Chapter 33

1.7K 17 3
                                    

Alice’s POV.

Ang ikasal sa taong pinakamamahal nila ay ang pinakahihintay ng bawat babae sa mundo. Para sa’kin ito na siguro ang pinakamasayang araw ko.
“There you are…”, sambit ng bading na siyang nagmemake-up sa akin. “I’m sure mas lalong maiinlove sa’yo ang groom mo.”, kinuha niya ang pink na lipstick tsaka inumpisahang kulayan ang bibig ko.

Paulit-ulit kong saad habang tinititigan ang aking sarili sa harap ng salamin. Kakatapos lang akong ayusan ng aking make-up artist. Suot ko na ang wedding gown ko. Bitbit ko  na ang mga puting rosas. Nakasabit na rin ang puting belo sa aking ulo. Medyo kinakabahan pa ko pero mapapawi din naman ‘to.

“Sa wakas at ikakasal na ‘ko.”

Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na ikakasal na ko. Sa wakas at magkakaroon na ‘ko ng sarili kong pamilya, magsisimula ng panibagong yugto kasama ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sobrang tuwa.

“Alice!”, nagulat ako nang makita mula sa repleksyon ng salamin kung sino ang pumasok sa pinto-si Blyss. “Ilang minuto nalang at mag-aalas otso na! Duh! Bilisan mo na diyan. Masamang pinaghihintay ang groom.”
Napangiti ako.

Kinuha ko ang puting rosas na nasa mesa ko. Huminga ako ng malalim bago bumaling sa kasama kong si Blyss.

---

Rafael’s POV.

Inayos ko ang aking necktie sa harap ng salamin. Ilang beses pa ‘kong napabuntong hininga habang nagdadalawang isip kung tama nga ba ang gagawin ko sa araw na ‘to.

“Ano?!Ready ka na? sabihin mo lang dahil puwede ka pang umurong ngayon-”

“G@go ka ba Dwight? Mahalagang araw ‘to kay Rafael, sa tingin mo ba hindi siya sisipot sa kasal?”

“Kung sa bagay, baka hindi siya patawarin ni Alice pag hindi siya sumipot sa kasal.”

Napangiti ako nang marinig ang pinag-uusapan nina Dream at Dwight. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog sa pag-iisip nito. Tinitigan ko ang singsing na hawak-hawak ko at ilang beses na umiling.

‘hindi ko nga dapat biguin si Alice’

Bumuntong hininga muna ako bago ko sila hinarap.

Ngumisi sila sa’kin kaya napailing na lang ako. Halos araw-araw kasi pinapaalala sa’kin ng mga kaibigan ko kung gaano ako ka tanga, kung gaano ako kag@go, na dapat lumaban ako, na dapat hindi ako sumuko. Nagkamali nga ako kaya babawi ako… at sisimulan ko ‘to ngayon.

Naglakad ako palabas ng pinto at nang malaman kong hindi sila nakasunod sa’kin ay nilingon ko sila. Ngumising aso sila habang taas-baba ang kilay.

‘Psh, mga baliw!’

“Oh? Ano pa bang hinihintay niyo?”

---

Alice’s POV.

Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa loob ng simbahan. Hindi maiwasan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang tuwa. Humigpit ang hawak ko sa  aking bouquet, inaamin kong kabadong-kabado ako pero mas nangingibabaw pa rin naman ang saya sa’kin.

Labis akong nasaktan noong mga panahong iniwan ako ni Rafael, noong mga panahong mas pinili niya si Claudine kaysa sa’kin. Pero dumating si Josh, binuo niya ako, pinaramdam niya sa’kin kung gaano niya ‘ko kamahal…

Hiniling ko dati na sana hindi ko na ulit maranasan ang sakit na naramdaman ko sa aking unang pag-ibig. Hindi naman ako binigo ng tadhana, nagmahal ulit ako sa pangalawang pagkakataon at hindi ko inasahang sobra-sobra pa ang ibibigay niya sa’kin.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon