Chapter 27

1K 10 1
                                    

Alice's POV.

Nasa ilalim kami ng acacia'ng lagi naming pinupuntahan at kasalukuyan kaming nakaupo sa bench na nasa ilalim nito.

"Nakakatawa no?", tanong ko sa malungkot na tono. "Yung akala ko ikaw na yun pala hindi."


Kasama ko si Rafael... hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na makipagkita sa kanya. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya, pero walang mangyayari kung magpapadala lang ako sa sakit.


"Patawarin mo sana ako kung, nasaktan kita. Maniwala ka man o hindi pero hindi ko intensyon na paiyakin ka", bakas sa boses niya ang pagsisisi.

Nakatagilid ako mula sa kanya pero ramdam kong nakatitig siya sa'kin.


Hindi mo intensyon na paiyakin ako? Well nagawa mo na.


"Ano ka ba naman! Okay lang, hindi naman tayo perpekto eh... minsan nagkakamali tayo.", pinilit kong pasayahin ang boses ko. "pero sana, wag mo nang uulitin yun hah. Siguraduhin mo muna 'yang feelings mo bago ka sumugal.", pumiyok ang boses ko.

Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na, sobra na kong nasasaktan. Hindi ko ngayon magawang magalit ng harap-harapan sa kanya.

Hindi ko mapigilang umiyak...

"I'm sorry", he said. "I'm so sorry Alice"

Sa lahat ng mga pangakong binitawan niya sa'kin... wala ni isa d'on ang natupad.

"Tama na nga 'yang sorry mo!", I acted like it was okay even though, it hurts. "Tsaka... doon ako... doon ako kung saan ka masaya, kung saan ka malaya."

Nang sumalubong ang aming mga mata ay bigla siyang umiwas ng tingin. Pait akong ngumiti.

I'm not okay. Pero pipilitin ko...

"Aalis na ko bukas.", pahayag niya pa "Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Pero, masuwerte ako kasi nakilala kita."


Hindi ko alam kung nararapat ko pa ba siyang paniwalaan. Takot na kong bigyan ng motibo ang mga sinabi niya. Sapat na sa akin ang katotohanang, 'Hindi ako ang mahal niya'.


"Ako din.", sagot ko. "It was an honored to be part of your life. Kahit saan ka man siguro mapunta... wag mo sa akong kalilimutan ah.", I tried to be okay in front of him.


Malalim ang hiningang binitawan niya. Gusto kong umiyak at magsisisigaw sa sobrang galit at lungkot... pero hindi ko kayang gawin yun sa harapan niya... kasi pag-ginawa ko yun, talo na naman ako.


We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon