Chapter 2

2.6K 20 0
                                    

Monday, ang kinaiinisan ko sa lahat ng araw. Ang dami na namang mangyayare. Tulad ng maaga ka pa'ng gigising dahil may flag ceremony, kailangan pa'ng ipasa ang mga outputs o di kaya ay  mga assignments na pinagawa sa amin tuwing weekends. Kawawang Alice.

Bumaba ako ng dyip nang nasa harap ako ng Saint Ellane.

Laking pagtataka ko nang pumasok ako sa room. Yung iba nagpapaganda, may naglilipstick, may nagmimake-up, yung iba todo suklay ng buhok. What's happening here?

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na todo naman sa pagfi-facebook.

"Anong nangyayare?", takang tanong ko.

Biglang tumayo si Chase at lumapit sa akin. Nilagay ko muna ang bag ko sa upuan ko. "Duh, hindi mo ba alam na dadating ngayon si transferee?", saad niya kaya napaisip ako.

Kaya pala lahat sila todo paganda na!

Lumapit ako sa kanila, hindi na ko nagtataka kung bakit panay ang paganda nila dito.

Napatingin ako sa relo ko, its already 7:15, at limang minuto nalang ay flag ceremony na. Wala ba silang balak pumunta sa field para umattend ng flag ceremony?

"Guys!", tawag ko pero di nila ako pinansin. "Guys!", tawag ko uli pero patuloy lang sila sa ginagawa nila. Tsk, di ba nila alam na nandito ako?ano ako hangin? "GUYS! HINDI NIYO BA ALAM NA MALILATE NA TAYO SA FLAG CEREMONY? AT PAGNANGYARI YUN, MAGDUDULOT YUN NG KAHIHIYAN SA SECTION NATIN. KAYA KUNG AKO SA INYO AALIS NA TAYO DAHIL ILANG KINUTO NALANG AY MAG-UUMPISA NA ANG FLAG. CEREMONY!", napanganga sila. Nakakaitita naman kasi eh, anong oras na... kung ano ano pa yung inaatupag.

♠️♥️♦️

Nakatayo ako habang pinapaypayan ang sarili ko. Kakatapos lamang ng flag ceremony at heto na naman tayo... maghihintay na naman kami ng announcement.

Kahit naiinis akong maghintay kahit mainit ay nagtiis pa rin ako, dahil alam ko'ng kailangan.

Hindi ko maiwasang igala ang paningin ko para mabawasan ang pagkairitado ko dito.

Namangha ako sa pinaggagagawa ng iba. May nagpapaypay ng kilikili, may naghaharutan, may nagpipicturan, may nagchichismisan... at... at... biglang napako ang paningin ko sa isang lalake.

Lalakeng dala ang napakalaking itim na bag niya, suot ang uniporme namin, nakaupo sa isang bench sa harap ng punong acacia habang nakikinig sa musika gamit ang earphones niya, at higit sa lahat ay ang mga mapupungay na mata sa likod ng simpleng salamin niya. Mga matang mahirap labanan pero napakasarap titigan.

Namamangha ako sa tindig niya, ng taas niya, sa kung paano siya gumalaw... lalaking lalake.

Hindi ko na ata maiaalis ang paningin ko. Ang hirap labanan.

"Hoy, Alice!", nagulat ako nang sumigaw si Blyss sa harap ko. "Problema mo? Tsaka kanino ka tumititig?", bigla ko siyang binatukan kaya napakamot siya sa uli niya.

"Oh tingnan mo ang linya mo!!", turo ko sa linya namin habang unti-unting umaalis ang ibang mga estudyante.

Naalala ko bigla ang lalaking nakita ko.

Ang lalake sa  ang lalakeng nakaupo sa bench sa harap ng punong acacia. Sino kaya siya?




---


We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon