Chapter 1

6.6K 35 2
                                    

Tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, nasaan man ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kaya ako'y hagkan at yakapin
Hmmm~
Hanggang sa pagtanda natin


Masaya ko'ng pinagmamasdan sina lolo at lola habang sumasayaw sila. Ang mga kamay ni lola ay nasa balikat ni lolo habang nasa baywang naman nito ang mga kamay niya.

Balang araw, sana magkaroon din ako ng buhay kagaya nito. Mamuhay ng simple, magkaroon ng masayang pamilya, at makasama ang nakatadhana sa akin.

Pagdating ng araw ang iyong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin
Ang nakalipas ay ibabalik natin
Hmmm~
Ipapaalala ko sayo~
Ang aking pangako, na ang pag-ibig ko'y lagi sayo
Kahit maputi na ang buhok ko.


Balang araw magkakaroon din ako ng lalaking magiging katuwang ko sa habang buhay. Ang lalaking mag-aalaga sa akin, magmamahal, magpapaalala na lagi siyang nakaagapay sa akin ano man ang mangyari, yung hindi magsasawang haranahin ako araw araw, yung magbibigay ng bulaklak tuwing umaga, yung tipong kagaya ni lolo.

"Alice, tara kain tayo.", yaya sa akin ni mama kaya tumango ako bilang sagot.

May fiesta kasi sa amin kaya nagtipon-tipon ang pamilya ko. Habang naglalaro ang mga pinsan ko ay nandito ako, pinagmamasdan ang masasayang mukha ng aking lolo at lola. Hindi sa hindi ako marunong makihalobilu sa kanila kundi wala lang talaga akong ganang makipaglaro.

"Ate Alice tala lalo tayo, tutal magaling ka naman sa tumbang pleso eh. Siguladong matatalo mo sina kuya Edmon.", pinisil ko ang matatabang pisngi ng limang taong pinsan ko. Hindi ko maipagkakailang mataba siya ngunit maganda, bagay sa kanya ang nakatarintas niyang buhok. May hawak siyang tsinelas sa kanang kamay niya kaya talagang handang handa na siyang maglaro ng tumbang preso.

"Oh sige Kaye maglalaro tayo."

Hinila niya ako hanggang sa hardin na kung saan pinaliligiran iyon ng mga damo at mga bulaklak. Masayang naglalaro ang mga pinsan ko nang mapansin nilang nandoon ako kaya natigilan silang lahat.

"Oh Alice maglalaro ka?", nakita ko namang siniko ni Kuya Edmond si Kuya Roniel.

"Malamang kaya nga ngayon, may makakampi na si Kaye.", saad pa ni Kuya Edmond habang tinatapon tapon sa ere ang hawak niyang tsinelas.

"Oh Kaye tara na.", hinila ko siya papunta sa kung saan naroon sina Kuya. Pumwesto ako sa gitna habang pinagmamasdan ang lata na babatuhin ko.

"Ate Alice! Go Ate Alice! Go Ate Alice!", sigaw ni Kaye kaya mas lalong ginanahan ako.

Nang handa na ako, buong lakas ko iyong tinapon pero nawala ang tuwa ni Kaye nang hindi ko iyon tinamaan.

Wala akong nagawa kundi habulin sina kuya.

Ngayon ko lang uli itong muling naranasan. Unica Ija kasi ako nina mama at papa kaya tuwing fiesta, bgong taon, pasko at tuwing kaarawan ko lang laging nakakasama ang mga pinsan ko.

Maliban kapag naroon ako sa paaralan, marami akong nakaksalimuha.

" Alice bilisan mo! Tsk kahit kailan talaga napakabagal mo.", si kuya Edmond.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon