Chapter 4

1.9K 17 0
                                    

Nasa gitna ng discussion si maam ng makaramdam ako ng antok. Para labanan ang antok ay pinili ko'ng gumuhit ng mga larawan.

Hindi ko kayang makinig sa napakaboring na discussion ni maam. Kung pwede lang sanang matulog ay ginawa ko na.

"Omy.", bigla akong napabalikwas sa kinau-upuan ko nang maamoy ang isang napakaalingasaw na amoy na nanggagaling sa aming silid.

"Sinong umutot?", sigaw ng isa sa mga kaklase ko. Sobrang baho, para akong masusuka.

Lumanghap ako ng hangin... "ang bango... sobrang bango.", sarkastikong saad ko habang patuloy parin sa paglanghap ng hangin.

"Binuksan lang naman ni Eugine ang fish sauce kaya nag-aalingasaw na ang napakabahong amoy nun.", hindi ako nagalit sa ginawa ng isa sa classmate ko sa halip ay mas lalo akong natawa dahil sa wakas at mapuputol na ang discussion ni maam tungkol sa boring niyang lessons.

"Waaah, lets feel the fresh air around us.", saad ko... narinig ko bigla ang mahinang pagtawa sa likod ko.

"Fresh air ang tawag mo diyan?", pakealam ng lalaking to?

"Oh, eh ano ngayon kung fresh air nga ang tawag ko?"

"Weirdo.", inis na nilingon ko siya sa likod at umarko ang aking kilay.

"I'm not weird, I'm just unique.", tumawa uli siya. Minsan naiisip ko kung baliw nga ba ang taong to o sadyang sinapian lang talaga.

"Narinig ko na yan... luma na rin yan.", lalong tumaas ang kilay ko. "Ang sabihin mo weirdo ka lang."

Hindi ko na uli siya pinansin sa halip ay itinuon ko ang pansin ko sa dinadrawing ko. "Gown na naman, wala ka na bang ibang pwedeng idrawing huh, Alice?", mas mabuti pa na wag ko muna siyang pansinin. "Idrawing mo naman ang isusuot ki sa araw ng kasal ko oh."

Para matahimik siya ay kumuha uli ang ng bagong bandpaper at dinrawing ang gusto niya. "Okay, class back to reality na tayo."

Hindi ako nakinig sa second subject namin, sa halip ay nagdrawing lang ako. Ginuhit ko ang iniutos sa akin ni Rafaepal... nakatuxedo siya habang nasa loob ng bulsa ng pants niya ang dalawang kamay niya.

Sa wakas at tapos na... pinirmahan ko kaagad at mabilis na ibinigay sa kanya. "Oh, nang matahimik na ang kaluluwa mo."

Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya sa halip ay umalis na ako sa upuan ko at lumabas ng room tutal ay tapos na ang second subject namin.

"Hoy, Alice sandali!", hindi ko inaasahang susundan niya ko.

Huminto ako pero hindi ko siya nilingon. Pumunta siya sa harap ko at ipinakita ang drawing niya. "Pangako, ito mismo ang susuotin ko sa araw ng kasal ko--auh by the way, Alice pakidrawing na rin ng wedding gown ng bride ko."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. "A-ano ako? Utusan mo? Duh... wag mo nang abusuhin kabaitan ko no."

"Hindi naman kita inaabuso... tsk, Fine, kung ayaw mo edi 'wag magpapagawa na lang ako sa mas magaling pa sayo.", aakmang aalis siya pero hinila ko siya sa braso.

"At sino naman yun?", tumingin pa siya sa drawing ko. "Psh, sige na nga! Idadrawing ko na."

Umalis ako, narinig ko pang may binubulong siya pero di ko yun pinansin . Kainis, napakakulit ng lalaking yun.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon