehyung nga! "Pero hindi niya ako naaalala."
"Try ko kaya?" Lumapit ako kay Taehyung kaya medyo nagtaka siya kung bakit nilapitan ko siya.
"Hi Taehyung!"
"You know me?"
"Ofcourse! You, do you know me?"
"I'm not sure. But to be honest, no." Medyo kumirot yung dibdib ko dahil sa sinabi niya. He doesn't know me? Bakit? Anong nangyari sakanya?
——————————
Jungkook's POV
"Oh, ba't ganyan mukha mo?" Tanong sakin ni Yoongi. Bakit nga ba ganito yung itsura ko? Ilang araw ko nang paulit ulit na binabasa yung sulat na binigay sakin ni Taehyung. I can't help but to think... where is he?
"Sa tingin mo, nasa'n na kaya si Taehyung? Posible kaya na wala na siya?"
"Hindi natin yan malalaman kung hindi natin aalamin." Napaupo ako sa sofa.
"Paano ko aalamin eh hindi ko nga alam kung saan ako maguumpisa?"
"Edi tanungin mo sila Jimin— no. Nevermind. Ako nalang magtatanong kay Jimin. You ask Baekhyun and the others."
"Puro ka nanaman Jimin."
"Shut up."
Yoongi's POV
"May alam ka ba kung saan si Taehyung ngayon? May balita ka ba tungkol sakanya?" Tanong ko kay Jimin.
Kasama ko si Jimin ngayon sa isang cafe na malapit sa university namin. Nasa iisag university lang kami kaya hindi namin maiiwasan na magkita-kita.
"Okay. I'm gonna tell you something but you need to promise me not to tell Jungkook." Tumango ako.
"Taehyung is alive and he's studying at the same university with us."
BINABASA MO ANG
I'm Your Number One Hater | taekook
Fanfiction"And now, the tables have turned Jeon Jungkook." || Unknown Number Book 2 ||