Jungkook's POV
"Mrs. Kim buti po nakadating kayo..."
"Nasaan ang anak ko?! Nasaan si Taehyung?!" Halatang galit na galit si Mrs. Kim sa akin ngayon. Hindi ko naman siya masisisi dahil concerned lang siya sa anak niya.
"Nasa loob po." Nilapitan muna ako ni Mrs. Kim bago pumasok sa room ni Taehyung.
"Ilang beses ko na sinabi sayo hindi ba?! Layuan mo na si Taehyung! Puro na lang kamalasan binigay mo sa anak ko, Jungkook! Lumayo ka na sakanya!" Sabi sa akin ni Mrs. Kim. Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya. Pero mukhang tama naman siya. Puro kamalasan nga ang inabot ni Taehyung dahil sa akin.
Tinawagan ko na sila Seokjin hyung kaya siguro papunta na rin sila dito.
Seokjin's POV
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Jungkook nang makarating kami sa hospital.
"Sobrang init kasi niya nung chineck ko yung temperature niya, hyung. Kaya sinabi ko na may lagnat siya, tapos bigla na lang siya nawalan ng malay." Sabi ni Jungkook sa akin
Papasok na sana kami sa room ni Taehyung kaso biglang lumabas si Mrs. Kim.
"Kayo na naman?! Ayokong lumalapit kayo kay Taehyung! Kaya pwede ba? Layuan niyo na siya?!"
"Teka, Mrs. Kim ano po ba ang nagawa namin at galit na galit kayo sa amin? Inaalagaan naman po namin si Taehyung ng mabuti. You didn't even informed us kung saan kayo nagpunta nung nagpa-surgery si Taehyung." Sabi ni Kyungsoo.
"W-what?" Parang hindi rin makapaniwala si Jungkook dahil sa narinig niya. Wala rin naman siyang alam sa kung anong nangyayari eh.
"Kayo! Lahat kayo! Lahat ng 'to nangyayari sa anak ko dahil sa inyo! Kaya lubayan niyo na siya!"
"Wait, Mrs. Kim hindi po kasi namin maintindihan. Wala naman po kaming nagawang masama. Eh kayo po? Ano po bang ginawa niyo kay Taehyung at hindi niya na kami maalala?" Tanong ni Baekhyun.
"Gusto niyo talagang malaman?" Lumapit siya sa amin sabay ngisi. "Araw-araw ko siyang pinapainom ng medicine for memory loss kasabay ng mga gamot na iniinom niya after ng surgery." Tama ba 'tong naririnig namin? Paano magagawa ni Mrs. Kim 'to?! Hindi ko alam anong nangyayari sakanya.
"Dapat malaman ni Taehyung 'to!" Sabi ni Baekhyun.
"Sige! Tignan natin kung maniniwala siya sainyo. I'm his mother! Kaya sa akin siya makikinig. Kaya lumayas na kayo dito! Layas!" Wala kaming nagawa kung hindi umalis kaya hindi rin namin nakamusta si Taehyung.
Kyungsoo's POV
Sobrang nakakagulat yung mga nangyari kanina sa hospital. Hindi kapani-paniwala yung inasal ni Mrs. Kim kanina. Sobrang bait pa naman niya sa amin noon.Nandito kami ngayon sa cafeteria na palagi naming pinapuntahan noon na malapit sa university. Lahat kami nandito pati sina Jungkook. Pinaguusapan namin kung anong gagawin namin para makaalala si Taehyung.
"Saan siya nagpunta nung nagpa-surgery siya?" Tanong ni Jungkook sa amin.
"Sa Paris." Sagot ko.
"And you guys didn't even bother telling me?"
"Si Taehyung ang nagsabi sa amin na 'wag ipaalam sayo kasi sa tingin niya 'yun yung nakakabuti." Sagot ni Jimin.
"So, what is our plan?" Tanong ni Namjoon.
"I'm gonna talk to him." Sabi ni Jungkook.
"Panigurado magiging bantay sarado 'yun dahil sa mga nangyari ngayon." Sabi ni Chanyeol.
"Ako na bahala." Sabi ni Jungkook. May tiwala naman kami kay Jungkook kaya alam namin na hindi siya papalpak.
Jungkook's POV
Malapit na mag-time kaya agad akong nagpunta sa classroom nila Taehyung para sunduin siya at kausapin.Pagkarating ko nagsisilabasan na sila kaya't tinawag ko agad siya kaso lang mag biglang umaligid sakanya. Yung Sojoon yata at Erin.
"Taehyung, wait up!" Humbaol ako sa kanila.
"Hey, Jungkook. What do you need?" Tanong niya sa akin.
"Can we talk?"
"Sorry pero may pupuntahan pa kami eh." Sabi ni Erin. "Come on, Taehyung."
"Please, this is very important." I looked at him straight in the eye.
"Sinabing hindi nga pwed—" hindi ko na pinatapos magsalita si Sojoon dahil bigla ko na lang siyang sinapak. Ayun na lang ang natitirang solusyon para makausap ko si Taehyung.
Agad ko siyang hinila hanggang sa makapunta kami sa rooftop kung saan ko siya hinila noon. Yung off limits na rooftop.
"Hey! What the heck?! Para saan yung suntok na 'yun?!" Galit na galit siya sa akin ngayon pero wala na akong pake. Gusto ko malaman niya na lahat ng katotohanan ngayon.
"That's the only solution I've got. I need to tell you something. Very, very, very important."
"I'm listening.."
"I need you to stop taking you medicines." Sabi ko agad sakanya.
"What?! Are you okay, Jungkook?! Gusto mo ba akong mamatay?!"
"I'm trying to save you, Taehyung." Sabi ko sakanya pero mukhang hindi niya naman naintindihan.
"Your mother. She kept giving you pills na hindi naman nakakatulong para sa recovery mo. Instead, you're suffering from memory loss. Kaya nakalimutan mo kami lahat. Hindi mo kami maalala. Sojoon, he's your enemy back then. Pakulo lang ng mama mo 'to, Taehyung."
"Bakit naman kita paniniwalaan?" Sabi niya sa akin.
"Gusto kong bumawi sayo, Taehyung. At ito na 'yun. Babawi ako by trying to save your life." Hindi ko alam kung magandang rason ba 'yun para maniwala siya kaya bahala na.
—
Grabe! Sobrang tagal bago mag-update ni author ano? Sorry guys! Sorry sa mga napaghintay ko :( pero nandito na ako ngayon guys! And promise ko I'll always keep you updated, y'all!
And stay safe guys! Always wash your hands! Love you all guys!
BINABASA MO ANG
I'm Your Number One Hater | taekook
Fanfiction"And now, the tables have turned Jeon Jungkook." || Unknown Number Book 2 ||