"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Magkasama kami ngayon ni Kyungsoo dito sa cafe 'cause I don't know why bigla ko nalang siyang niyaya.
"I just wanna talk, Soo. Masama ba?""Oo. Kasi pag nakita ako ng mga baliw na baliw sayo. Dito. Kasama ka. Sa iisang table. Mapapaaway na naman ako. Palibhasa kasi..." Hindi ko narinig yung sinabi ni Kyungsoo kaso tumagilid siya.
"Ano?"
"Ah. Wala. Aalis na ako." Hinawakan ko yung braso niya bago pa siya makatayo.
"No. You're not leaving."
"Wow? Sino ka para magdesisyon kung aalis ako o hindi?"
"I'm your future---"
"Ulol. 'Wag mo na ituloy kasi hindi mangyayari yan. Bitiwan mo kamay ko." Biglang may tumawag sa'kin kaya napalingon ako kung saan nanggaling 'yun.
"OMG. Jongin?! The Kim Jongin!! OMG!!"
"Shit." Patuloy pa rin na kinukuha ni Kyungsoo yung kamay niya pero sorry, I have an idea. *evil laugh* joke.
Tumayo ako kaya napatayo rin siya. Inakbayan ko siya kaya medyo nagulat yung ibang tao na nakakita non.
"Parang alam ko na 'tong scene na 'to. Diary ng panget?! Hoy, sorry pero hindi ata ako yung panget na kailangan mo. Masyado akong gwapo para magi----" Tinakpan ko yung bibig niya dahil sobrang ingay niya. Hmm, ang daldal ni Soo ngayon ah.
"Hello girls. This is Do Kyungsoo, my boyfriend. Kung sino man yung umaway sakanya o kaya i-bully siya. Magtago ka na." Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala. I end up being Kyungsoo's boyfriend? Hah.
"Tignan mo, hindi sila makapaniwala na nagkaroon ka ng boyfriend na katulad ko." Bulong ko sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Paano ba yan? Legal na tayo."
"Excuse me?! Anong legal? Hindi nga kita sinagot!"
"Ah? Sige sasabihin ko nalang sakanila na pinilit mo ako na maging boyfriend ka." Nagulat siya sa sinabi ko. "Actually, Kyungsoo---"
"Babe! I'll go now okay? See you tonight at my place?" Ngumisi ako.
"Tonight. Your place."
Kyungsoo's POV
"Ha?! Ano? Seryoso ba yan?" Napatayo si Baekhyun nung magkwento ako sakanya tungkol sa nangyari sa cafe.
"Calm down. Hindi ko din alam na mangyayari 'to."
"You know that he's famous because of his looks, money, and most likely for being a playboy."
"Baekhyun, it's fake okay?"
"What do you mean?"
"It's Kim Jongin. Kapag alam ng iba na legal kayo sa paningin nila. Para sa'min naman peke. Fake yung relasyon namin para sa'min. Gets mo?"
"No?" Napairap nalang ako sakanya. Kahit kailan talaga.
"Uy, nakita niyo ba si Taehyung?" Bumaba si Jin mula sa hagdan.
"No. We haven't seen him yet. Why?" Sagot ni Baekhyun.
"7pm na pero wala pa rin siya." Tumingin ako sa orasan at oo nga. 7pm na pala agad? Parang ang hilis ng oras.
"Baka may ginawa lang sa school?" Minsan kasi nagpapa-late yung si Taehyung sa school dahil sa projects and also si Jimin din.
"Where's Jimin?" Tanong ko.

BINABASA MO ANG
I'm Your Number One Hater | taekook
Fiksi Penggemar"And now, the tables have turned Jeon Jungkook." || Unknown Number Book 2 ||