Chapter 9

1.3K 12 0
                                    

Alice's POV.

"Wag kang matakot... nandito lang ako.", pakiramdam ko tumitigil ang mundo ko. Pakiramdam ko napakaraming paru paru ang nasa tiyan ko... pakiramdam ko... safe ako.

Bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso ko?

Ang yakap... yakap na nagsisilbing kumot sa napakalamig na gabi. Pakiramdam ko... ligtas ako.

Pero bigla akong natauhan?

"R-rafael... para yatang chansing ka.", mabilis siyang kumalas sa yakap.

Psh... bakit ko nga ba yun sinabi? Bwisit.

Ilang minuto din kaming natahimik. Pakiramdam ko, ang awkward dito. Kung kanina ay nilalamig ako... ngayon naiinitan na.

"May problema ba, Alice?"

"H-ha?", napalunok ako tapos umiling. "W-wala... ano ka ba. Wala.", pagsisinungaling ko.

Ano bang nangyayari sayo, Alice? What's happening?

"Nilalamig ka ba?", lumapit pa siya lalo sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko. "Nilalamig ka nga...", kumunot ang noo niya. "Pero, ba't pinagpapawisan ka?"

Napahawak ako sa noo ko... omygahd. Oo nga. Ba't ako may ganito? Juiceko nakakahiya. "Ah... siguro natatakot lang ako. Tama hahahah... natatakot lang ako."

Ngumiti siya tsaka kiniskis ang dalawa niyang palad.

Napangiti ako nang hindi ko alam. Ang gwapo pala niya sa malapitan. Ang swerte naman ni Claudine pagka-napangasawa niya ito.

Sa t'wing gigising siguro siya at mukha ni Rafael ang sasalubong... naku siguro buo na agad ang araw  niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinawakan ang aking pisngi gamit ang palad na kiniskis niya kanina.

"Ammm... human heat?", ano daw?
"Sorry... wala akong jacket na isusuot sayo. Pagtiisan mo nalang muna to."

Saktong huminto ang ferris wheel, senyales na oras na para bumaba ang mga pasahero nito.

Makalipas lang ang ilang minuto at lahat ng sakay nito ay nakalabas na, kasama kami dun.

Narinig ko ang pagtawa ni, Rafael habang naglalakad ito. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

Mas lalong lumakas ang tawa nito. "Eh kasi... yung itsura mo kanina habang nakasakay tayo sa ferris wheel... pft... hahahhahahahhahaha.", gusto ko'ng batukan ngayon ang lalaking to. Natatakot na nga ang tao pero panay lang ang tawa.

Bigla akong nagutom... nagrereklamo na naman ang mga alaga ko sa tiyan. "Gutom na ko.", pagrereklamo ko pa.

Mababaliw ako kapag hindi ako nakakain.

Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko. Nawala bigla ang gutom ko, at nagsipagtahimikan ang mga bulate ko. Parang may sanlibong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara, kain tayo... libre ko.".



---




"Aaaarrrgghhh!, grabe sobrang tamis naman ata ng cotton candy na to.", sumakit ang ulo ko sa kinain ko. "Wah.", napahawak ako sa noo ko, dahil bigla itong pumitik-pitik.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon