Chapter 25

978 11 0
                                    

Third Person's POV.

Rafael was about to enter when he saw his step brother standing in front of their gate.


Bumaba ito sa sasakyan niya at nilapitan ang kapatid, "K-Kuya", tawag nito pero hindi niya iyon pinansin, sa halip ay sinanyasan niya itong umalis.

Nagdalawang isip naman ito at tumingin sa harapan ng gate, "I said move! Humaharang ka sa daraanan ng sasakyan ko.", matigas na saad ni Rafael.

Hindi iyon pinakinggan ni Walter. Ilang araw na din kasing hindi umuuwi si Rafael simula nung bumalik ang kapatid nito mula sa New Jersey.

Kasalukuyan siyang naninirahan sa pinsan nitong si Dream.

Ang kapatid nitong si Walter ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Pilipinas para manirahan. Hindi pa rin kasi niya matanggap na pinagpalit na ng ama ang kanyang ina.

Aakmang hihilahin na niya sana ang kapatid nang maglaban ito, "Nakikitira ka pa rin ba kina Dream?-", pinutol na niya ang sasabihin ng kapatid.

"Bingi ka ba?! Ang sabi ko umalis ka jan at dadaan ang sasakyan ko!", matigas na sabi nito pero umiling lang ulit si Walter.

"Kailan ka ba uuwi, kuya?"

"Pakealam mo?!", napapikit ang kapatid niya sa sigaw ng kuya nito.

"Kuya", bumuntong hininga siya, "Wala talaga akong balak na kunin ang lahat sayo."

"Really?" , walang balak na maniwala si Rafael sa kapatid nito. "Do I have to explain? Hindi ikaw ang magdedesisyon sa kung ano ang gusto mo.If Dad makes the decision for you then you'll have to obey it.", napailing ito. "Di hamak naman na mas magaling ako kaysa sayo. Anak ka lang naman sa labas di ba?", tagos sa buto ang sinabi nito.

Wala namang balak na kunin ng kapatid nito ang yaman na para naman dapat sa kanya.

Lumapit si Rafael kay Walter at tinapik ito sa balikat, "Wag kang mag-alala, kukunin ko lang ang gamit ko at aalis.", tinalikuran na niya ang kapatid at umalis.

---

Alice's POV.


May bagong library na pinatayo ang paaralan namin kaya hinahakot na namin ang mga libro para dalhin doon.

Isaako sa inutusan ng librarian na dalhin ang mga libro sa nagong library.

Medyo basa na rin ang t-shirt ko dahil sa pagod.

Halos mabitawan ko na ang mga libro sa sobrang bigat. Sobrang dami pa naman ang pinadala sa akin, na halos lumagpas na sa ulo ko.

"Kaya?", tanong ng librarian kahit halata naman sa itsura ko na hindi. "Oh, siya... Alis!"

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon