Taehyung's POV
Binabagabag pa rin ako sa sinabi ni Jungkook sa akin. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo or what. Bakit naman gagawin ni eomma 'yun sa akin? I'm her son.
"Eomma, can we talk?" I said pagkadating ko sa bahay namin.
"I have something to do, Taehyung. Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas 'yan?"
"Yes... yes. Ofcourse."
"Taehyung." Nilapitan ako nila Jimin at Baekhyun hyung. "Maniwala ka naman sa amin. Ginagawa namin 'to para sayo. Sa ikabubuti mo."
"Tigilan niyo na nga ako! Hindi niya magagawa 'yun sa akin, okay?! Kaya tama na! Layuan niyo na ako!"
"Hey, about what I said the other day..." bungad sa akin ni Jungkook.
"Can you please stop? Tumigil na sila Jimin kaya tumigil ka na rin. I don't believe you. I don't trust you. Didn't you broke my trust before? So why would I trust and believe in what you say now?"
"You don't understand, Taehyung." Hindi ko na mapigil yung galit ko sakanya. Bakit ba niya pinipilit lahat 'to?!
"What?! Ano ba yung hindi ko maintindihan ha?! Ipaintindi mo sa akin, sige!"
"I never cheated on you. I never did." Sabi niya.
"I don't believe you."
"You thought I cheated but I never did. Unang una pa lang, tinuring kong kaibigan si Lisa. Pero simula nung naghiwalay yung mga magulang niya she's been depressed. Ako lang ang nakakausap niya. Akala niya siguro onti onti ring nahuhulog yung loob ko sakanya. Pero hindi. Simula't sapul nasa iyo na yung puso ko, Taehyung. Ako lang nakakaalam sa lahat ng nangyari noon. Hindi alam nila Yoongi." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kaba at galit... naghalo na.
"Bakit hindi mo ako binalikan?" Tanong ko sakanya.
"Your mom won't let me. Kahit nung nasa hospital kami. Naka-confine ka, remember? Pinalayas niya kami nila Seokjin hyung dahil ayaw na niyang lumalapit kami sayo." Pati sila Seokjin hyung nadamay?
"We're here to protect you, Tae. Kaya sana kung nasira ko man yung tiwala na binigay mo sa akin. I'm here to earn your trust again."
"I gotta go." Agad-agad akong umalis papalayo sakanya dahil hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sakanya.
Napukaw ng atensyon ko sila Erin at Sojoon na magkasama. Pupunta na sana ako sakanila kaso narinig ko na nagsisigawan sila.
"Pwede ba, Erin?! Tama na!" Boses ni Sojoon..
"What the hell! Ipagpapalit mo ako para sa Taehyung na 'yun? Sojoon, ginagawa lang natin 'to para sa pera!" Kumirot ang dibdib ko nang marinig ko 'yun. Para sa pera? This was all just an act?
"Tama ka! Para sa pera. Kaya 'wag kang kumuda diyan dahil parehas tayong kumikita dito!" Hindi ko na kayang magtago lang sa isang tabi kaya hinarap ko silang dalawa.
"Mga hayop kayo! Sino nagpasimuno nito ha?!"
"Taehyung.."
"Don't you dare try to call me by my name! Sino ha?! Sumagot kayo!" Galit na galit na ako ngayon. I can't even control my temper. Lahat ng galit ko nilalabas ko sakanilang dalawa.
"Y-your mother. Inutusan niya kaming kaibiganin ka kapalit ng pera..." Paano niya nagawa sa akin 'to?! I'm her son!
Dahil hindi ko na kinakaya yung tensyon sa aming tatlo, iniwan ko na silang dalawa doon. Magsama silang dalawa.
"Let's talk." Nandito ako sa office niya ngayon dahil hindi na ako mapakali kakaisip. Pakiramdam ko mababaliw ako hangga't hindi ko nahahanap ang sagot na kailangan ko.
"I'm really busy right now, Taehyung."
"Why the fuck would you do that?" Nabigla siya sa sinabi ko pero agad din siyang huminahon.
"What are you talking about?"
"Let's not play dumb here, shall we?" Ramdam na ramdam ko ngayon yung galit ko sakanya. She's my mom, yes. Pero sobra na e. Sobra sobra na yung nangyayari sa akin ngayon na siya lang pala ang may gawa all throughout.
"I don't know what you're saying, Taehyung! I'm really confused right now." Mahinahon pa rin siya ngayon kaya binato ko yung pera na binibigay niya kay Sojoon at Erin.
"Ano 'to?! Pera. Para saan?! Para paikutin ako?! Well, congrats! Nagtagumpay ka. Pero ngayon? Asahan mo na hindi mo na ako maloloko! Kasi lalayo na ako sayo! Hindi na ako babalik sayo at hindi na kita tinuturing na ina!" Bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang umiiyak.
"No, no. Taehyung, please. Don't leave me here. Please, Taehyung. No.." hindi ako makaramdam ng awa sakanya. "Ginawa ko lang 'yun para sayo, Taehyung. Para mailayo kita sakanila."
"Pero sila nga yung nagpapasaya sakin eh, anong magagawa mo? Nilalayo mo yung mga taong dahilan kung bakit nandito ako ngayon! Pero hindi sila yung pinagkatiwalaan ko. Ikaw! Kasi ang akala ko 'yun yung tama eh. Pero hindi!"
"Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita dahil sa ginawa mo. Pero siguro, mapapatawad kita. May puso pa naman ako. Pero hindi ngayon." Umiiyak pa rin siya sa harap ko pero wala akong magawa. Hindi ko alam gagawin ko.
"I gotta go. I still need to pack my things." Iniwan ko siya doon na nakaluhod rinig ko pa rin yung iyak niya pero hindi na ako bumalik pa.
I guess it's never too late to say sorry...
BINABASA MO ANG
I'm Your Number One Hater | taekook
Fanfiction"And now, the tables have turned Jeon Jungkook." || Unknown Number Book 2 ||