Chapter 23

906 19 0
                                    

Alice's POV.

"Akin na nga yan!", inilayo niya sa akin ang sandok nang akmang kukunin ko iyon. "Tsk"

Ginulo niya ang buhok ko. "Bisita kita dito kaya mas mabuting umupo ka nalang at panoorin ako, okay?", inirapan ko lamang siya.

Tumalikod ulit siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Ang sabi niya sa'kin kanina ay gagayahin daw niya ang ginagawa ng pinanuod naming lalaki.

Napailing ako sa naalala.

Wala siyang damit pang-itaas at tanging apron lamang ang nakatakip rito.

Aaminin kong hindi siya kasing gwapo ng mga lalaking lagi kong pinapanuod sa mga teleserye o sa mga k-dramas. Wala siyang abs at hindi din siya macho katulad ng mga lalaking lagi kong nakikita sa mga magazines. Hindi siya matalino gaya ni Einstein at mas lalong hindi siya perpekto gaya ng nga lalaking lagi kong binabasa sa mga libro. Pero kuntento na kong kasama ko siya at wala na kong hahanapin pang iba.

"Oh", ngumiti siyang umupo sa harap ko.

Kanina ko pang hindi mapigilang ngumiti sa naiisip. 

Mahal ko na talaga si Rafael.

"Eat", sabi niya at nilagyan ng menudo at kanin ang plato ko.

Sinimulan ko nang kainin ang niluto niya, "Ba't ba ang galing-galing magluto ng labs ko?", nakatitig lamang siya sa akin. "Hmm?"

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon, "Mahal kita", saad niya. 

Kitang-kita ko sa kanyang mata ang sinseridad.

"Mahal din kita", hinawakan niya ang magkabila king pisnge at dahan-dahang lumapit para halikan ang noo ko.

Napapitlag kami nang marinig na may umubo sa pinto ng kusina.

"Mukha atang nakakaistorbo ako", si manang Juliet ang nasa pinto at may dala-dalang pagkain. "Akala ko nga'y hindi na kayo nakapagluto kaya bumili nalang ako ng pagkain sa kinainan ko kanina"

Uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Istorbo po kayo, Manang", hinawakan ko sa braso si Rafael upang pigilan ito.

"Bakit naman ako nakaistorbo?", nilagay na ni mama ang kanyang dinalang pagkain sa lamesa namin. "Ano ba ang ginagawa niyo bukod sa paghalik mo sa noo ni Alice?"

Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Rafael.

Sinusubukan talaga ni Manag Juliet ang pasensya nito.

"Saan niyo po ito binili, Manang?", tumayo ako at kinuha ang pagkain para maiba naman ang usapan at para mabawasan ang pagkadismaya ni Rafael. "Ang sarap naman nito"

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon