Chapter 18

873 13 0
                                    


Alice's POV.

Masakit pa rin ang anit ko.

Huminga ako ng napakalalim. Bumalik ulit ako sa 'guidance'.

"Now, I want all of you... DALHIN NIYO ANG MGA PARENTS NIYO DITO BUKAS NA BUKAS!", halos pumutok ang ugat sa leeg ng councillor.

Napaamo ang mukha niya ng tumingin siya sa direksyon ko. "Ang you Miss Cortez, pang ilang beses ka na napaguidance? Para yatang suki na kita.", hilaw na ngiti ang isinagot ko sa kanya. "Dalhin mo din ang parents mo dito."

Lumabas ako 'ulit' sa guidance office na bagsak ang balikat. Napaawang ang bibig ko ng makita si Rafael sa labas ng office... tumayo siya ng tuwid ng nakita niya 'ko.

May sasabihin sana siya kaso di na natuloy dahil lumabas na rin ang iba niyang mga kaklase--kasama na dun si Claudine.

Napailing ako at naglakad na lang.

Nasa cr ako ng may biglang humila sa akin tsaka tinakpan ang bibig ko.

Juiceko!

Pumapalag ako pero mas malakas sila. Kung di ako nagkakamali ay dalawang tao ang humihila sa akin.

"TULONG! BWISIT SAAN NIYO BA KO DADALHIN HAH? HAH?", sigaw ko pero bigla akong natahimik...

"Oh, its you."

Mas mabuti pa sigurong sa room nalang ako magmukmok at mag-isip ng idadahilan ko kina mama at papa.

---

Sinundo ako ni papa gamit ang trycicle na hiniram niya sa aming kapit bahay. May dala siyang payong dahil umuulan.

"Oh, heto anak.", kukunin ko na sana ang payong nang bigla niya itong inilayo sa akin. "Anong nangyare sa pisnge mo?"

Napaaray ako kasi naman hinawakan niya ang namamaga kong pisnge.

"Tara na, pa uwi na tayo."

"Hali ka nga dito, Alice. Mag-usap tayo.", umupo siya sa waiting shed. Napairap ako sa ginawa niya.

Mabuti na nga lang at walang tao sa waiting shed na kinaroroonan namin.

Lumapit na rin ako kay papa.

"Anong nangyare diyan sa pisnge mo?", tanong niya.

Nag-iisip pa ko ng idadahilan ko ng pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako.

"Kasi pa--"

"Magsabi ka ng totoo, Alice. Alam mo namang galit ako sa mga sinungaling. At lalong di tatangkad ang di nagsasabi ng totoo.", napalunok ako sa sinabi niya.

"Pa, kasi bumalik ulit ako sa guidance office at pinatawag kayo.", napakamot ako sa batok. This is it, Alice katapusan mo na. "Nagsabunutan kasi kami ng mga ka--", di ko na natuloy ang sasabihin ko.

Ito pa pala ang isa ko pang problema. Hindi ko pa nasabi kina mama at papa na hindi na ko kabilang sa first section.

Jusko! Omo! Lupa... kainin mo na ko please!

"Sinong nakipagsabunutan sayo, anak?", malamig na tanong ni papa.

Alice! Paano na yan?!

"Y-Yung k-kaklase ko po...", tumingin ako sa kanya na siya namang tumingin sa akin. "Dati."

"Anong ibig mo'ng sabihin, Alice?!", ayan na!

Tinawag na niya ko sa sarili kong pangalan. Omo! Galit na siya.

"Papa!", niyakap ko siya pero di niya ko niyakap pabalik. Galit nga talaga siya. "Hindi ko po ito ginusto. Papa kasi... alam mo namang iniingatan ko yun eh, tapos nawala lang. Tapos pa hindi ko naman pinlano na mangyare to. Sana naman papa, patawarin niyo po ako... wag niyo sana akong itakwil bilang, anak--"

We've Been Once inlove (Young Hearts Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon