29

49 4 0
                                    

Jimin's POV

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Yoongi kasi nasa tabi ko na naman siya. Hindi ko alam na alam niya 'tong lugar na 'to. Isa 'tong tagong lugar kaya hindi ko alam kung paano siya napadpad dito.

"Dito ako pumupunta sa tuwing gusto kong mapag-isa. But it's nice to have some company. How'd you know about this place?" Tanong niya sa akin.

"Dati kasi, dito na ako nagpupunta sa tuwing malungkot ako, galit or gaya mo, gusto mapag-isa. Bigla na lang din akong napadpad dito noon eh." Sagot ko sakanya.

Ilang minuto na ang nakalipas pero ni isa ay wala pa ring nagsasalita sa amin.

"Totoo ba yung sinabi mo sa akin noon? Na hindi mo talaga ako gusto?"

"Tanga ka ba?" Tanong ko sakanya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. "Seryosong tanong 'yan. Hindi mo pa ba nahahalata na may gusto ako sayo? Kaya ko lang sinabi 'yun kasi nasaktan ako, Yoongi. Nasaktan ako." Paliwanag ko sakanya.

"I'm sorry."

"Okay lang. Kalimutan mo na 'yun. Besides, masaya ka naman na ngayon so ayaw na kitang guluhin.." 'wag kang iiyak... kaya mo 'to.

"Thank you. Magiging okay din 'to lahat. Pati si Taehyung. Babalik din siya. Tiwala lang." Sabi niya sa akin sabay ngiti.

Habang kumakain kami ng breakfast nakarinig kami ng doorbell kaya nagpunta ako sa labas at binuksan yung gate.

"Sandali lang." Sabi ko kela Seokjin hyung saka ako pumunta sa labas para buksan ito.

Pagkabukas ko, nagulat ako nang biglang bumungqf si Taehyung. Agad naman niya akong niyakap nung nabuksan ko na yung gate.

"I'm sorry. Sorry kasi hindi ako nagtiwala sa inyo. Sorry sa inasal ko nung nakaraan. I still may not remember every single thing na pinagsamahan natin noon pero I know that I can trust you guys." Paliwanag niya sa akin. Pinapatahan ko lang siya.

Ilang minuto pa dumating na rin sila Baek hyung sa labas at nakita si Taehyung na nakayakap sa akin kaya lumapit na rin sila at niyakap si Taehyung.

"We're glad you're back." Sabi ni Kyungsoo hyung.

"I'll never leave guys again." Sabi ni Taehyung.

Taehyung's POV

It's actually nice going back here. Sa kwarto ko. Dito sa bahay na 'to. Parang feeling ko kumpleto lahat. Pero isa na lang ang kulang.

"Hey. Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.

"Bawal ba pumunta?" Sagot ko naman.

"Ikaw talaga." Natawa siya. "Come." Pinapasok niya ako sa bahay nila. Wala pa rin naman masyadong nagbabago. Ganun pa rin.

Nagpunta kami sa garden nila. Masarap ang simoy ng hangin habang nag-uusap kami. Hindi ko maikakaila, I missed him. I missed his presence. I was actually lying when I said that I don't want his presence near me. In reality, it actually brings me joy.

"Nakatulala ka na naman." Sabi ni Jungkook sa akin.

"I'm sorry." Sabi ko sakanya. It felt great when those words came out my mouth.

"For?"

"For everything."

"I am the one who should actually say sorry. Sorry because I hurt you. Ilang beses na yata kitang nasaktan. I don't deserve you." Paliwanag niya sa akin.

"No, Jungkook. Lahat ng ginawa mo. You only did that because you're her friend, right?" Tumango siya. "I understand that."

"Mahal kita, Taehyung. Simula pa nung una. Ikaw  na talaga yung tumatak sa puso't isipan ko."

"Tell me something I don't know." Sabi ko sakanya kaya natawa siya.

"I want to spend my whole life with you." He said, "will you give me another chance?"

"No," nagulat siya sa sinabi ko. "If I say that, I know I would definitely regret it for the rest of my life. So yes. I'm willing to give you another chance, Jeon Jungkook." Napatayo naman siya at nagtatalon dahil sa tuwa.

"Para ka namang nanalo sa lotto sa sobrang saya mo." Sabi ko sakanya.

"No, this is even better than winning a lottery." Napangiti ako sa sinabi niya.

"No matter what happens. You'll always be my number one, Taehyung." He pulled me into a tight hug.

Hahalikan niya na sana ako kaso bigla kong tinakpan ang bibig ko. "Next time na. For now sa cheeks muna." Pagkasabi ko no'n agad naman niya akong hinalikan sa pisngi.


Let me rephrase what I said before. From being your number one hater to being your number one lover.

I will always stay by your side, Jeon Jungkook.

- FIN -

—————
Bitin ba? Wait for the special chapter as I try to remember the plot of this story, chz! Sorry for the malalang late update, actually this chapter was already in my drafts na nung 2020 pa pero hindi ko pala siya na-publish for some reason? Siguro because it's really lacking pa. Pero I'll still pub it na lang for you guys lalo na for those who really waited talaga. Grabe ganito rin ako dati when it comes to waiting for updates sa fave stories ko. Anyway, love u all! Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Your Number One Hater | taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon