Chapter 7

1.4K 16 0
                                    

Alice POV.

"I want Rafael... I want Rafael to love me back... at... at kailangan ko ng tulong mo"


Hinawakan ko ang kanyang balikat. "Claudine, hindi mo pwedeng turuan ang pusong magmahal. Hindi pwedeng ikaw mismo ang magdedesisyon kung mamahalin ka niya o hindi. Love shouldn't be learn it must be feel.", nanlumo siya sa sinabi ko.

"So, hindi mo ako tutulungan?", nag-aalangang tanong niya.

Napatingin ako sa gawi kung saan nandoon ang nga kaibigan ko. Nakatingin sila sa amin na para ba'ng naghihintay sa senyales ko'ng resbakan nila ako.

"Tutulungan kita.", bigla siyang napangiti at aakmang yayakapin niya ako pero pinigilan ko siya. "Pero sa isang kondisyon."

Napairap siya tsaka pinagkrus ang kanyang mga braso. "And what is it?"

"Kapag si, Rafael na mismo ang kusang tumaboy sayo... titigil na ako."

"Yun lang ba?", confident na confident talaga auh. "Deal.", inihandog niya ang kanang kamay niya sa akin... senyales na gusto niyang makipag-shake hands kaya sumang-ayon nalang ako.

"Oh, anong sinabi sayo ng babaeng yun?", tanong sa akin ni, Blyss nang makabalik ako sa kinatatayuan nila. "Inaway ka ba niya? Nilait? Ininsulto?ano?"

Naghihintay na rin sina Chase at Twilight sa isasagot ko. "Sinabi lang naman niya sa aking na kailangan niya ng tulong."

Agad na humarang si, Blyss. "Tulong? Naku naman, Alice baka mapahamak ka lang. Tsk humanda sa akin ang babaeng--"

"Blyss, tumahimik ka nga muna!", mahina ngunit ramdam niya ang pagkainis ko sa paraan ng pananalita ko. "Ang sabi niya... gusto niyang mahalin din siya ni Rafael at... kailangan niya ng tulong ko."

Napatingin ako sa kinaroroonan nina Rafael kasama ang fianće niyang si, Claudine. Na ngayon ay nag-uusap.

"Oh eh ano? Pumayag ka?", ewan ko kay, Blyss.

"Oo naman!", sagot ko at nauna nang lumakad kaya sumunod din sila. "Bakit naman hindi di ba? Mabuti nga at tumutulong ako."

"Tanga ka ba, Alice?", biglang humabol sa akin sina Chase at Blyss habang si  Twilight naman ay naiwan sa likod.

"Binibigyan mo lang ng butas ang kalaban mo eh.", singit uli ni Chase.

"Anong masama sa pagtulong? Tsaka ano naman ang pakealam mo kung tutulungan ko silang nagkatuluyan?", humarang si Blyss sa dinaraanan ko dahilan kung bakit ako napahinto.

"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo, Alice? Mygahd pagkakataon mo nang magkalove life tapos sasayangin mo lang?", umiwas ako sa kanya at muling naglakad.

"Nahihibang na si, Alice.", saad pa ni Chase.

"Hindi ako nahihibang, okay. Sadyang matulungin lang talaga ako.", at pumasok kami ng room para kunin ang mga gamit namin. Tutal ay hapon na at pupuwede na kaming umuwi.

"Ewan ko sayo, Alice basta mark my words... you will regret it... someday.", at tinatakot pa talaga ako ni Chase.

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon