21

867 33 7
                                    

Jimin's POV

Two days have already passed pero hindi pa rin nagigising si Taehyung. Hindi pa dumadalaw sila Jungkook dito at hindi pa rin alam nila Seokjin hyung yung nangyayari. Sinabi ko lang na matutulog kami ni Taehyung sa bahay nila.

Nagulat ako nang biglang magsalita si Taehyung. "Why am I here?"

"Taehyung... you're awake!"

"Huh?" Hindi niya siguro alam kung ano yung nangyari.

Kinwento ko sakanya yung nangyari nung time na nahimatay siya at hindi siya makapaniwala na nangyari 'yun.

"I.... uh also have a bad news---" Hindi na ako pinatapos ni Taehyung at inunahan niya na ako sa sasabihin ko.

"I know. I already know. Grade 3, right?" Napatango ako. How come alam niya lahat ng 'to?

"How did you know?"

"Alam ko lahat ng 'to kasi nagpa-check up na ako before kasama si mom." Alam na pala ni tita?

"And the results... were positive. I have a Brain Tumor." Nginitian niya ako. How come nakakangiti pa siya ng ganyan samantalang ako hindi na nga ako makahinga ng maayos dito.

"Bakit ka ngumingiti ng ganyan?" Natatawa siya sa itsura ko ngayon.

"Siguro nga eto na yung kapalaran ko eh. Hanggang dito nalang ako. Tsaka 'di pa naman ako nawawala sa mundong 'to kaya stop crying." Hinawakan ko yung pisngi ko at naramdaman ko na naiiyak na nga ako.

"Call Kyungsoo hyung."

"Huh, bakit?"

"He knows something about this. I know." Paanong may alam din si Kyungsoo hyung dito? Hindi ko pa naman nasasabi sakanya?

"Okay." Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ni Kyungsoo hyung.

Nakausap ko si Kyungsoo hyung at may alam nga siya tungkol dito. How come?

"I am going to Paris for my surgery." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paris?! Bakit sa Paris pa?" Edi ibig sabihin malalayo sa'min si Taehyung.

"I don't know." Natawa pa siya. "I'm leaving next week. Can you promise me one thing?" Tumango ako.

"Pwede bang 'wag mo sabihin sa iba 'to? But except for you and Kyungsoo hyung ofcourse. Please don't tell Baekhyun hyung and Seokjin hyung. Lalong lalo na kay Jungkook. Please..."

"You still love Jungkook am I right?" Ngumiti lang siya.

"Anyways, we're gonna stay at a hotel for the next few days so aalis na rin muna ako at hindi niyo muna ako makikita."

"What?! Taehyung, no. Please don't leave us."

"I need to. Sandali lang 'to Jimin. I promise." At 'yun na yung huling pagkikita namin.


[ please play the video at the multimedia box for more feeeeeels uwu ]

Dear Jimin,

Jimin-ah ~ this is Taehyung! Nasa Paris na ako ngayon :) Ang ganda dito super. I wish you were here with me. Pero I promise pupunta tayo dito! Kapag wala na akong sakit. :) I will come back for you Jimin-ah. Anyways, ngayon yung surgery ko. Pray for me juseyo~ miss ko na kayo. Sana nandito kayo pero ayokong makita niyo ko na nasasaktan. Kasi alam ko na maiiyak kayo hahahaha. Siguro ngayon umiiyak ka na. Don't cry. Hindi ako mawawala i promise, lalaban ako. Saranghae Jimin-ah ~ !!

Dear Seokjin hyung,

Hyung! Ngayon pa lang ako aamin sayo. Pero nevermind hehe tanong mo nalang kay Jimin. Pagod na kasi ako magsulat. Wag kayong mag-alala hyung babalikan ko kayo. Wag na kayong mag-drama baka mamaya magsama sama pa kayong mag-drama. Ingat kayo palagi hyung!

Dear Kyungsoo hyung,

Hi Soo hyung! Alam ko na ikaw lang yung hindi maiiyak dito kasi iyakin yung iba lalo na si Seokjin hyung nako baka bahain kayo diyan. Alam ko na may alam ka before hyung kasi malapit sa first aid yung ticket ko before hindi ba? Mag-iingat ka hyung! Alagaan mo sarili mo hyung. Mahal ko kayo!

Dear Baekhyun hyung,

Hyung! Yung kambal ko! Mag-iingat ka! Wag ka muna magboboypren hanggang hindi pa ako bumabalik diyan ah! Malulungkot ako kapag nagboypren ka ng hindi ko alam! Kayo dapat ni Chanyeol hyung magkatuluyan okay?! :( Hyung, mag-iingat ka palagi. Nako lampa ka p naman hyung. Joke lang :( baka puntahan mo pa ako dito ngayon para lang batukan ako. Mahal ko kayo hyung! Salamat sa pag-aalaga sakin dati!

Dear Kookie,

Hello Kookie! I just wanna say that, thank you. Thank you for everything you have done to me kahit na nasaktan mo pa ako before. Thank you for all the love. For loving me. Ako yung taong nangungulit sayo before. Yung naglalagay ng sulat sa locker mo. Yung nangs-stalk sayo. Ako yun lahat. Hanggang ngayon hindi parin nagbago yung pagmamahal ko sayo Jungkook. Parehas parin nung mga oras na nakita kita. Yung time na nahulog na ko sayo. Ganun parin kita kamahal. Hindi pwedeng mawala yung pagmamahal ko sayo Kookie. Kasi, wala na eh. Ikaw na talaga tong nasa puso ko. Naka-lock na to. Wala nang bawian. Yung mga pag-susungit ko sayo dati? Hindi totoo lahat ng yun. Acting ko lang yun. Ano pwede na ba ako maging artista? Kaso late na eh. Hindi ko na kakayanin. Kookie, sana hindi mo ko makalimutan. Always remember na mahal na mahal na mahal kita Kookie. I love you so so very much. Siguro by the time na mabasa mo to, it's either wala na ako o hindi ko pa oras. Once again, this is your number one stalker slash lover, Kim Taehyung signing off.

I'm Your Number One Hater | taekook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon